00:00Walang patid ang paghahatid ng Philippine National Police ng tulong sa ating mga kababayang nasa lanta ng magkakasunod na bagyo.
00:08Ayon sa liderato ng PNP, patuloy nilang palalakasin ang kanilang hanay pagating sa disaster response.
00:15Si Ryan Lesigues sa Sentro ng Balita.
00:19I would like to commend our personnel for their preparedness and swift response during typhoons, Nando and Ompong.
00:30Nitong mga nagdang araw magkakasunod ang pagtama ng bagyo sa bansa mula bagyong Merasol, Super Typhoon Nando at Ompong.
00:38At sa bawat pagtama ng bagyo na sinasabayan pa ng habagat, nakaalalay ang buong hari ng Philippine National Police bago, habang at pagkatapos ng bagyo.
00:48Mula sa pagsasagawa ng preemptive evacuation, search and rescue at maging sa clearing operations at relief distribution, present ang pwersa ng pulisya.
00:57Layon itong matiyak ang kaligtasan ng publiko kasabay sa pagtitiyak na mananatili pa rin ang peace and order sa bansa.
01:04Our disaster response teams, emergency units and local police stations did not show patig but exceptional readiness in ensuring that affected communities receive timely assistance.
01:19Si Acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr. pinapurihan ang aniyay kabayanihang madalas, hindi nakikita ng iba.
01:29Taos puso kong pinupurihan ang inyong pagiging maagap at sa mabilis na koordinasyon kasama ang bawat local government units at rescue units.
01:43Kasabay nito ay nangako ang PNP na palalakasin pa ang kakayahan ng kanilang hanay pagdating sa disaster response.
01:50Mahalaga o manito lalo't taong-taong humaharap sa malalakas na bagyo ang bansa at liibu-libong pulis ang nagsisilbi sa frontline ng disaster response.
01:59Bukod sa training program at pagbibigay ng dagdag na kagamitan para sa disaster response,
02:05paiigtingin pa daw nila ang koordinasyon at ugnayan ng mga pulis at ng komunidad.
02:10Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.