- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
01:31But karamihan ng mga i-report po sa atin ay nasa south and southwest, katulad ng Bagu City, particularly in barangays of Mailom, Maao, Ilihan, Bakong, and Labuanan.
01:41And meron din po tayong na-report, again, this is in the south and on the western part, so may La Carlota, Ponte Vedra, and La Castillana.
01:51Pero sa ngayon po ba, Director Bacucol, meron pa po kayong namomonitor na pagbuga ng abo?
01:57Wala na po. Tapos na po. It only lasted for 3 minutes. From 8.05 to 8.08.
02:02Yes.
02:03Oho. So wala rin ibang insidente ng ashfall aside from yung mga nabanggit po natin sa mga lugar ng La Castillana, La Carlota, at Bagu City.
02:12Yes. Sa Ponte Vedra po, meron din po.
02:17Pero may posibilidad po ba, Director, na tumaas pa ang alert level 2?
02:21Well, right now, nasa alert level 2 pa rin. We maintain the alert level at 2, which means the volcano is showing low level 1 rest due to shallow gas or hydrothermal activity.
02:34So binabantayan natin ito, patuloy natin pabantayan ang mga lindol, yung gas emission, pati na rin yung pamamaga ng lupa.
02:41So kung may nakita tayong pagtaas ng parameters, saka lamang natin ito itaas sa alert level 3.
02:50So ngayon, maintain pa po natin yung alert level 2.
02:52Kasi kung i-compare natin ito sa mga previous eruptions, like yung noong May 13 and yung April 7, hindi naman ito masyadong mas mataas kaysa mga previous eruptions natin.
03:05So sa ngayon, Director, ano ba ang payo po natin sa mga residente na malapit po sa vulkan?
03:13Okay, so mahigpit po natin yung pinaalalahanan ng mga residente na huwag pumasok sa loob ng 4 km permanent danger zone dahil maaaring magkaroon ng bigla ang pagsabog,
03:24tatulad yung nangyari kanina, and yung pagkaroon ng pyroplastic density currents, again, tulad yun yung naobserbahan natin ngayong gabi.
03:32So sa mga apektadong lugar, magsagot po silang face mask, tatpan ang kanilang, again, kung walang face mask,
03:41ang pwede nilang gamitin is yung tela na binasaan, then they can cover their noses and mouths with yung basang tela.
03:50Alright. Director, panghuli na lamang po, may pakikipag-ugnayan na po ba sa pagitan ng PHIVOX,
03:56ng PDR-RMO, pati na rin ng mga affected na LGU?
04:01Yes po, we are in constant communication with them.
04:04In fact, yung PDR-MO ng Negros Occidental, yung nabigay sa atin ng information sa mga lugar na apektado ng asphalt and sulfur dioxide.
04:17Alright, maraming salamat po.
04:19PHIVOX Director Teresito Bakulkol, magandang gabi po.
04:22Samantala, arestado ang tatlong putsyam na indibidwal sa nabistong Scam Hub sa Maynila.
04:28Gumagamit pa umano ng Artificial Intelligence o AI ang mga suspect para makapanloko.
04:34Saksi si June Veneracion.
04:44Satelitan ng pinasok ng anti-cyber-caing group ng PNP ang isang condominium unit sa Malati, Maynila.
04:52Bumungan sa kanila ang online scam hub na nabisto ng mga otoridad sa tulong ng isang impormante na kuha mula sa operasyon ng mahigit 200 digital evidence.
05:03Kabilang ang mga international SIM card, cellphone, pati mga computer.
05:08Arestado ang tatlong pong Pinoy at siyam na foreigner na karamihan ay mga Chinese.
05:12Sa mga social media platform at dating app daw, kumukuha ng target ang grupo.
05:21Karamihan sa kanila mga pinipili ay mga foreigner.
05:23Kapag nakapili na sila ng target, gagamit naman sila ng mga nagagandahang babae para akitin ang kanilang bibiktimahin.
05:31Ang modus doon ng grupo, paiibigin ng mga babaeng frontliner ang mga biktimah para mag-invest na cryptocurrency.
05:38Pero ang ending, scam pala.
05:41Gumagamit din sila ng AI para magbukang tunay na babae ang kausap ng biktimah.
