Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago magbalik Pilipinas mula sa ASEAN Summit ay sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos ang iba-ibang issue
00:06kabilang ang tungkol sa West Philippine Sea at flood control projects.
00:11Nakatutok live si Maris Pumal.
00:14Maris.
00:18Vicky, pagkatapos ng matagumpay na konklusyon ng 47th ASEAN at Related Summits dito sa Kuala Lumpur, Malaysia,
00:25humarap si Pangulong Bongbong Marcos sa media.
00:26Inamin niya na magiging mabigat ang tungkulin bilang susunod na host country ng ASEAN sa susunod na taon.
00:33Pero malaking oportunidad din daw ito para maisulong ang interes ng ating bansa
00:37kabilang na ang pagkakaroon ng efektibo at makabuluhang code of conduct sa South China Sea.
00:43Sinagot din niya ang iba pang mga katanungan ng media.
00:47Sa pakikipag-usap nga ni Pangulong Bongbong Marcos sa media pagkatapos ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur,
00:52tinanong ang Pangulo hinggil sa kanyang pagtuligsa sa mga hakbang na ginagawa at balakgawin ang China sa West Philippine Sea
00:58sa harap mismo ni Chinese Premier Li Chang.
01:01Ayon sa Pangulo, hindi naman daw matapang ang kanyang pananalita,
01:05pero kailangan ng Pilipinas ng tulong ng kanyang mga kapwa leaders sa ASEAN.
01:08This is the situation the Philippines finds itself in.
01:16Ito yung nangyayari sa amin.
01:18Kaya sana matulungan nyo kami.
01:20So, and what was, what was, well, the Premier,
01:25just during his time to speak,
01:34just said that this is as far as China is concerned,
01:38is within their local law and international law.
01:43Of course, we dispute that.
01:45But that's essentially how that diplomatic process works.
01:50Sang-ayon naman si Pangulong Marcos sa sinabi ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim
01:59na dapat resolbahin ang issue kabilang ang South China Sea sa loob lang ng ASEAN.
02:05Ipinunto ng Pangulo na bagaman mananatiling bilateral ang usapin ng Pilipinas at China,
02:10ASEAN pa rin ang dapat maging pangunahing tagapamuno sa pagresolba ng mga maritime issues.
02:15I fully agree with Prime Minister Anwar.
02:23The lead agency should be ASEAN.
02:27That makes it stronger and that makes it more likely for us to be able to find a way forward.
02:38Dagdag pa niya kung makakamit ang progreso sa usapin ng dagat,
02:42ay imbitado si Chinese President Xi Jinping na bumisita muli sa Maynila.
02:47Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagaman may pagkadismaya ang ilan
02:51sa tila mabagal na progreso ng kampanya kontra korupsyon,
02:55kailangan pairalin ang due process kaysa sa pagmamadali sa pagsasampan ng mga kaso.
02:59Can you imagine these people who have stolen billions from the government and from the people
03:09na kawala dahil hindi magandang pagkahandle ng ebidensya?
03:16That would be a much worse result.
03:19Kaugnay sa tanong kung kontento ba siya sa itinatakbo ng proseso at investigasyon
03:29ng Independent Commission for Infrastructure,
03:31tiniyak ni Pangulong Marcos na nananatiling ganap na independent ito.
03:35Aniya, pinag-aaralan pa ng ICI ang kanilang mga patakaran
03:38at kung makatutulong ba o hindi ang live streaming sa kanilang proseso.
03:42At ngayon nga ang gabi, Vicky ay nakatakda ng tumulak pabalik ng Pilipinas
04:11si Pangulong Marcos.
04:13At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
04:17Balik sa'yo, Vicky.
04:18Maraming salamat sa'yo, Mariz Umali.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended