Skip to playerSkip to main content
6 beses nang nag-landfall ang Bagyong Verbena na inaasahang magla-landfall pa sa Northern Portion ng Palawan. Nagdulot 'yan ng lampas taong baha sa malaking bahagi ng Bacolod kaya may mga residenteng umakyat ng bubong at nagpasaklolo.


May mga bahay ring tuluyang inanod. Muli namang nalubog sa baha ang maraming lugar sa Cebu habang sa Agusan del Norte naman may mga bahay na natabunan. Sa Miyerkules, posibleng nasa West Philippine Sea na ang bagyo at maaaring makalabas na rin sa PAR sa Huwebes.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lampas taong baha naman ang nanalasa sa malaking bahagi ng Bacolod,
00:05kaya may mga residenteng umakyat ng bubong at nagpasaklolo.
00:09May mga bahay ring tuluyang inanod.
00:12Ang sitwasyon doon tinutukan live ni Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
00:18Aileen?
00:22Mel, unti-unti nang nagsubside ang tubig baha sa ilang barangay dito sa Bacolod City,
00:27ngunit ang mga residenteng lumilikas patuloy na nadadagdagan ayon sa LGU
00:32dahil sa nagpapatuloy na rescue operation.
00:39Mabilis ang ragasan ng tubig sa puro Carvic, Bacolod City niya Gross Occidental.
00:43Ang mga bahay nalubog sa hanggang dibdib na baha.
00:48Di na nakapagsalba ng gamit ang ilan at inakyat na rin sa mataas na lugar ang alagang hayop.
00:53Sa barangay 39, umakyat na lang sa bubong ang ilang mga residente.
01:02Ganyan din ang sitwasyon ng mga taga-barangay Singkang Airport.
01:07Lampas tao ang tubig sa ilang bahagi, kaya gumamit ng rubber boats ang rescuers ng Red Cross.
01:13Maingat na inalalayan ang mga residenteng nasa bubong dahil malapit na sa mga kawad ng kuryente.
01:18Mailan namang sa simbahan muna tumuloy.
01:20Sa barangay 40 naman, may mga kabahayang tinangay ng baha.
01:42Masakit eh.
01:46Laves naisa, wala gagami may na, ano, haukas kitin ang balay naman.
01:52Kung nang bayo, gamit, lamisa, bangko, electric plant, tanan-tanan, wala.
01:58Sa Proconsuelo sa Barangay Villamonte,
02:01nakunan din ang residente kung paalong tuluyang lamuni ng tubig ang inanod na bahay na ito.
02:05May ganyan ding nakunan sa creek malapit sa San Antonio Abad Church.
02:17Ayon sa CDRRMO, 26 na barangay sa Bocolo City ang binaha.
02:21Mahigit dalawang libong pamilya ang apektado.
02:24May ilang stranded din dahil di makadaan sa mga kalsadang lubog sa tubig.
02:27Sa Iloilo City, binahari ng ilang pahunahing kalsada,
02:32gaya sa barangay Huwerbana sa La Paz,
02:34kung saan may ilang residenteng sumuong na lang sa baha para makauwi mula sa trabaho.
02:39I expected, damang nga gawa, ma-dipermit, aga-ulan.
02:41Yung laka-tula kaya, malamda, balay namun.
02:43Budlay man eh, kaya wala ka, ano, bula ang service.
02:47Kung mga commute ka, tayo budlay ka man, mga gulat ka, jeep.
02:50Para man sa pamilya eh.
02:52Ah, pangadlawadlaw man eh.
02:53Sa tala ng LGU, 30 na barangay ang binaha dahil sa malakas na ulan.
02:59Sa barangay Lopez Haina, North La Paz, may ilang residenteng lumikas.
03:03Kung magtener, pagid kami ito, mataas, pagid sa...
03:05Tumaas rin ang libel ng tubig sa ilang creeks sa lungsod.
03:09Tapay, sambay, isang kasot, sambay.
03:14Namahagi na ng relief goods ang LGU kasama ang DSWD sa mga residente sa evacuation centers.
03:20May igbit naman na minimonitor ang mga ilog at creeks sa lungsod dahil sa pabugsubugsong pagulan.
03:27Balik sa iyo, Mel.
03:28Maraming salamat sa iyo, Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
03:34Muling nalubog sa baha ang maraming lugar sa Cebu dahil sa ulang dala ng bagyong verbera na anim na beses na naglandfall.
03:41Hindi lang mga bayat, ari-ari ang nalubog sa tubig ang problema ng marami,
03:45kundi pati mga nasawing alagang hayop na hindi na naisalba ng tumaas ang tubig.
03:50Nakatutok live si Feh Marie, dumabok ng GMA Regional TV.
03:54Feh!
03:59Imilaabot sa mahigit dalawang daang pamilya ang biktima sa malawakang pagbahal sa Karkar City at bayan ng barili dito sa Cebu dahil sa bagyong verbena.
04:09Verbena.
04:13Kasunod ang malakas na ula dahil sa bagyong verbena.
04:19Rumagasa ang baha sa barangay poblasyon sa Karkar City, Cebu.
04:23Kaninang madaling araw, umapaw ang tubig sa Nilias Bridge na nagdulot ng baha sa National Highway.
04:29Nabutan pa ng GMA Regional TV ang ilang residenteng naglilinis ng establishmento at binahang bahay.
04:35Nalubog din sa baha ang malaking bahagi ng Publasyon 2.
04:45Isang 18-anyos na lalaki naman ang nalunod matapos mangisda kaninang umaga sa bukana ng sapa kung saan naranasan ang baha.
04:52Ayon sa City RRMO, ligtas ang isa pang 18-anyos na kasama ng biktima.
04:58Ayon sa inisyal na datos ng Karkar City, DRRMO, na sa mahigit isang daang pamilya o mahigit apat na raang individual ang apektado ng baha,
05:07walang naitalang casualty o nasugatan dahil sa ipinatupad na preemptive evacuation.
05:11Sa bayan naman ng Barili, Cebu, aabot sa 126 na pamilya mula sa 6 na barangay ang apektado ng malawakang baha sa lugar.
05:22Umapaw kasi ang Santa Ana River.
05:24Although naaraman noon sa mga highway, ang umanpon ka nang wala panggay sila magdahong kaya sa previous ng mga bagyo,
05:32hindi na nakataas ang turbing nila so wala sila kung sa ito ang PNTV evacuation.
05:37Sa barangay poblasyon na abutan namin si Jerome, nabit-bit ang mga namatay niyang manok na nalunod sa baha.
05:44Awas sa suba, wala namang mga tabang, amang mga pamilya sa amang iuna, pagbalik naman, di naman mada, i-anood mga misog.
05:53Sa barangay San Rafael naman, may inanood na mga sasakyan.
05:57Pusputi naman na kukas dagat na direh. Ang niwanig yung mahipos yung butang.
06:01Ang but yan eh, sir. Ang asak makinaan eh.
06:05Pagayaw mong kunigus ko, ang dami ka niko.
06:09O yan, datahan pagpatay, tanay sa amotas kung pa niyan.
06:12Wala kitaon eh.
06:13Tulay, drinits.
06:15O, wag yun eh, drinits. Wala ikak, gusanan ang tubig mo.
06:17Wala kitaon na mong ihangin yung last time nga.
06:20Kupuli ba nga, tagaling tau niya, gusanan ang tubig.
06:22Kaya ang tubig mo, good. Mangitay siya kagianan din.
06:25Emil, patuloy pang inaalam ng Cebu PDRMO ang kabuang danyos ng malawakang pagbaha.
06:37Samantalang, nagsidatingan ang maraming mga pasahero dito sa kinilalagyan natin sa Pier Uno ng Cebu City.
06:43Matapos ma-resume na ang biyahe ng mga barko.
06:46Matapos itinaas o inisuspend na ng pag-asa ang itinaas na storm signal dito sa Region 7.
06:58Emil?
06:59Ingat at maraming salamat.
07:00Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
07:02May git dalawang libong pamilyang binaha sa Habongga, Agusan del Norte, kasunod ng pananlasa ng bagyong verbena.
07:12May ilang natabunan pa ng gumuhong lupa ang tirahan.
07:16Nakatutok si Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
07:23Mga lupang nakatabo na sa ilang kalsada, mga kalat na naanod, mga sasakyang na puno pa ng putik at basura,
07:31ilan lamang ito sa mga iniwang pinsala.
07:34Matapos ang malakas na ulan, hatin ng bagyong verbena sa bayan ng Habongga, Agusan del Norte.
07:40Ang kaniad tong mga kabalayan, karoon, nahimong puro siyuta na lamang.
07:46Kinihuman ang nahitabong dakong landslide din sa barangay A. Beltran sa lungsod sa Habongga, Agusan del Norte.
07:54Epekto gyapon sa bagyong verbena.
07:58Swerteng nakaligtas ang pamilya ni Rodrigo.
08:00Mga ito nisingkit ko sa akong anak, kung akong asawa nga, magawas na ito, kaya masing naay sigunda.
08:06Dito may agi sa kusina.
08:08Pag igorong may kabot nyo rin sa haewe, pikas kilid,
08:11mga ito nga, arin niya na punang bukid.
08:15Mga ito nga, among ipuyan, nakuha nyo dyan, handos.
08:18Itinuturing rin na pangalawang buhay ni Aris ang milagrong makaligtas sa sakuna.
08:24Ilang minuto lang kasi bago ito gumuho, tinawag siya ng kanyang kaibigan.
08:29Ari na ako, wala na natabunan na ganoon toon.
08:32Purot ang mga gamit.
08:34Ang nabili na ako, short round, drip.
08:38Okay, wala ko yung baro dito ng dahik.
08:41Emosyonal rin nang makausap namin si Nana Eleonora.
08:46Nalubog sa baha ang kanyang tindahan at bahay sa barangay Balinguan kahapon.
08:51Mahigit, 70 taon na raw siyang nakatira sa lugar.
08:55Pero, ngayon pa lang niya naranasan ang ganong klaseng baha.
09:00Sila nalay mahiba o kung sa ilang ika, tabang ba?
09:04Mga opisyal sa itong goberno kung sa ilang ika, tabang sa amo.
09:10Dawato na masakulay sa payan.
09:12Palamat yun kayo.
09:16Umaapila ng tulong ang mga residente.
09:19Ayon sa LGO, nasa mahigit 2,000 na pamilya o mahigit 9,000 na mga individual
09:25ang apektado ng pagbaha.
09:27Ang pinaka-goal mo ginato sa tanan, disaster operation, disaster response kay zero casualty.
09:34And we're glad niya, kaluhi sa ginoong, luwas sa mga habungan nun.
09:40Sa wala may, doon na yung mga report of evacuees, na yung mga report of mga need rescue nun,
09:47pero luwas sila tanan.
09:50Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
09:54Cyril Chavez, nakatutok 24 oras.
10:03Mga kapuso, kuha na tayo ng updates sa Bagyong Verbena.
10:06Kung hanggang kailan ito magpapaulan sa bansa,
10:09yakatin ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
10:13Amor!
10:16Salamat, Emil.
10:17Mga kapuso, patuloy ang pagilos ng Bagyong Verbena palapit sa Palawan
10:21matapos mag-landfall ng ilang beses dyan sa Visayas.
10:25Ang landfall po nito kahapon sa Bayaba, Surigao del Sur,
10:28nasundan pa ng ibang landfall.
10:30Dito yan sa Hagna Buhol at Alisay, Cebu,
10:32Valle Hermoso sa Negros Oriental,
10:35pati na rin po dito sa may San Lorenzo, Guimarãs,
10:37at ganoon din dito sa Miagaw, Iloilo.
10:40Sakaling tumama rin sa northern portion ng Palawan,
10:42ito na ang magiging ikapitong landfall nitong Bagyong Verbena.
10:46Huling namataan ang sentro ng itong Bagyong Verbena sa coastal waters ng Cuyo, Palawan.
10:51Taglay po ang lakas ang hangi nga abot sa 55 km per hour
10:54at yung bugso naman nasa 70 km per hour.
10:58Kumikilos po yan pakalura na sa bilis na 25 km per hour.
11:02Ayon po sa pag-asang ngayong gabi,
11:04posibleng mag-landfall o dumikit po yan dito sa northern portion ng Palawan.
11:09At bukas, Merkules, posibleng nandito na yan sa West Philippine Sea
11:12hanggang sa maaaring makalabas na ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Webes.
11:18Kung para kahapon, nabawasan na yung mga lugar na nasa ilalim ng Wind Signal No. 1.
11:23Nakataas po yan sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro,
11:26southern portion ng Romblon, northern and central portions ng Palawan,
11:30kasama ang Kalamian, Cuyo at Cagayan Silyo Islands.
11:34Kasama rin sa ilalim ng Wind Signal No. 1, ang Antique,
11:37ganun din ang northwestern portion ng Aklana.
11:40Sa mga nabanggit na lugar, posibleng pa rin po makarana sa mga pabugsong-bugsong hangin
11:44na may kasamang mga pag-ulana.
11:47Pero hindi lang po yung Bagyong Verbena ang nagpapaulan,
11:50kundi pati na rin yung shear line o yung weather system
11:52na nabubuo sa banggaan o sa lubungan nitong malamig na amihan
11:56at pati na rin yung mainit na hangin galing dito sa Pacific Ocean.
12:00Base po sa datos ng Metro Weather, halos buong Luzon at pati na rin ang Visayas
12:05ang uulanin pa rin sa mga susunod na oras.
12:07May mga matitinding ulan pa rin na pwede po magpabaha at magdulot ng landslide.
12:12Dito sa mga pakitang kita po, halos matak pa na yung Luzon at pati na yung Visayas.
12:16So ibig sabihin, dito po concentrated yung mga pag-ulana.
12:20Bukas sa umaga, malakas pa rin po ang ulan dito sa Northern Luzon,
12:23ganun din sa ilang bahagi ng Central Luzon,
12:25ilang lugar dito sa Calabarzon at Mimaropa,
12:28pati na rin dito sa ilang bahagi ng Bicol Region.
12:31May mga kalat-kalat na ulan naman sa iba pang bahagi ng ating bansa,
12:34dito sa Visayas at sa Mindanao.
12:36Pag sapit po ng hapon, mas marami ng lugar ang uulanin
12:39at halos buong bansa po yan, pero kalat-kalat na lamang.
12:44At para naman sa Metro Manila,
12:45posible rin po tayo makaranas ng mga pag-ulan pa rin bukas.
12:49Yan ang latest sa ating panahon.
12:50Ako po si Amor La Rosa.
12:52Para sa GMA Integrated News Weather Center,
12:54maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended