00:00Matapos mahatulan ang habang buhay na pagkakakulong si Alice Guo, si Cassandra Liog naman ang inutuntun ngayon ng mga otoridad.
00:08Pero at large daw ngayon si Og dahil binawi ang contempt order laban sa kanya noong 2024.
00:15Yan ang ulat ni Louisa Erisbe.
00:19Ikinagulat ni na Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Risa Hontiveros na malaya pala ngayon si Cassandra Liog
00:26kahit may warrant of arrest na ito mula sa isang korte sa Pasig Regional Trial Court
00:31sa kasong Qualified Human Trafficking in Person dahil sa iligal na operasyon noon ng Pogo.
00:37Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang budget ng DOJ, lumabas na matagal na palang nakakawala si Ong.
00:44Ngayon po si Cassandra Li Ong, nakarelease ho siya. Actually nagulat rin ako.
00:52Pareho ho tayong nagulat kasi tinututukan ho natin tong case.
00:55Matatandaan na noong December 2024 nang binawi ng Kamara ang contempt order kay Ong.
01:01Kaya siya nakalaya mula sa pagkakakulong sa Correctional Institute for Women o CIW sa Mandaluyong.
01:08Pero naghihimutok ang mga senador. Paano na ngayon hindi siya matuntot at maaresto kahit may warrant na?
01:16Nakakabahala talaga na at ngayon pa na humaharap na si Cassandra Li Ong sa kaso sa RTC sa Pasig
01:24So paano na po magiging katulad ba sa sitwasyon ng gobyerno kay Harry Roque na hindi present yung tao para humaharap sa proseso?
01:34Nung nakalabas siya at tsaka lang na filing kaso, at large siya ngayon.
01:39Pero ayon naman kay Sen. Gatchalian, tinutuntun na si Ong at pinapakansila na ang pasaporte.
01:45Wala pa namang record ng Bureau of Immigration na lumabas na ito ng bansa.
01:49Mayroon na siyang warrant of arrest. Sinahanap na po siya ng ating kapulisan dito po sa within our jurisdiction.
01:56Kasama naman ni Ong sa kaso si Atty. Harry Roque.
02:00Sa ngayon raw, pinapakansila pa rin ang kanyang pasaporte at may proseso na para mapauwi siya sa Pilipinas at harapin ang kanyang kaso.
02:08Atting kay Harry Roque, since wala po siya dito sa Pilipinas, wala pong jurisdiction ang korte over him.
02:16At dahil po kailangan po siya nandito sa Pilipinas, so yun po ay nakapending rin.
02:24Dahil nga may warrant of arrest na po siya, so ang kanilang ginawa ay pakansila po yung kanyang passport para ma-inform po ang Interpol ng Red Notice.
02:36At ma-arresto siya ng Interpol.
02:40Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments