00:00Dahil Nobyembre pa absent sa trabaho, pinag-aaralan ng liderato ng Senado
00:04kung ititigil muna ang pasahod ng taong bayan kay Sen. Bato de la Rosa.
00:10Nakatutok si Mark Salazar.
00:15Sa pagbabaliksesyo ng Senado, wala pa rin paramdam si Sen. Ronald Bato de la Rosa
00:20na noong Nobyembre pa hindi pumapasok.
00:23Matapos lumabas ang ulat na may warrant of arrest laban sa kanya
00:26ang International Criminal Court para sa Duterte Drug War.
00:30Wala eh, wala pa kaming balita.
00:32Noong dati, nagtitext pa siya.
00:34Survivor group ng both Senate.
00:36Pero lately, hindi na siya masyadong active.
00:39Pero sabi naman, yung kanyang office ay functioning naman.
00:43Skeletal force, may mga pumapasok naman.
00:45Dahil ilang buwan ang absent, pinag-aaralan na rao ng liderato ng Senado
00:49kung dapat na ba siyang suspindihin at putulan ng sweldo.
00:53Pero sabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Laxon,
00:57sa Committee on Ethics daw dapat manggaling ang rekomendasyon.
01:01More or less, yun ang isang suggestion na baka isuspend or higil yung sweldo.
01:07Kasi parang, sabi ko kay SP kanina,
01:10paaral natin mabuti kasi covered kami ng civil service law.
01:15Baka hindi uubra yung hini mo pa sweldo yun yung Senado
01:19kung walang basis.
01:22Pero tama rin siya is we have our own rules.
01:24Pero makakakilos lang daw ang Ethics Committee
01:27kung may Ethics Complaint laban sa isa sa kanila.
01:30Nagpunta kanina si dating Senador Antonio Terrellane sa Senado
01:33para kausapin si na Senate President Tito Soto at si Laxon.
01:38Kinumpirma niya rin ang planong pagsasampa ng Ethics Complaint
01:41laban kay De La Rosa, pero sa Mayo pa.
01:43Gusto ko lang pong kumplituhin yung six months na absences niya
01:48para talagang wala na hong lusot.
01:52So ang estimate ko po nito ay sa Mayo ito matatapos.
01:57So binibigyan natin siya ng konting panahon pa
02:02para maisipan niyang pumasok.
02:05May basihan daw para ipasara ang opisina ni De La Rosa
02:08at ilipat na lang sa ibang opisina ang staff niya.
02:11Ang precedence natin sa Senado po ay nung nag-absent din po
02:17ng matagal si Sen. Ping Lakson nung siya ay ginagawa
02:21ng kuano-anong kaso ni GMA noon.
02:24So nagtaguri siya, may warant siya.
02:28So after nine months ay nagpasya yung Senado that time
02:32na isara yung kanya opisina at i-absorb yung mga empleyado niya
02:39sa Senate Secretariat. Pero mayroon siyang perceived political persecution
02:47kasi nga dahil may warant.
02:49Pero ito, wala naman siyang napapakita pang warant.
02:53Diba?
02:54Pero kung si Senate Ethics Committee Chairman J. V. Ejercito
02:57ang tatanungin, hindi ganun kasimple desisyonan ang kaso ni De La Rosa.
03:01Titignan kung ano po ang may grounds doon.
03:04Titignan din siguro yung mga ebidensya at yung mga dokumente
03:09kung talagang ito'y pwedeng ituloy ang kaso.
03:14Si Senador De La Rosa ang chairman ngayon ng Committee on Public Order
03:18and Dangerous Drugs.
03:19Matatandaang bilang vice chairman ng Finance Committee,
03:23siya ang inatasang mag-sponsor ng National Defense Budget
03:26noong December pero absent na siya noon.
03:28Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments