00:00Day 2 ng Transparency and Accountability Rally ng Iglesia Ni Cristo.
00:05Ilang personalidad ang nagsalita sa entablado,
00:08kabilang ang kapatid ng Pangulo na si Sen. Aimee Marcos.
00:12At mula ko sa Maynila, nakatutok live si Jonathan Andan.
00:16Jonathan.
00:18Vicky, katatapos lang dito ng programa at umaambun na ngayon,
00:22pero ang dami pa rin tao dito sa Day 2 ng tatlong araw na IMC Rally sa Carino Grandstand.
00:28Kung kahapon, umabot ng 650,000 ang mga tao rito sa INC Rally ayon sa Manila Police District.
00:39Ngayong araw, as of 6 p.m., umaabot na ito sa 600,000.
00:44Marami sa mga narito sa Carino Grandstand ang nagpalipas na rito ng gabi.
00:49Ilang personalidad din ang nagsalita sa entablado,
00:52kabilang si dating Comelec Commissioner Rue Naguanzon.
00:54Sinagot naman ng INC ang sinabi kahapon ng mga Duterte supporter na nagtipon sa Plaza Salamangka
01:00na hindi sila pinayagang makisali sa INC Rally sa Luneta dahil sa mga banner nila na BBM Resign.
01:06Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Kaedwil Zabala,
01:09welcome naman sumalis sa kanila kahit hindi miyembro ng INC,
01:13basta hindi lang lilihis sa panawagang Transparency, Accountability at Justice.
01:17Sa Rally ng INC, wala kaming nakita ang mga placard na BBM Resign,
01:21hindi tulad sa hawak kahapon ng mga Duterte supporter.
01:24Kahapon pa lang ay nilinaw na ng pamunuan ng INC kung ano ang mga hindi raw nila sinasangayunan.
01:29Hindi tayo sangayon sa revolusyon.
01:33Hindi tayo sangayon sa revolusyonary government.
01:37Hindi tayo sangayon sa co-data.
01:41Hindi tayo sangayon sa snap election.
01:44Vicky, kanina lang ay nagsalita rin sa tablado si Senadora Armie Marcos
01:54at hayagan niyang binatikos ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
01:59Narito pahingan natin.
02:01Batid ko na na nagdadrag siya.
02:05Naalaman ko at ng pamilya.
02:09Naalaman ng pamilya.
02:13Seryoso ito.
02:15Noong 2016, kasabay ng kampanya ni dating Pangulong Duterte laban sa droga,
02:24lumabas ang pangalan ni Bongbong sa listahan.
02:30Nakasama siya sa listahan ng mga celebrities.
02:35Masinsinan kong kinausap si Pangulong Roddy.
02:41Halos maniklohod ako.
02:45Sinabi kong ayon sa kapulisan,
02:48dapat unahin usigin ang mga pusher
02:53at saka na lamang sagipin ang mga user.
02:58Naligtas si Bongbong.
03:00Sinusubukan ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Pangulong Marcos at ng palasyo
03:09ukol sa sinabi ng kanyang kapatid.
03:11Pero nang akusahan siya noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng pagdodroga,
03:15sabi ng Pangulo noon,
03:16posibleng impluensya lang ng fentanyl ang nabanggit ng dating Pangulo.
03:20Tumanggi rin ang Pangulo noon sa hamon na magpa-hair follicle test
03:24ng dati niyang Executive Secretary na si Vic Rodriguez.
03:27Vicky, sabi ng INC kaya tatlong araw yung ginawa nilang rally ngayon
03:31para daw makapunta o makasama yung kanilang mga miyembro
03:35mula sa mga malalayong lugar.
03:37Yung munang latest mula rito sa Carina Grandstand.
03:39Balik sa'yo, Vicky.
03:40Maraming salamat sa'yo, Jonathan Adal.
03:42Maraming salamat sa'yo, Jonathan Adal.
Comments