00:00Buhay pa pero may nicho na.
00:02Sa panahon takot pag-usapan ng kamatayan,
00:05isang lalaki sa Maynila ang binibisita na
00:07ang kanyang sariling puntod,
00:10si Denise Osorio sa detalye.
00:14Tuwing undas, bumabalik si Manuel Obligasyon
00:18sa mga puntod ng kanyang mga kapatid at hipag.
00:21Isang tahimik na paggunita at pagpapadama ng pagmamahal.
00:25Pero may isa pa siyang binibisita,
00:27isang nicho na sa unang tingin ay karaniwan.
00:31Ngunit kapag nilapitan mo,
00:33kapansin-pansin na wala pa itong date of death.
00:36Well, actually in here is my brother Clinton,
00:41the wife Christina,
00:43and my sister Alicia,
00:45and the one is Caruso, my brother.
00:47And this one, Manny, is my name,
00:51which is Manny de Obligasyon.
00:54That's mine.
00:55That's me. That's mine.
00:58So, I'm ready for it.
01:0076 na si Kuya Manny ngayong taon.
01:03At positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay.
01:06Pero sa panahon ngayon,
01:08karamihan ay abala
01:10o kaya na may gipit sa budget.
01:12Kailangan rin paghandaan na
01:14ang susunod na kabanata.
01:16Dahil sa sinapit ni Kuya Manny na stroke
01:18noong nakaraan,
01:19napag-desisyonan niyang
01:20magpasadyana ng kanyang sariling puntod
01:23para wala nang aalalahanin pang iba
01:26ang kanyang pamilya
01:27pag siya'y pumanaw.
01:28Para kay Manny,
01:30kung dati malas
01:31o kawalang respeto
01:32ang pag-aayos ng libingan,
01:34sa panahon ng praktikalidad,
01:36tinatanggap na ito ng marami
01:38bilang isang uri
01:39ng paghanda.
01:40I also belong to a conservative family
01:44na pagka mayroon kang need yung ganyan,
01:48ang iisipin nila,
01:49you're going to die na,
01:51you are preparing for your death.
01:54That was before.
01:55Kasi whether we like it or not,
01:58we will be all going up there.
02:01So,
02:02as my age,
02:04I'm prepared.
02:05Para kay Manny,
02:07hindi na usaping madilim
02:08ang tungkol sa kamatayan
02:10dahil ito'y bahagi ng paglalakbay
02:12ng bawat kaluluwa.
02:14Hindi na dapat katakutan
02:16ang kamatayan,
02:17kundi tanggapin
02:18bilang bahagi ng buhay.
02:21Isang paalala na,
02:22sa kabila ng ating mga plano,
02:24may mga bagay pa rin tiyak
02:26na patutunguhan.
02:27Most of my age
02:29na mga senior citizens
02:32are really afraid
02:33of these facts.
02:35But I must say
02:36and tell them
02:38advise them,
02:39let's face it,
02:40dyan tayo pupunta
02:42whether we like it or not.
02:44From thus we came
02:45to thus we will go back.
02:48At sa bawat kandilang sinisindihan,
02:50dala ni Manny ang pag-asa
02:52na kahit may katapusan ang buhay,
02:55may direksyon itong tinatahak.
02:57Sa puntod na may,
02:58nakaukit na ang kanyang pangalan
03:00na tagpuan ni Manuel Obligasyon
03:02ang tunay na diwa ng undas,
03:04ang pagyakap sa mapayapang yugto
03:06ng buhay.
03:08Denise Osorio
03:09para sa Pambansang TV
03:10sa Bagong Pilipinas.