00:00Sa ibang balita, higit 40% ang ine-export ng Pilipinas sa Estados Unidos ang tariff-free na
00:06dahil exempted na rin sa reciprocal tariff ng U.S. ang karamihan sa agricultural exports ng bansa.
00:13Kung ano-ano ang mga yan, alamin natin sa Sentro ng Barita ni Denise Osorio.
00:20Malaking ginhawa ang dala ng bagong executive order na inilabas ng U.S. noong November 14,
00:26kung saan tinanggal ang 19% reciprocal tariff sa karamihan ng agricultural exports ng Pilipinas.
00:34Kabilang sa mga exempted products ang coconut oil, coconut water, desiccated coconuts o kinayog na nyog,
00:41pina, manga, mangosteen, bayabas, saging na fresh at processed, iba pang dried fruits at fruit juices,
00:50tuna fillet, confectionary goods tulad ng asukal at rice wafer products.
00:56Hindi na rin papatawan ng taripa ang kape, tsaa, kokwa, spices, avokado, oranges, kamatis, beef o karni ng baka, at ilang fertilizer.
01:08Ayon sa DTI at sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs,
01:13higit 1 billion U.S. dollars na agricultural exports noong 2024 ang pasok sa exemption,
01:20kung saan mahigit 60% ay coconut at coconut derivatives.
01:24Sa kabuuan, kasamang industrial products, umaabot sa 46% ng total U.S. imports mula sa Pilipinas,
01:32ang ngayon ang tariff-free na.
01:35The exempted agricultural products amount to over 1 billion dollars, or 1.03 billion dollars.
01:43So it's a very significant export number.
01:49Ayon pa kayo sa PS Secretary Frederick Goh, malaking tulong ito sa ating farmers, MSMEs, at exporters
01:57dahil napapanatili ang pagiging competitive ng mga produktong Pilipino sa U.S. market.
02:02Dagdag naman ni Department of Trade and Industry Secretary Christina Roque,
02:06matagal na itong hinihingi ng Pilipinas mula pa noong Hulyo,
02:10at nagpapakita ito ng matibay na trade partnership ng dalawang bansa.
02:14I think definitely this will be a boost to agricultural exports, right?
02:20But I don't think the effects of this are also instant.
02:25I think agriculture by its very nature also needs more gestation, more planning, more logistical play.
02:34So it's not an instant effect.
02:37But it's still good news.
02:38Mananatiling aktibo ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa U.S.
02:42para masiguro ang iba pang sektor gaya ng garments, travel accessories, at furniture,
02:48habang pinapalakas din ang produksyon sa tulong ng Department of Agriculture.
02:53Iginitirinigo na maging ang semiconductors,
02:55na isa rin sa pinakamalaking exports ng Pilipinas,
02:58ay patuloy pa rin ang isinasagawang negosasyon.
03:02Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.