05:45Yung mga mahilig doon sa mga dating sites and apps, mag-ingat-ingat po tayo, hindi lahat na nakakausap natin doon ay totoong tao.
05:58Katulad nito na na-raid natin, pre-recorded yung video na pinapakita nila doon.
06:06Ang kita raw ng mga babaeng frontliner, umaabot ng 100,000 pesos kada buwan.
06:12Pero giit ng mga babaeng inaresto, nasa 20,000 pesos lang ang kanilang kita.
06:17Biktimah lang nito sila na galing pa sa iba't ibang probinsya.
06:21Biktimah po ng kahirapan. Kailangan po kasi ng pera.
06:25Pero alam niyo pong illegal yung pinasok niyo?
06:27Hindi po.
06:29Ano pong pagkakaalam nito sa pinasok niyo?
06:32Full center po.
06:34Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang mga inaresto,
06:38kabilang ang paglabag sa Securities Regulation Code,
06:40at Seam Registration Act.
06:43Nakameld na pa sa korte na lang po kami.
06:46Patuloy ang investigasyon ng ACG.
06:48Didala naman sa Department of Justice ang mga naaresto para ma-inquest.
06:53Para sa GMA Integrated News,
06:55June venerasyon ang inyong saksi.
06:57Isa po ang bago sa saksi,
07:00niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Bogos City, Cebu,
07:04bago mag-alas 10 ngayong gabi.
07:06Isa po itong aftershock ng tumamang lindol sa lungsod noong September 30.
07:10So, Calaboso,
07:11ang negosyante yung nagbebenta ng mga ninakaw umanong baterya
07:14at ipapanggamit mula sa iba't ibang cell tower sa Metro Manila.
07:19Saksi, si Rafi Tima.
07:22Walang kawala ang isang negosyante matapos mabisto ang mga batery na ito
07:26sa kanyang warehouse sa Tandang Sora Avenue, Barangay Talipapa, Quezon City.
07:30Ang in-trafit alteration,
07:31ikinasa matapos makatanggap ng reklamo ang QCPD
07:34na ibinibenta mga bateryang ninakaw mula sa iba't ibang cell tower sa Metro Manila.
07:38Ibinibenta nila through online.
07:41So, ang tawag po dito is battery rectifiers.
07:44Ito po yung mga ginagamit sa mga cell sites
07:47na siyang nagsuserve na battery kung walang umaabot doon na kuryente.
07:5368 rectifier batteries ang nakumpis ka sa warehouse ng negosyante
07:57kabilang ang dalawang Android na telepono
07:59na ginagamit daw sa online na pag-ibenta sa mga ito.
08:03Iniimbestigahan pa ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit
08:06kung sino ang mismo ang nagnakaw sa mga baterya.
08:09Walang pahayag ng negosyante kung sino
08:11at paano nakarating sa kanyang warehouse
08:13ang mga umunay nakaw na baterya.
08:14Ito pong nahuli ay sinampahan na ng kasong violation ng PD-1612
08:20o yung Anti-Fencing Law before the Prosecutor's Office.
08:24Para sa GMA Integrated News,
08:26Rafi Timang, inyong Saksi!
08:30Pinawalang sala ng Sandigan Bayan sa kasong graft
08:33kag na isa pork barrel scam.
08:34Sina dating Senador Juan Ponce Enrile,
08:37ang dating Chief of Staff na si Atty. Gigi Reyes
08:39at ang negosyanteng si Janet Lim Napoles.
08:43Saksi si Jonathan Andal.
08:48Matapos ang mahigit isang dekadang investigasyon at paglilitis,
08:52absuelto si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile
08:56sa lahat ng natitirang graft case niya.
08:59Kaugnay ng paggamit ng kanyang pork barrel noong senador pa siya.
09:02Naka-confined sa ospital ang 101 years old na si Enrile
09:06kaya dumalo siya sa pagbasa ng atol via Zoom.
09:09Absuelto din ang kanyang Chief of Staff noon na si Atty. Gigi Reyes
09:13at ang negosyanteng si Janet Napoles sa labing limang counts ng graft.
09:17Si Reyes na nasa courtroom kanina,
09:19napaiyak at yumakap ng mahigpit sa kanyang kapatid.
09:22Sa desisyon ng Sandigan Bayan Special 3rd Division,
09:28sinabing bigo ang prosekusyon na ipakitang guilty sila beyond reasonable doubt
09:32sa pagbulsa ng sinasabing mahigit 172 milyon pesos
09:36mula sa Priority Development Assistance Fund o PIDAF ni Enrile
09:40na idinaan sa mga non-government organizations o NGO ni Napoles.
09:45Sabi ng Korte, inakusahan si Enrile ng evident bad faith o masamang intensyon
09:50o kaya ay manifest partiality o halatang pagkiling,
09:54mga elemento para sabihin graft ang kanilang ginawa.
09:57Pero hindi raw ito napatunayan sa iprenisintang mga liham ni Enrile
10:01kung saan hinihingi lamang niya ang pag-release ng kanyang PIDAF.
10:05Sa ibang liham, naglista lamang si Enrile ng mga proyekto
10:08na ibabangga sa kanyang PIDAF pero wala siyang binanggit na NGO.
10:12Hindi rin daw napatunayan na humingi o tumanggap si Enrile ng mga kickback
10:16mula sa kanyang PIDAF kapalit ng kanyang sinasabing pag-endorso o mano sa mga NGO.
10:21Hindi raw nasuportahan ang aligasyon sa testimonya ng testigo ng prosekusyon
10:26na makapag-uugnay sana kay Enrile sa pagtanggap ng kickback.
10:30Bagamat sinabi rin ni Rubi Tuazon na nag-deliver siya ng pera para kay Enrile,
10:34kulang naman sa detalyang kanyang testimonya kung magkano,
10:37para sa anong proyekto, pecha at lokasyon kung saan ito tinanggap ni Reyes.
10:41May pagkakaiba rin daw ang mga testimonya ni Tuazon at ng whistleblower na si Ben Hurluy
10:46kaya nabahiran daw tuloy ng duda ang mga testimonya ng dalawa.
10:49Sinabi rin ni Loy na hindi niya kilanman nakilala si Enrile.
10:52Di niya ito nakita sa opisina ni Napoles
10:54at hindi niya nakita ang anumang pag-deliver ng kickback sa dating senador.
10:58Sabi rin ng Sandigan Bayan, umamin si Loy na pineke nito ang ilang liquidation documents,
11:03pati ang firma ni Jose Antonio Evangelista,
11:06kapwa-akusado at dating deputy chief of staff ni Enrile.
11:09Unanimous ang desisyon ng tatlong mahistrado ng Sandigan Bayan na nang abswelto kina Enrile.
11:14Pirmado ito ni na-associate justice Ronald Moreno, Arthur Malabagyo at Juliet Manalo San Gaspar
11:20ng Sandigan Bayan Special Third Division.
11:23Bukod kina Enrile, Reyes at Napoles, abswelto rin ang ilan pang co-accused nila
11:28na staff ni Enrile, mga opisya ng DBM, Technology and Resource Center at ibang pribadong individual.
11:35Sa isang pahayag, nagpasalamat sa Diyos si Enrile sa aning vindication sa kanya.
11:39Nagpasalamat din siya sa mga maistrado ng Sandigan Bayan na
11:42masusiro pinag-aralan ng mga ebidensya at patas na nilitis ang kaso.
11:46Wala rin ipinataw na civil liability kina Enrile at Reyes at sa iba pang akusado.
11:51Pero si Napoles at ang iba pa, pinatawan ng civil liability na abot sa 338 million pesos.
11:57Batay kasi sa mga ebidensya na patunayang si Napoles ang tunay na may-ari
12:01at may kontrol sa mga NGO na nakatanggap ng pondo ng gobyerno.
12:06Para sa GMA Integrated News, ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
12:11Posible umunong kasama si dating Congressman Zaldico
12:14sa mga sasampahan ng reklamo sa Sandigan Bayan
12:17kag-nay sa mga anomalya sa flood control projects.
12:20Ayon po yan kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
12:23Saksi si Joseph Moro.
12:28Sinugot at kanalampag ng ilang grupo ang compound na ito sa Taguig
12:32kung saan nag-uampasin na ang Independent Commission for Infrastructure o ICI.
12:37Please, tulong na yan! Mga korakot! Please, tulong na yan! Mga korakot!
12:44Tinangkapan nilang makapasok pero naharangan sila ng security.
12:47Iginigit ng grupo dito ngayon sa may harap ng ICI
12:51kung saan ginagawa yung mga pagdinig na walang i-cover up
12:54doon sa kanilang ginagawang investigasyon sa mga flood control projects.
12:58Hindi tayo papayag na mga kontraktor lamang,
13:02na mga maliliit, na mga alam natin korap ang mananagot.
13:06Nanggigigil na yung taong bayan.
13:08Bakit hanggang ngayon wala pa silang nailalabmas na mga pangalan?
13:11We respect the right people to free speech.
13:15Iginigit din ang grupo na buksan sa publiko ang ginagawang investigasyon.
13:19Ayon sa ICI, bumubuo pa sila ng guidelines sa pagla-livestream ng kanilang mga pagdinig
13:24pero tiyak nang hindi ipalalabas ang mga nakaraang testimonya.
13:29With gathering evidence, we cannot show our evidence.
13:32Inilarawan ni ICI Chairman Justice Andres Reyes Jr.
13:35ang nangyaring korupsyon sa pondo ng mga flood control projects.
13:39The project is sold down the line.
13:45Somebody up will sell the project.
13:48They select the engineer and they select the contractor.
13:52Everybody's happy.
13:53Paglilinaw ng ICI ombudsman na magsasampan ang kaso sa Sandigan Bayan
13:58batay sa nakalap nilang ebidensya.
14:00Nasa preliminary investigation na ng ombudsman ng mga inihahing ebidensya ng ICI
14:05kaugnay ng mga proyekto sa Oriental Mindoro, La Union at Labaw Occidental.
14:10Inireklamo na rin ang DPWH sa ombudsman ng mga sangkos sa Omone Ghost Projects sa Oriental Mindoro.
14:16Sa ngayon, puno mga district engineer pa lamang ang naire-recommendang kasuhan.
14:20Do you think that we can indict or find information against maybe congressmen,
14:27DPWH and the secretaries?
14:30Your question is premature.
14:32And we make sure that our evidence is based on fair assessment.
14:37We will observe due process.
14:41And we will persecute and not persecute.
14:48Sabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia, may kakasuan na sila sa Sandigan Bayan sa loob ng isang buwan.
14:54At posibleng kasama raw dito si dating congressman Saldico.
14:57Malamang kasama.
14:59Kasi naalala ko mayroong Mindoro case na kasama sa mga finelsa.
15:04Ayon naman kay Public Works Secretary Vince Dyson, baka mas maunang kasuhan sa korte
15:09ang mga inireklamo nila kaugnay ng ghost projects sa Bulacan,
15:13kabilang ang mga dating district engineer at ang mga diskaya.
15:19Kanina ininspeksyon ng ICI at DILG ang detention facility sa Payatas, Quezon City
15:24kung saan ikukulong ang mga sangkot sa maanumalyang flood control projects.
15:28May isang daan na tulong selda ito ayon sa DILG.
15:32Pero posibleng kulangin na muna ito dahil lampas apat na raang ghost flood control projects
15:36ang iniimbestigahan.
15:38Kada isa, sampu na lang minimum.
15:42So ilan ang pwedeng gumamit ng facility dito?
15:48Ay kung 421 yan, 4 times 10.
15:52Kulang.
15:53Sa gitna ng kinakaharap na isyo ng DPWA sa flood control projects,
15:57pumirman ang kasunduan ng kagawaran, Caritas Philippines, ang CBCP,
16:02Mayors for Good Governance,
16:04at ang Bayan's Action for Participatory, Accountable and Transparent Governance o Tapat.
16:09Layon itong palakasin ang citizen-led oversight system
16:12kung saan ang mga mamamayan, lokal na pamahalaan at simbahan
16:15ay magiging katawang ng DPWA sa pagbabantay at pagruulat
16:18ng mga irregularidad sa mga proyekto ng imprastruktura sa buong bansa.
16:23Ilulunsa din ang DPWA sa portal kung saan nakalista lahat ng kanilang proyekto
16:28pati halaga ng mga ito, status at mga kontratista.
16:32Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
16:36Maring kinundinan ni Bulacan 6th District Representative Salvador Plato
16:40ang pagtukoy sa kanya ng ombudsman bilang sangkot sa umanay-anumalia sa mga flood control project.
