24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:22Magandang gabi po, Luzon Vizales at Mindanao.
00:26Tinawag ng palasyo na walang basihan at nakakahiya ang mga aligasyon ni Senadora Amy Marcos na nagdo-droga umano ang kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos.
00:38Sabi pa ng Senadora sa harap ng libu-libong dumalo sa protesta ng Iglesia Ni Cristo, hindi lang Pangulo ang gumagamit ang droga kundi pati ang First Lady at kanilang mga anak.
00:49Pinalagan yan ng anak ng Pangulo na si House Majority Leader, Sandro Marcos, na sinabing hindi asal ng tunay na kapatid ang ginawa ng kanyang tsahin.
00:59Tugo naman ng Senadora, handa siyang magpa-DNA test kung magpapa-hair follicle test ang pamilya Marcos.
01:07Nakatutok si Jonathan Andal.
01:08Batid ko na na nagda-drug siya!
01:17Ang aligasyon na yan, Senadora Amy Marcos, laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, kagabi, agad na pinalagan ng palasyo.
01:25Sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakakahiya at desperada na ang Senadora.
01:31So ano ang dahilan ng desperadong galawan ni Senador Amy Marcos, laban sa sarili niyang kapatid at pati kay First Lady, kundi makapanira lamang?
01:50Walang basihan.
01:51Matagal ng issue to, pero since wala kayong makita sa Pangulo na anumang issue ng korupsyon, kung saan saan nyo dinadala ang issue.
02:01Nakakahiya, Senador Amy. Nakakahiya.
02:06Gate ni Castro, dati nagnag-negatibo sa drug test ang Pangulo.
02:10Alam naman natin na nagkaroon na ng drug test, nung pangbago mangampanya ang ating Pangulo.
02:21Gusto ko pong ipakita sa inyo para po maalala nyo muli.
02:23Ito po, November 25, 2021, nang may mga pagbintangang gumagamit di umano ng droga.
02:36Mismo, at the time, hindi pa po Pangulo, si Pangulong Marcos Jr., siya mismo ang nagbolontaryo para magpa-drug test.
02:47At sinasabi po sa drug test na ito ay negatibo.
02:52Ginawa ni Senadora Marcos ang kanyang mga aligasyon kagabi sa harap ng mahigit kalahating milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Curino Grandstand.
03:00Yung bisyo niya na ang dahilan ng pagbaha ng korupsyon, kawalang direksyon, at maling-maling mga disisyon.
03:14Hindi na niya alam ang nangyayari. Hindi na pinapaalam sa kanya ang mga pangyayari.
03:23Sinamantala ng mga ito, ang paggamit niya ng droga, kinangkam na nila ang kaban ng bayan.
03:29Sa huli, inaya ni Aimee na umuwi na ang kapatid niyang Pangulo.
03:34Tama na, ading ko. Tapusin mo na ang paghihirap mo at ng bayan.
03:42Gaya noong umalis tayo sa palasyo, kaya ko pa rin hawakan ang iyong kamay.
03:49Kaya hinihingi ko na tayo'y umuwi na mamahinga alang sa iyong kalusugan.
04:00Kaya kong mabigo at mawala sa iyo ang posisyon, pero hindi ko kayang mawala ka sa amin.
04:09Ayusin mo ang sarili mo. Magpagamot. Alisin ang droga sa iyong sistema.
04:19Kung totoong makapilipino ka at totoong makabayan ka, Sen. Aimee, tumulong ka sa pag-iimbestiga.
04:27Dapat na ma-pinpoint, dapat maituro kung sino talaga ang sangkot sa korupsyon.
04:35Huwag mong sirain ang kapatid mo. Hindi ito ang isyo ngayon.
04:38Pero hindi lang ang Pangulo ang inakusahan ng pagdodroga ng Senadora.
04:42Idinawit din niya si First Lady Lisa Marcos at kanilang mga anak, kabilang si House Majority Leader Sandro Marcos.
04:50Kinumbinsi ko pa si Bongbong. Pakasalan mo na si Lisa.
04:57Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya, malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon.
05:08Ang laki ng pagkakamali ko.
05:13Mas lumala ang kanyang paglulong, pagkalulong sa droga.
05:20Lahirin, parehas pala silang mag-asawa.
05:25Nalaman kong pati ang mga anak niya ay nagdodroga na.
05:34Kinasusok lamang ko pa ang pag-alok ng mag-inang si Sandro ng droga ang aking mga anak at iba pang mga kamag-anak.
05:46Yan ang hindi ko na mapapalampas.
05:50Pero hindi rin pinalampas ni Congressman Marcos sa mga sinabing ito ng kanyang tsahin na wala raw basihan at wala raw katotohanan.
05:58Hindi raw totoo ang aligasyon sa kanya kahit pa raw tanungin ang mga pinsan niyang anak ni Aimee na si Nailocos Norte Vice Governor Matthew at Atty. Michael Manotok.
06:07Masakit daw para sa kanya na nagpakababa ang tsahin niya sa pagsisinungaling, destabilisasyon sa pamahalaan at pag-traidor sa pamilya para lang sa ambisyon nito sa politika.
06:19Dagdag pa niya, ang akusasyon ng kanyang tita sa kanyang ama ay hindi asal ng isang tunay na kapatid.
06:25Buelta ni Senator Aimee, gustong paingayan ni Congressman Sandro ang usap-usapang hindi siya tunay na kapatid ni Bongbong.
06:32Hamon niya ngayon, magpapa-DNA test siya pero magpa-hair follicle test naman si Sandro.
06:39Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
06:44Walang balak si Pangulong Bongbong Marcos na kumasa sa hamon na hair follicle test o ano mang drug test ayon sa palasyo.
06:55Pag didihing pa ng Malacanang, hindi magbibitiwang Pangulo sa gitna ng mga akusasyon.
07:03Nakatutok si Ivan Mayrina.
07:06Mangkamit na naman siya!
07:08Sa gitna ng mga aligasyon ng pagdodroga, may binato sa kanya ng kapatid na si Senadora Aimee Marcos.
07:14Tumuloy sa kanyang mga aktibidad ngayong araw si Pangulong Bongbong Marcos.
07:18Sa tiwi, albay siya kanina umaga para inspeksyonin ng pinsalang iniwan ang bagyong uwan sa ilang paaralan doon.
07:22Bukod sa tulong pinansyal na mahagi rin siya ng Starlink para sa internet connection at mga gamit pang eskwela.
07:30Matapos ito'y pinangunahan niya ang isang situation briefing kasama ilang miyembro na kanyang gabinete.
07:36Hindi nagkaroon ng pagkakataon ng media na makapagtanong sa Pangulo kanina.
07:39Pero sabi ng palasyo, wala raw balak ang Pangulo o ang first family.
07:43Nadamay din sa aligasyon ng Senadora Marcos na buweltahan ng Senadora sa kanyang mga naging pakayag.
07:48Wala rin daw balak umasa ng Pangulo sa muling pinalutan ng kapatid na hair follicle test o anumang drug test para pabulakanan ang kanyang paggamit ng droga.
07:57Ang Pangulo po ay malinis at ang Pangulo po ay hindi magpapadala sa anumang pag-uudyok.
08:05Pag-uudyok ng mga destabilizers, pag-uudyok ng mga obstructionists na walang gagawin kundi magbigay ng mga kondisyon, magbigay ng pag-uuto sa Pangulo kahit hindi na po ito naaayon sa kanyang pagtatrabaho.
08:21At sa gitna ng mga ito, giit din ang palasyo.
08:23Hindi po opsyon sa administrasyon sa Pangulo ang pagbibiteo.
08:28Ang Pangulo ay matapang, nahaharapin kung ano man na suliranin ng bansa.
08:33At sila mga nag-iingay, sila ay ingay lamang.
08:37Kasunod naman ang pagbibiteo ni na Executive Secretary Lucas Bersamin,
08:40Budget Secretary Amina Pangandaman at Undersecretary Adrian Bersamin.
08:45Nagsubiti rin ang kanyang pagbibiteo sa Education Undersecretary Trijib Olayvar,
08:50na idinawit din sa usapin ng katiwalian ni DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
08:55Tiwala ang palasyo sa pangungunan ni Executive Secretary Ralph Recto
08:59at Finance Secretary Frederick Goh, na nananatiling matatay ekonomiya ng bansa.
09:04Nauna ng sinabi ng Pangulo na inaasahan makakabawi ang ekonomiya ng bansa
09:08sa huling quarter ng taon sa tulong ng ilalabas sa pondo ng gobyerno.
09:12Mayroon ng nakalatag na mga komprehensibong catch-up plan
09:16ang pamahalang Marcos Jr. ayon sa national priorities
09:20at mapabilis ang paglago ng ekonomiya.
09:23Higit sa lahat, tinitiyak din ng pamahalaan sa taong bayan
09:28na nasa tamang landas ang fiscal condition ito
09:31at positibo ang mga inaasahan sa mga darating na buwan.
09:35Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
09:46Sinampahan na ng kaso ng Ombudsman sa Sandigan Bayan
09:49si dating Congressman Zaldico, ilang opisyal ng DPWH Mimaropa
09:53at mga opisyal ng SunWest Corporation.
09:57Kaugnay po yan sa umunoy substandard na proyekto
10:00sa Oriental Mindoro na pinondohan ng halos 300 milyong piso.
10:05Nakatutok si Salim Arefran.
10:07The Office of the Ombudsman announces today
10:12that we have issued a resolution finding probable cause
10:16to file criminal charges against
10:19former Congressman Elie Zaldico,
10:22several officials of the DPWH Region 4B,
10:26and the Board of Directors of SunWest Corporation
10:28as private respondents.
10:31Bit-bit ang bungkus-bungkus sa dokumento.
10:33Nag-sampa ang Office of the Ombudsman sa Sandigan Bayan
10:36ng mga kasong malversation through falsification
10:38at ng two counts of graft
10:40laban kay dating ako, Bicol Partilist Representative Zaldico.
10:44Kaugnay ito ng halos 290 milyon pesos
10:47na substandard umanong road dike project
10:49sa Nauhan Oriental, Mindoro
10:51na kinontrata sa SunWest Incorporated
10:54kung saan founder at tinuturong beneficial owner si Ko.
10:57Sa inspeksyon ng DPWH at investigasyon
11:00na Independent Commission for Infrastructure
11:03nakitang substandard ang proyekto.
11:05This led to several critical observations.
11:09Number one, the measured sheet pile
11:11did not meet the 12-meter specification.
11:15The material was substandard.
11:18It is highly possible that all other sheet piles
11:22used in the project were also below specification.
11:25And these findings point to a scheme
11:29that resulted in unwarranted benefits,
11:33technical falsification,
11:35and the misuse of public funds.
11:38Matatanda ang pinili ng kampo ni Ko
11:40na hindi magsumite ng kanyang kontra sa Laysay
Be the first to comment