00:00Mas palalakasid pa ng Philippine National Police ang kanilang mobility at opresyon sa pamamagitan niya ng bagong mga kagamitan.
00:07Yan at iba pa sa Express Balita ni Floyd Brands.
00:13Nakatanggap ang Philippine National Police ng 1.6 billion pisong halaga ng bagong kagamitan.
00:19Layunin itong palakasin ang mobility at operasyon ng pambansang polisya.
00:23Kabilang sa mga iniulat na bagong aset ang iba't ibang uri ng sasakyan, motorsiklo at iba pang mobility equipment na ipapamahagi sa mga regional at provincial units.
00:34Ayon sa PNP, malaking tulong ang mga bagong kagamitan para mapabilis ang response time at masigurong mas efektibo ang pagre-responde sa insidente at krimen sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:46Bahagi ang procurement na ito ng patuloy na modernization program ng PNP na naglalayong mag-upgrade ng kanilang kagamitan para makasabay sa mas mataas na operational demands.
00:57Nagpapatuloy naman ang Humanitarian Assistance and Disaster Response Team ng MMDA sa paghahatid ng malinis na inuming tubig para sa mga residenteng na apektuhan ng nagdaang bagyo sa bayan ng Karamoran, Katanduanes.
01:10Gamit ang kanilang water purification units, nakapagbigay sila ng kabuuan 1,276 na galon ng inuming tubig sa mahigit 800 pamilya at nasa 600 na kabahayan.
01:23Isinagawa rin ang water purification operation sa barangay Datag West kung saan nasa mahigit 7 galon ng malinis na tubig ang naihatid sa nasa mahigit 300 pamilya at nasa 200 kabahayan.
01:35Tiniyak ng MMDA ang tuloy-tuloy na pagbibigay nila ng malinis na inuming tubig sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo.
01:44Floyd Brands para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.