00:00Patuloy na pinaiigting at pinabibilis pa ng disud ang pag-ibigay ng dekalidad na pabahay sa mga Pilipino.
00:07Sa katunayan, isang housing project ang nakataktang isang katuparan kung saan nasa tatlong daang pamilya ang makikinamang.
00:14Nagbabalik si Denise Osorio sa Sandro, Nagbalita.
00:19Patuloy ang pamahalaan sa pagsulong ng pangakong makapaghatid ng inclusive, corruption-free at future-ready na pabahay.
00:25Inilunsad ang kauna-unahang rental housing project ng Unibersidad ng Pilipinas at Department of Human Settlements and Urban Development
00:33bilang hakbang para mapalapit pa sa 2028 housing target ng administrasyon sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o Expanded 4PH Program.
00:43Ayon sa disud, mabilis at episyente ang reforma sa kagawaran na siyang nagpapatunay na naresolba ang mahigit 3,800 backlog na reklamo at permit actions
00:54na naipon pa mula 2021.
00:56Kaya natin ito in-expand para masilbihan ng programa yung mga mas mahirap natin mga kababayan.
01:02So ang dalawang modalities na para sa mahirap natin kababayan ay ang community mortgage program at ang rental housing
01:08na ating pinirmahan nyo yun ang MOA with the University of the Philippines.
01:12Itatayo ang Disud-UP Marilag Residences Housing Project sa 11,594 square meter property sa loob mismo ng UP Diliman
01:20na bumubuo ng tatlong mid-rise residential building at kayang tumanggap ng tatlong daang pamilya.
01:27Sa project cost na P413 million pesos, itinulad ito sa housing model ng Valenzuela Disciplina Village
01:33ang konsepto ng proyekto at inaasahang makukumpleto ang konstruksyon sa loob ng tatlong taon.
01:40P850 pesos lang ang buwan ng bayad sa renta na mapupunta sa estate management
01:45na mas mababa kumpara sa karaniwang presyo ng UPA.
01:48Ipapatupad rin ang pinagbuting pamantayan sa siguridad at disiplina ng komunidad
01:53upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan at kapayapaan sa loob ng Marilag Residences.
01:58Ayon naman kay UP President Atty. Angelo Jimenez, matagal nang dapat isinakatuparan ang inisyatibang ito
02:05dahil libo-libong mamamayan ang naninirahan sa loob ng UP Diliman sa loob ng ilang dekada
02:10at marami sa kanila ang hindi pa rin nabibigyan ng matatag at marangal na tirahan.
02:15Kung wala kang gagawin, it will become, right at least now, urban blight and a hive for chaos and even criminality
02:24and that threatens the university. So we need to do something.
02:27Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment