00:00Kumpiansa ang Mindanao Development Authority sa potensyal ng Mindanao na maging halal hub ng Pilipinas at ng buong Asia.
00:08Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:11Sa gitna ng lumalawak na Muslim market sa Asia at Middle East,
00:16tinututukan na ng Mindanao Development Authority o Minda ang mas kumprehensibong halal ecosystem para sa reyon.
00:22Ayon kay Minda Chair Leo Terezo Magno, matagal nang nakabase ang Pilipinas sa Brunei, Indonesia at Malaysia
00:30na ilang mga bansang may matatag na halal industries at certification systems.
00:35Ito po yung mga matagal na po tayong nagbe-benchmarking sa ginagawa ng Malaysia, sa Brunei at Indonesia
00:44at tayo naman dito sa Pilipinas, constant po ang kausap po natin palagi dito ay yung mga certifying bodies.
00:52Ibinida rin ng Minda na lumalawak ang halal sector dito sa Pilipinas,
00:57hindi lang poultry, livestock at food processing,
01:00kundi pati ang halal lifestyle, services at tourism na may malaking market mula sa Southeast Asia at Middle East.
01:07Isang modelong sinusundan ng Minda ang Japan upang mahikayat ang mga Muslim tourist papuntang Pilipinas.
01:13Pero nananatiling hamon ang buong supply chain, mula sa animal feeds hanggang sa paraan ng pagkatay sa mga hayo.
01:20Up until siguro we come to a point at time, lahat na tayo kahit hindi Muslim maghahanap ng halal chicken.
01:28Kasi pag halal, siguradong organic ang feeds nito.
01:32Siguradong free from all other derivatives that will cause health problems to us later on.
01:38And so since that way of life is gradually going there, and definitely yan yung tinitingnan natin na direction.
01:44Kasabay nito, binubuksan na ang mas maraming Islamic finance window sa Mindanao,
01:49matapos maipasa ang Islamic finance law.
01:52Mahalaga ito para sa barm communities na dahil haram o pinagbabawal ang traditional interest-based banking system sa Islam.
01:59This accords opportunity for our Muslim brothers and sisters for instance.
02:04Kasi para sa kanila, very important that we have this Islamic finance or Sharia compliant financing system also available.
02:15Kasi bawal po sa kanila ang magkaroon ng financial process na may interest. That's haram.
02:22Target din ngayon ng Minda ang Sukuk funds mula sa mga Middle East partners tulad ng Qatar
02:27para tustusan ang ports, airports, roads, at energy projects sa Bangsamoro.
02:34Layunin nitong i-unlock ang infrastructure potential ng reyon habang pinapalawak ang halal export capacity.
02:41Sa poultry export, posibleng mag-export ng halal chicken ang Mindanao sa Middle East
02:45sa tulong ng mas mahigbit na global halal audit standards ng Malaysia at Brunei.
02:50Sa paglawak ng halal ecosystem, mula food production, certification, Islamic finance, hanggang tourism,
02:57nakikita ng Mindanao may oportunidad ang Mindanao na maging pangunahing halal hub sa buong Southeast Asia.
03:04Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments