00:00Sa harap na mainit na usapin tungkol sa flood control projects, ilang pumping station sa Tondo, Manila at napag-alabang nakatinga.
00:09Yan ang ulati, J.M. Pineda.
00:13Isa ang Estero de la Reina sa Tondo, Manila ang tagtad ng pumping station.
00:18Iba't ibang kumpanya ang contractor nito.
00:20Base sa impormasyon mula sa Department of Public Works and Highway,
00:23naglalaro sa 90 million hanggang 100 million ang presyo ng mga proyekto dito.
00:27Noong nakarang linggo, inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kumpanyang nakasungkit sa mga flood control projects sa bansa.
00:35Kabilang sa top 3 ay ang Alpha and Omega General Contractor and Development at St. Timothy Constructions.
00:42Ang mga kumpanyang yan ang binanggit ni Pasig City Mayor Vico Soto sa kanyang social media post na iisa lang ang may-ari.
00:49Sabi pa sa post ni Mayor Soto, ang nakalaban niya sa politika na si Sarah Diskaya ang nagpapaandar ng dalawang kumpanya.
00:56Kasama nga dyan ang St. Gerard Construction na isa rin sa top contractor ng Pilipinas.
01:01Binisita rin natin ang website ng Department of Public Works and Highways.
01:06At dito nga sa seksyon ng kanilang website na infrastructure, makikita yung mga proyekto sa National Capital Region na natapos na noong 2024.
01:16At kung i-scroll down mo nga, papunta sa pinakababa at number 24 ay makikita mo yung proyekto na nakalagay dito ay yung construction ng retarding basin
01:28at installation ng booster pump dun sa kahabaan ng Estero de la Reina.
01:34At nakapangalan nga yan sa Alpha and Omega General Contractor Development Corporation.
01:39Ito yung isa sa mga sinasabi ni Mayor Vico Soto na pagmamayari din ng mga diskaya.
01:47At kung makikita nyo rin dito, tumataginting na 96 million ang presyo ng proyektong yun.
01:53Nang tinanong namin ang mga residente na malapit sa kahabaan ng Estero de la Reina,
01:57kwento nila, isa o dalawang beses lang nagamit ang mga pumping station sa kanilang lugar.
02:02Kabilang na dyan ang booster pump na nakapangalan sa Alpha and Omega Constructions.
02:06Ano pinapagana nila yung pumping station?
02:08Hindi pa o.
02:10Simula?
02:11Yung ano lang, doon lang sa mga kanto lang gumagana.
02:14Yung kanto lang na yun?
02:15Yung iba?
02:16Hindi ito, hindi pa.
02:17Ano lang po, yung umpisa po na tinesting nila yan, isang beses po.
02:21Mga dalawa, ganun yan. Dalawang beses.
02:24Tapos?
02:25Pero ngayon hindi na po.
02:27Sinusubukan naman ang PTV News na kunin ang pahayag ng mga nasabing kumpanya,
02:30pero hindi ito sumasagot.
02:32Nasilip rin namin ang isa sa mga pumping station sa may Recto, Maynila.
02:36Dito ay may nakabantay na mga tauan ng DPWH at ipinakita pa nila na gumagana ang kanilang pumping station na araw-araw ginagamit.
02:45Samantala, sisimulan na rin ang BIR na busisiin ang mga na-discovering ghost project na mga flood control,
02:51kasama na rin ang mga contractors.
02:53Una-una, titignan natin yung mga tax compliance dahil yan naman ang sakop ng or saklaw ng authority ng BIR.
02:59So titignan natin yung naging tax compliance nitong mga contractors patungkol dyan sa mga proyekto na yan at overall tax compliance nila.
03:07Pag sinabing ghost project, wala naman talagang ginawa.
03:10So ibig sabihin yan, walang ginastos patungkol sa proyektong yan at binayaran siguro sila.
03:15Pero walang ginastos sa proyektong yan. So dapat wala silang matidisalaw yung mga expenses.
03:22JM Pineda, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.