00:00Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa confirmation of charges hearing ng mga hinaharap niyang kaso sa ICC
00:08batay sa nilagdaan niyang sulat sa pre-trial chamber.
00:13Pero ang sabi ng ICC, request lang ito na nasa mga hukum-kung pagbibigyan.
00:20Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:25Sa isang nilagdaang sulat ay sinumitin ang kanyang mga abogado sa pre-trial chamber 1.
00:31Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya dadalo sa hearing sa confirmation of charges mula February 23 hanggang
00:3827.
00:39Kahit daw online, hindi siya dadalo.
00:41Hindi raw niya kinikilala ang jurisdiction ng ICC sa kanya.
00:45Isinalarawan niya ang sarili na isang Pilipinong saplit ang pinasok sa aeroplano at dinala sa Deheg, Netherlands.
00:51Labag daw ito sa saligang batas at sa subiranya ng bansa.
00:54Ang Office of the President daw ang kumamada nito at nag-charter pa ng aeroplano para sa kanya.
00:59Sabi ni Duterte, alam niyang ang pwedeng kahinat na nang di niya pagdalo o pag-wave ng karapatan niya.
01:05Pero tiwala daw siya sa kakayahan ng kanyang mga abogado na kwestyonin at hamunin ang mga ebidensya laban sa kanya.
01:11Ang paratang daw na pinamunuan niya ang extrajudicial killings noong mayor at presidente siya ay hindi totoo.
01:18Inimbento lang daw ito ng mga kalaban sa politiko ng ilang taon.
01:22Matanda na raw siya, pagod na at mahina.
01:25Sana raw irespeto ng korte ang kapayapaan na sa loob ng selda niya.
01:28Tanggap na raw niya na doon siya mamamatay.
01:31Pero mananatiling para sa Pilipinas ang puso niya.
01:34Ayaw daw niya dumulo sa mga legal proceedings na makakalimutan din niya agad.
01:38Ang sabi ng ICC, ang pag-wave ni Duterte sa apat na araw na confirmation hearing ay isang request sa
01:44korte.
01:45Depende raw sa ICC judges para sa desisyon na ito sa ngayon.
01:48Para naman kay Congresswoman Leila Delima,
01:51ang mga deklarasyong ito ni Duterte ay patunay na maayos ang pag-iisip niya.
01:55Propaganda at legal strategy na ni Duterte ang hindi pagdalo.
01:59Pero sa submission ng abogado ni Duterte sa ICC,
02:02sinabi nilang dinikta raw ni Duterte ang laman ng pahayag noong lunes, February 16.
02:06Noong Martes, nilagdaan daw niya ito kahit hindi niya naaalala kung ano yung mga dinikta niya.
02:12Ang Malacanang naman, iginiit na naayon sa batas ang pagpapadala sa deheg ni Duterte.
02:17Ginampanan lang din daw ng gobyerno ang responsibilidad nito sa mga nagreklamang biktima.
02:22Kung taxpayer po ang giramit ito, ito lang po ay naaayon sa batas.
02:27Dahil gumaganap lang po ang gobyerno ito sa kanyang katungkulan,
02:31maliban po sa sinabi natin pag-cooperate with the Interpol,
02:37pagpapatupad ng batas na RA-9851,
02:39meron din pong residual obligation ang administration na ito
02:44upang ipatupad ang dating napagkasunduan na
02:48noon tayo pa ay miyembro ng ICC o ng Rome Statute.
02:53Sa lunes, February 23, nakatakdang unang araw ng pagdinig
02:57sa confirmation of charges sa dating Pangulo sa ICC sa Deheg, Netherlands.
03:02Sinabi ng ICC na batay sa independent medical experts na pinadala kay Duterte,
03:07fit ang dating Pangulo na humarap sa hearing.
03:10Katunayan, ang inilatag na schedule ng ICC ay bilang konsiderasyon kay Duterte.
03:15Tatlong oras lang ang hearing sa February 23, 24, 26 at 27
03:20at kada isang oras ng hearing ay may break para raw makapahinga
03:24ang dating Pangulo.
03:26Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
Comments