00:00Inanunsyo ng International Criminal Court o ICC na ilalabas nito sa November 28
00:06ang desisyon sa apila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang interim release o pansamantalang paglayak.
00:15Matatandaang noong September, ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber 1
00:20ang hiling ni Duterte na palayaan muna siya habang dinidinig ang kanyang kaso.
00:26Katwiran ng Pre-Trial Chamber, kailangan masigurong dadalo sa mga pagdinig ang dating Pangulo pero mula sa simula.
00:35Kine-question nito ang kanyang pagkakadetine na tinawag niyang kidnapping.
00:39Sa apila ng kampo ni Duterte sa desisyon,
00:43iginiit nitong walang kakayahang tumakas o bumalik sa politika ang dating Pangulo
00:48at hiling lang nitong makalahok sa pagdinig sa kaso niya habang nasa lugar na nararapat sa kanyang kalusugan.
00:56Sa dokumentong inilabas ng Appeals Chamber,
01:00sinabing ang desisyon sa apila ni Duterte ay ilalahad sa open court sa susunod na biyernes ng umaga,
01:09November 28, alas 5.30 ng hapon dito sa Pilipinas.
01:13Sampai jumpa!