16:46At kay Plato, handa siyang makipagtulungan sa Anti-Money Laundering Council
16:50o sino mga otoridad para lumabas ang katotohanan.
16:54Ang hiling niya sa publiko, iwasang bumuo ng konklusyon
16:57o magpakalat ng mga hindi-beripikado informasyon na makasisira sa kanyang reputasyon.
17:02Kahapon, tinukoy ni ombudsman Jesus Crispin remulia si Plato
17:05pati ang magkapatid na sina Benguet Representative Eric Yap
17:08at ACT-CIS Partylist Representative Edvik Yap
17:12na nakatanggap umano ng pera mula sa mag-asawang kontratista
17:15na sina Curly at Sara Diskaya.
17:18Batay umano yan sa pagsasuri ng Anti-Money Laundering Council
17:21sa daloy ng pera sa mga account.
17:24Wala pang pahayag ang magkapatid na Yap, kaugnay nito,
17:27pero dati nang itinanggi ni Congressman Eric Yap
17:30ang pagkakasangkot sa isyo ng flood control.
17:34Ilang pangmambabatas ang naglabas ng kanikanilang Statement of Assets Liability
17:38sa Net Worth o SAL-EN.
17:40Kabilang narito si na Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Kiko Pangilinan.
17:44Saksi, si Tina Pangaliban-Perez.
17:49Batay sa inilabas niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN,
17:54lumalabas na nasa mahigit 89.5 million pesos
17:58ang halaga ng yaman ni Sen. Wynn Gatchalian o Net Worth.
18:02Ito rin ang kanyang net worth dahil wala siyang idineklarang liabilities.
18:06Nasa mahigit 38,000 pesos ang idineklaran niyang cash sa banko.
18:11Konting movement lang naman yung aking assets because nung naging public servant ako,
18:18hindi ako masyadong personal activity.
18:22So nagbenta lang ako ng shares, I think, mga 6 years ago, 7 years ago.
18:28And then after that, wala namang masyadong movement.
18:31Sabay naman naglabas ng SAL-EN si na Liberal Party Chairperson Sen. Kiko Pangilinan
18:36at mamamayang Liberal Party List Representative Laila Delima.
18:41Mahigit 26.7 million pesos ang halaga ng mga yaman ni Pangilinan.
18:46Ito rin ang kanyang net worth dahil wala siyang idineklarang utang.
18:49Hindi natin maaaring hilingin ang transparency kung hindi natin ito isasapuhay.
18:57Hindi natin maaaring kondinahin ang katiwalian habang kinukonsinti natin ito sa sariling bakuran.
19:0710.7 million pesos naman ang halaga ng mga yaman ni Delima.
19:11Ito rin ang kanyang net worth dahil wala rin siyang idineklarang liabilities.
19:15With the example already shown by the speaker, umaasa kami na mas marami pa ang susunod na i-disclose na huwag nang maghintay ng either batas
19:27o maghintay ng requests from anyone, from any citizen or from media.
19:34Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez ang inyong saksi.
19:38Nagpatuloy po ngayon araw ang mga kilos protesta ng iba't ibang grupo at mga estudyante kontra sa katiwalian.
19:46Git po nila, hindi sila titigil hanggat walang napapanagot.
19:50Saksi, si Jamie Santos.
19:51Bit-bit ang mga rosaryo, imahe ng Birheng Maria, at mga placard na may panawagan laban sa korupsyon,
20:04nagdaos ng prayer rally, ang mga estudyante, alumni at miyembro ng Ateneo de Manila University sa Katipunan Avenue.
20:11Panawagan nila ang transparency, pananagutan at katarungan sa gitna ng mga isyo ng umano'y malawakang korupsyon sa pamahalaan.
20:18Bahagi ito ng White Friday protests sa ilalim ng panawagan ng simbahan para sa accountability kasunod ng Trillion Peso March.
20:35Nag-walkout naman sa kanilang klase ang mga mag-aaral ng Rizal Technological University o RTU sa Mandaluyong City.
20:43Ang kanilang protesta dahil sa umano'y mabagal na tugon ng pamahalaan sa panawagang panagutin ang mga sangkot sa korupsyon.
20:51Sabra na! Sabra na! Ikulong na!
20:55Sa EDSA Shrine, nagsama-sama na namang muli ang iba't ibang grupo para iparating sa pamahalaan ang tinig ng mamamayan.
21:03Bit-bit nila ang mga placard na naglalaman ng panawagan na makulong ang mga nagpapahirap sa taong bayan,
21:09sabay-sabay na nagsindi ng kandila at nag-ingay.
21:11Lahat ng korakot na magpapakulong!
21:15Hindi raw sapat ang imbistigasyon lang.
21:18Dapat umanong makulong ang mga magnanakaw at maibalik ang ninakaw sa taong bayan.
21:24Wala sanang mahirap kung walang nangungurakot.
21:27Na kailangan natin magkaisa this time kasi kailangan na pong mabuhay o magising ng bawat mamayan na hindi na ito inukulit-ulit.
21:34Gusto natin ng agad-agarang may makita tayong resulta. Pagpapakulong!
21:39Patikim pa lang ang mga pagkilos para sa inaabangang malaking rally sa November 30.
21:47Para sa Jimmy Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
21:52Pagkwestiyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa horisdiksyon ng International Criminal Court to ICC,
22:01ibinasura ng Pre-Trial Chamber 1.
22:03Ang argumento ng kampo ni Duterte, hindi sakop ng ICC ang Pilipinas dahil kumalas ito sa Rome Statute noong 2019.
22:10Pero ipinunto ng Pre-Trial Chamber na November 1, 2011, sumali ang Pilipinas sa ICC.
22:16At February 8, 2018, nagsimulang mag-imbestiga ang ICC prosecutor.
22:21State party pa ang Pilipinas sa mga panahon iyon.
22:24Kaya giit ng ICC, sakop ng horisdiksyon ito ang aligasyong Crimes Against Humanity laban kay Duterte na nangyari rin sa mga panahon iyon.
22:32Bukod dyan, kahit nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute, patuloy itong nakipag-ugnayan sa Korte.
22:38Gaya ng paghiling ng gobyerno ni Duterte na ipagpaliban ng imbesigasyon ong November 2021 at pakikipag-ugnayan ng kasalukuyang administrasyon kaugnay ng pag-aresto kay Duterte nitong Marso.
22:49Sinisikap pa ng GMA Integrated News sa kuna ng pahayagang kampo ni Duterte.
22:53Ikinatuwa naman ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs ang desisyon dahil mapapahinga na ang anilay paulit-ulit na isyo ng horisdiksyon ng Korte.
23:01This is the most crucial issue. Kung walang jurisdiksyon, wala lahat itong mangyayari.
23:09Ang natatangin tanong na lamang ay, okay pa ba siya? Okay pa ba yung akusado natin para makapagtuloy na tayo finally?
23:19Investigasyon kaugnay sa kasong administratibo laban sa mga polis ay dinadawid sa pagkawala ng mga sabungero na tapos na ng National Police Commission.
23:27Ayon kay Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan, nakahanda na ang draft resolution nila.
23:33Pero itchichempo ang paglabas nito sa paglalabas naman ang resolusyon ng Department of Justice o DOJ.
23:38Nitong linggo natapos ang preliminary investigation ng DOJ at dedesisyonan na kung sapat ang ebidensya para magsampa ng kaso.
23:45Hindi raw muna ilalabas ng Napolcom ang resolusyon nila para madaling mahabol ang mga sangkot sakaling ipaaresto sila ng Korte.
23:53Hindi naantay namin yung DOJ resolution. Bakit? Kung upsell ito, okay. E paano kung guilty? Paano kung dismissal ang aming hatol?
24:04Saan natin hahanapin? Saan natin iseserve yung mga warants of arrest ng mga yan?
24:07Lala naman siguro masama kung hawakan namin ng ilang araw pa, e tapos na naman din kami.
24:12Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
24:17Mismo hepe na LTO ang sumita sa isang SUV na walang plaka at gumagamit pa ng blinker.
24:22Ang nasitang driver na pag alamang may standing warrant of arrest pala?
24:27Saksi si Marisol Abduramaan.
24:33Agad pinara ni Transportation Assistant Secretary at LTO Chief Marcos Lakanilaw ang SUV na ito na gumamit ng blinker.
24:41Nakasabay ko siya sa EDSA, nagbi-blinker.
24:43Ngayon, napansin namin wala din siyang plaka. Agad namin sinek yung nakakabit na temporary plate.
24:52Apparently, walang record.
24:54Hindi naman ang magtigas ang driver.
24:56Nagpakilala siyang sundalo. Binigay niya yung ID niya na driver's license.
25:01Hindi yun ang nagbibigay ng karapatan sa kanya na gumamit ng ganyang blinker.
25:05Agad ding itinawag ng LTO sa Quezon City Police District Station 10 ang insidente at pinaverify ang driver.
25:12Nadiskubrin ang motoridad na meron siyang standing warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
25:19Immediately yung ating mga warrant operatives na proceed sa LTO main office and doon nga po isinerve yung warrant of arrest for violation of Section 511 ng Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.
25:32Nakuha sa sasakyan ng driver isang replica ng baril na may nakasaksak umanong mga bala. May nakuha ring ID ng AFR Reserve Command.
25:39Ang kasulukuyang po natin yung biniverify waiting for the result of our verification before the office of the Reserve Command Force ng AFR to attest kung talagang ito ay isang active member.
25:50Sa panayam namin sa driver, hindi niya itinangging gumamit nga siya ng blinker.
25:54How can I tell you the blinker, sir?
25:56Yun po'y hindi ko naman ginagamit pag abuso pero nagkataon lang po.
26:03Dati umano siyang reservist.
26:04Bakit po kayo mayroong replica ng 9mm at may live ammo?
26:10No comment na po ako doon.
26:12Sasampan ang driver ng reklamong paglabag sa illegal possession of ammunition para sa GMA Integrated News.
26:18Marisol Abduramad ang inyong saksi.
26:23Pumaro po sa edad na labing siyam ang social media personality at artist ng status by sparkle na si Emanuel Atienza.
26:31Inalala siya ng kanya amang sika puso host Kuya Kim Atienza at ng kanya mga mahal sa buhay.
26:37Kasabay po ng aming taus-pusong pakikiramay, balikan po natin ang masasayang alaalang iniwan ni Eman Atienza.
26:45Adventurous, full of life, artistic at expressive.
26:59Ganyan na kilala ng marami ang social media personality at status by sparkle artist na si Eman Atienza.
27:06Anak si Eman ng mga kilalang personalidad na si na kapuso host and news personality Kuya Kim Atienza.
27:16Papa, ano na?
27:17At Philippine Eagle Foundation President Felicia Hong Atienza.
27:22Apo siya ni dating Manila City Mayor Lito Atienza.
27:25Mahal.
27:27Pero bumuo ng sariling pangalan si Eman bilang isang content creator.
27:32Magandang gabi ulit mga kakapabayan.
27:34Na binansagan ng netizens bilang conyo final boss dahil sa kanyang kwelang accent pag nagsasalita ng Filipino.
27:43Pero, marunong naman ako mag-Tagalog na yan.
27:46Hindi, hindi kaya.
27:48Kaya naman ako mag-Tagalog.
27:50Hindi, marunong.
27:52Marami sa content ni Eman ay tungkol sa kanyang active lifestyle.
27:57Kabilang sa mga hilig niya ang calisthenics at rock at wall climbing.
28:01Vocal si Eman sa iba't ibang issue o kaya nagbibigay siya ng hot takes.
28:06I feel like this is a really hot take and I might get a lot of hate for this.
28:09Ang isa sa mga paksang pinaka-open siya ang tungkol sa kanyang mental health.
28:14You know, I was diagnosed with bipolar disorder in my mid-teens.
28:17This means that I'd have phases of extreme happiness called manic episodes and faith.
28:21Nitong nakaraang buwan, nag-post siya sa kanyang IG broadcast channel na nag-social media break siya
28:27dahil nakakaramdam daw siya minsan ng anxiety kapag nagpo-post siya sa social media.
28:35Naginagawa lang naman daw niya for fun at pare-express ang kanyang sarili.
28:40Hi guys, I just moved to LA.
28:41Bumalit din siya sa social media at ibinahagi ang kanyang buhay ngayon sa Amerika.
28:49Pero kanina, malungkot na ibinalita ng kanyang pamilya ang pagpanaw ni Eman sa edad na 19.
