00:00Para maiwasan ang pagkahumaling ng publiko sa online gambling,
00:05nakatakdam baglunusad ang PAGCOR ng 24x7 Hotline at AI Power Tools.
00:11Yan ang ulat ni Mela Les Moras.
00:14Hindi pabor ang PAGCOR sa isinusulong ng ilang kongresista na tuluyan ang ipagbawal ang online gambling sa bansa.
00:22Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tenco,
00:25mas malalagi kasi sa panganib ang ating mga kababayan dito at tiyak na hahanap at hahanap pa rin ng paraan
00:31ang ilang negosyante para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.
00:35Ang masakit pa niyan, tiyak na mababawasan ang kita ng gobyerno.
00:39Ang posisyon namin ay stricter regulation.
00:42Maski po sa magkaroon ng total ban, tuloy din po ang illegal gambling.
00:48At ang masakit po ron ay lalong malululun ang Pilipino dahil walang proteksyon.
00:54Ang mga manunugal kung sakaling total ban na po yan.
00:59At higit pa ron ay wala pong papasok na revenue talaga sa ating pamahalaan.
01:05Aminado ang PAGCOR na lumobo ang bilang ng mga Pilipinong naaadik sa online sugal ngayon.
01:10Mula sa 49 billion pesos noong 2024,
01:14inaasahang papalo pa sa 60 billion pesos ang kita ng PAGCOR mula sa online gambling.
01:19Mas malaki pa raw sana riyan ang kikitain ng gobyerno kung lahat na nag-ooperate nito ay legal.
01:25Yun nga lang sa tala ng PAGCOR, halos 40% lang ng mga operasyong ito ang rehistrado sa gobyerno,
01:31habang higit 60% naman ang iligal.
01:34Bilang tugon, pinigting na raw ng PAGCOR ang pakipagtulungan sa DICT, CICC, PNP, MBI at maging sa BSP ukol dito.
01:42Kamakainan lang, may maganda na rin daw na ibunga ang paghigpit ng BSP.
01:47Magsimula po noong araw ng linggo hanggang kahapon ay bumagsak po ng siguro ay 50% ang online gaming transactions.
02:02Magsimula noong iniutos ng Banko Sentral na mag-delink muna ang mga e-payment platforms na ito
02:11sa integration with online gaming companies.
02:18Geit ng PAGCOR, may mga hakbang na rin sila para matulungan ang mga kababayan nating naaadik sa sugal.
02:24Nakatagda silang maglunsad ng 24x7 hotlines.
02:27Makikipag-tie-up din sila sa ilang software companies para sa paglulunsad ng AI-powered tools sa mga susunod na buwan.
02:34Una, mayroon na pong self-exclusion buttons.
02:38Pangalawa, pwede na pong mamonitor or matrack ang playing habits ng mga consumers.
02:48Kung saan, kung makikita ng software or mamonitor sa software na mas malaki ang natatalo mo sa iyong pagkapanalo,
03:00malaki na ang deposit mo compared to your average deposit,
03:06then automatically your account will be suspended and reviewed.
03:11Bilang isa sa mga income generating agencies ng pamahalaan,
03:15humarap sa kamera ang PAGCOR para makilahok sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng proposed 2026 national budget.
03:22Habang pinalalaki ang kaban ng bayan,
03:24pagtitiyak ng PAGCOR patuloy rin nilang paiigtingin ang kanilang servisyo.
03:29Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.