A video containing what he described as a “more detailed” account regarding the alleged P56-billion deliveries linked to former Speaker Martin Romualdez and President Bongbong Marcos was released by Zaldy Co on his Facebook page on Monday, November 24.
Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UC5664f6TkaeHgwBly50DWZQ/join
Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin
00:00Papalabasin ang administrasyon na ako ay isang terorista sa loob at labas ng Pilipinas.
00:08Para mailibing ako kasama ang katotohanan kahit saan man ako pumunta.
00:17Sinabi na agad sa akin ni Speaker Romualdez na kailangan ko makapag-deliver ng 2 billion pesos kada buwan.
00:25Para sa pag-deliver ng mali-maletang pera patungo sa bahay ni Speaker.
00:33Ang sinabi mismo ni Speaker Martin sa akin na hati sila ni Pangulong Marcos sa pera niyon.
00:42Para gamitin bilang bagsakan at imbakan ng pera mula sa mga SOP, koleksyon at deliveries na para sa Pangulo.
00:50Huwag mo akong pigilan sa mga insertions ko.
00:56Huwag ka nang makialam sa budget.
01:00Ang gusto niya ng 50 billion pesos na insertion.
01:04Ngunit ang sagot ng Pangulo, humingi ka ng bago o dagdag na insertions.
01:09Magandang araw po sa inyong lahat.
01:21Bago ko ipagpatuloy ang aking paliwanag, nais ko munang magpasalamat sa inyo.
01:28Maraming salamat sa inyong bukas na isipan, sa inyong pasensya at sa pagtanggap ninyo sa mga impormasyong aking ibinabahagi.
01:38Alam kong hindi madali ang mga paksang ito.
01:43Mabibigat at mahirap tanggapin.
01:46Hindi po ako makauwi dahil malaki ang banta sa buhay ko.
01:51Ngayon naman, ay meron kaming natanggap na balita.
01:56Papalabasin ang administrasyon na ako ay isang terorista sa loob at labas ng Pilipinas.
02:03Para mailibing ako kasama ang katotohanan kahit saan man ako pumunta.
02:11Pero mahalagang malaman ang taong bayan ang katotohanan.
02:15Muli, taos puso akong nagpapasalamat sa inyong pakikinig.
02:20Una po sa lahat, sinasabi ng ICI at ni Henry Alcantara na 21 billion pesos daw ang napunta sa akin.
02:31Hindi po totoo yun.
02:32Wala akong matanggap na ganyang halaga.
02:35Ang totoo, mula 2022 hanggang 2025, ang kabuang pera na dumaan sa akin para ibigay kay Pangulong Bongbong Marcos
02:46at kay dating Speaker Martin Romales ay umabot sa 56 billion pesos
02:53at hiwalay pa dyan ang 100 billion pesos insertion ng Pangulo sa 2025 budget.
03:02Pati na rin ang 97 billion pesos flood control insertion na inilagay sa NEP ng 2026 national budget.
03:12Balikan natin kung paano ito nagsimula.
03:15Noong 2022, kakaupo ko palang bilang chairman ng House Committee on Appropriations,
03:24sinabi na agad sa akin ni Speaker Romales na kailangan ko makapag-deliver ng 2 billion pesos kada buwan.
03:33Makalipas ang ilang araw, tumawag sa akin si Josef Bernardo.
03:37Sabi niya, kailangan ng tulong ng Bulacan sa problema nila sa baha.
03:42Pinapunta niya sa opisina ko sa kongreso si DPWH District Engineer Henry Alcantara.
03:50Sa naging meeting namin ni Alcantara, siya mismo ang nag-offer kung paano ang hatian sa mga proyekto ng DPWH.
03:5822% para kay Speaker Romales, 2% para kay Josef Bernardo, at 1% para sa kanya.
04:06Doon po nagsimula ang tinatawag nilang deliveries.
04:09Ang sistema po ay ganito.
04:13Ang mga tao ni Henry Alcantara ang nakikipag-ugnayan sa mga tao ko na sina Paul Estrada at Mark Tixay.
04:21Sila ang tumatanggap na pera mula sa mga tao ni Alcantara.
04:25Minsan sa bahay ko sa Bally Verde, minsan naman sa BGC Parking.
04:31Pagkatapos nilang makuha ang pera, sila Mark at Paul naman ang nag-aayos o nakikipag-coordinate sa tauhan ni Speaker Martin Romales na si Jocelyn Serenio
04:44para sa pagdideliver ng mali-maletang pera patungo sa bahay ni Speaker.
04:51Una, sa North Forbes Park sa Mackinley Drive at nang lumipat siya sa number 14 na Rastreet South Forbes Park.
04:59Gusto ko pong linawin, hindi ako nakikialam sa mismong proseso ng paghatid.
05:07Dumaan lang po sa akin ang pera na agad dinideliver kay Speaker Romales.
05:13Ako lang po ang nagko-confirm sa text kay Speaker kapag nadala na ang pera sa bahay niya.
05:19At lahat ng ito, mula sa unang utos noong 2022 hanggang sa huling delivery noong 2025.
05:28Umabot sa mayigit 55 billion pesos plus ang naihatid sa bahay ni dating Speaker Martin Romales.
05:38Madalas hindi nabubuo ang hinihinging 2 billion pesos bawat buwan ni Speaker, kaya iyan ang final total.
05:47Ang sinabi mismo ni Speaker Martin sa akin na hati sila ni Pangulong Marcos sa pera niyon.
05:56Ang listahan ng mga deliveries na ito, kung kailan, magkano, at saan dinala, ilalabas ko po kasabay ng video na ito.
06:05Noong November 2024, habang nasa proseso kami ng pagtatalakay ng budget,
06:14nagkipag-meeting sa amin ni Speaker Martin si Yusef Jojo Cadiz.
06:18Sabi niya, masama raw ang loob ni Pangulong Marcos, wala raw siyang natatanggap na remittance.
06:24At dahil laging napapagalitan si Speaker Martin ang Pangulo mula September hanggang November,
06:32inutusan niya ako na mag-deliver ng 1 billion pesos para kay BBM.
06:38Ayon pa kay Yusef Jojo, nang ipaalam niya ito sa Pangulo,
06:43ang utos sa kanya ng Pangulo ay mag-ingat at siguraduin si Yusef Jojo lang ang maghahatid.
06:49Ang instruction po sa akin ni natin Speaker Martin Romaldes ay dalihin sa No. 30 Tamarind Street,
06:57South Forbes Park at ibigay kay Yusef Jojo Cadiz,
07:01dahil ito raw ang draft of point na malapit sa bahay ng Pangulo.
07:07Sinabi rin po sa akin, Speaker Martin Romaldes,
07:10na si PBBM ang nag-utos sa kanya na bilhin ang bahay sa No. 30 Tamarind Street
07:16para gamitin bilang bagsakan at imbakan ng pera mula sa mga SOP koleksyon at deliveries na para sa Pangulo.
07:25Noong December 2, 2024, personal ko ang i-deliver ang 200 million kay Yusef Jojo Cadiz
07:32sa No. 30 Tamarind Street, South Forbes Park.
07:37Ayon sa kanya, dadalin daw niya ito sa bahay ng Pangulo sa No. 41 Nara Street, South Forbes Park.
07:45Kasunod dito, noong December 5, 2024, muli akong nag-deliver ng 800 million sa parayong adres
07:53at Yusef Jojo Cadiz pa rin ang tumanggap.
07:58Sabi niya, iyon naman ay dadalin sa bagong bahay ng Pangulo sa South Forbes Park.
08:04Sa kabuoan, 1 billion pesos ang personal kong naihatid.
08:10Ako mismo ang nagbigay ng pera, kasama ang aking driver at mga tauhan.
08:17At lahat ito ay base sa direktang utos ni Speaker Martin Romaldes.
08:24At dyan po nabuo ang kabuoang halagang 56 billion na ipinadala mula 2022 hanggang 2025.
08:34Pero kahit na nai-deliver na ang 1 billion pesos para kay Pangulong Marcos
08:41at kahit na nai-sumina rin sa 2025 budget ang 100 billion pesos insertion
Be the first to comment