28:58Ayon sa kanyang pamilya, lubos na kasiyahan at pagmamahal ang dinala ni Eman sa kanilang buhay at sa lahat ng mga nakakakilala sa kanya.
29:08Lagi raw niyang ipinararamdam sa kahit na sino na may nakikinig sa kanila at hindi siya natakot na ibahagi ang kanyang mental health journey.
29:19Nakatulong daw ang kanyang pagiging totoo para maramdaman ng iba na hindi sila nag-iisa.
29:25Bumuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati mula sa kanyang Sparkle GMA Artist Center family,
29:32kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.
29:35At mahal kita ang mga kababayan.
29:40Hiling ng pamilya Atienza, alalahanin si Eman sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kanyang mga katangian tulad ng kanyang malasakit, katapangan at paggawa ng kabutihan sa araw-araw.
29:56Muntik nang mabagsakan ng malaking bato ang isang taxi driver sa Turkiye.
30:05Napatakbo at nadapapa ang lalaki nang gumauslos ang dambuhalang bato.
30:10Muntik ding tamaan ang sasakyan.
30:13At sa ulat ng local media, may ginagawa sa bulubunduking bahagi ng lugar na yan na biglang gumulong ang bato na tumawid pa sa kalsada.
30:21Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
30:23Muli yung mag-uwi ng karangalan si Pinoy Double Olympic Gold Medalist Carlos Yulo.
30:30Waghi si Yulo ng bronze medal sa 2025 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap kanina sa Jakarta, Indonesia.
30:39Nakakuha po siya ng score na 14.533 para sa Men's Floor Exercise Final.
30:44Makikita pa sa mga kuha ang nakakaantig na tagpo sa pagitan ni Yulo at ng kanyang coach matapos ang performance.
30:56Alamin na po natin ang latest sa probinsya ng Negros Occidental kasunod ng pagputok ng Bulkan Kanlaon.
31:02Mula sa Bagos City, saksilay si Aileen Pedreso ng Jimmy Wismore.
31:07Pia mga kapuso, muli na namang nagulat ang mga residente ng Negros Island Region dahil sa pagputok ng Mount Kanlaon alas 8.05 ngayong Biendes ng gabi.
31:22May kasabang abo ang ibinugang usok ng bulkan na umabot sa 2,000 meters ang taas.
31:28Apektado ang bahagi ng Lower Masulog sa Kanlaon City, Negros Oriental.
31:32At dito naman sa Negros Occidental, limang barangay sa Bagos City ang apektado ng ashfall.
31:37Nagpapatuloy sa monitoring ang mga LGU, lalo na sa mga residente na nakatira malapit sa bulkan.
31:43Sa ngayon, ayon sa mga LGU, ay walang pre-emptive at forest evacuation na ipinatutupada.
31:48Ngunit pinag-iingat naman ang lahat, lalo na at may nalalanghap na malakas na amoy ng asupre mula sa bulkan.
31:54Pia, naka-alerto rin ang mga LGUs, lalo na ang probinsya, sa deployment ng mga rescue vehicles sakaling masundan pa ang minor eruption.
32:06Mula rito sa Negros Occidental, ako sa Aileen Pedreso ng GEMI Regional TV, ang inyong saksi.
32:18Dalawa pang Gen Z housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
32:23Ang ipinakilala ngayong araw, si na-sparkle artist Marco Masa at tawag ng tanghalan school showdown champion na si Carmel Collado.
32:34At kay Marco, hindi lang kompetisyon ang habol niya sa pagsali.
32:37Gusto rin niyang mapabuti ang kanyang sarili.
32:40At si Carmel naman, bibitbitin sa bahay ni Kuya ang pagiging religyoso.
32:45So, for me, I would take each day inside as an opportunity to show who I am, to show my best self, to explore myself, to get to know myself better.
33:01And of course, yung mga housemates na mga kasama ko inside.
33:03I'm a private person po talaga.
33:06Talagang, alam niyo, 24-7 po talagang makikita ko.
33:09So, very challenging.
33:10So, I think this is another chapter po sa career na meron po ako.
33:15Salamat po sa inyong pagsaksi.
33:19Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaking misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
33:26Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
33:30Hanggang sa lunes, sama-sama po tayong magiging Saksi!
33:35Mga kapuso, maging una sa Saksi!
33:43Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment