Skip to playerSkip to main content
Magpapaskong walang tahanan ang ilang taga-Tondo, Maynila dahil sa sunog na pahirapan ang pag-apula. Nagbayanihan ang ilang residente para sumalok ng tubig sa estero para pigilin ang apoy na tumupok sa hindi bababa sa 30 bahay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magpapaskong walang tahanan ang ilang taga-tondo Maynila dahil sa sunog na pahirapan ng pag-apula.
00:06Nagbayanihan ang ilang residente at sumalok ng tubig sa estero para pigilin ang apoy na tumupok sa hindi po bababa sa 30 bahay.
00:14Nakatutok si Mark Salazar.
00:16Habang nagnangalit ang apoy sa barangay 93 Tondo Maynila kanina, makikita ang bayanihan ng mga residente para makatulong sa pag-apula ng sunog.
00:31Pasa-pasa ng mga balde para makaigib ng tubig mula sa estero de Vitas.
00:36Lahat naman po ng tulong, basta tulong, hindi tayo nakakasakit ng kapwa natin, malaking bagay po yan.
00:42Bago mag-alas 10.30, narespondihan ng mga bumbero ang nuoy kalat ng apoy sa hindi bababa sa 30 bahay.
00:50Pag palik ko, ay pati mo usok. Ano ko natutulog, ginising ko na. Tapos yung kamilang bahay, gumano na yung apoy.
00:59Ano, wala na ako, wala na ako. Maligtas, wala akong maligtas. Wala nakatapak na kami. Walang wala talaga.
01:04Kaya lang po tayo nahirapan doon sa pag-responde po natin kasi malakas po yung hangin kanina.
01:09Kung makakita niyo po, tabing ano po siya, ilog or creek. Then light materials po siya.
01:17Magkagayon man po, maaga po natin tinas po yung alarma ng second at third alarm para makapag-responde po agad at magkaroon po tayo ng mga maraming supply ng tubig.
01:27Para makalapit ang mga bumbero sa inaapulang apoy, kailangan nilang sumiksik sa maliliit at pasikot-sikot na eskenita.
01:34Bago mag-alas 11, umakyat pa sa ikatlong alarma ang sunog. Sa puntong iyon, wala pa rin pagod ang mga residente sa pag-iigib sa estero.
01:44Mabutit walang malubhang nasaktan sa insidente. Pero maraming kabuhayan ang pinadapa.
01:49Please, please, lungan niyo po kami. Wala-wala po kami talaga. Ngayon, wala-wala kami na iligtas.
01:56Sahit ano po, wala. Yung katawan lang po namin.
01:59Naiwan sa bahay ang tatlong maliliit na anak ni Richard habang kapwa na sa trabaho silang mag-asawa nang maganap ang sunog.
02:06Galing ako sa tanay. So, madali akong umuwi.
02:10Ito, ito. Hindi ko na-expect na ganito dadatnang ko. Pero malaking kasasalamat pa rin sa Diyos kasi safety mga anak ko.
02:19Back to zero po, pero kasalamat pa rin kami.
02:23Iniimbestigahan pa ang sanhinang sunog habang ang mga pamilyang nawala ng bahay ay pansamantalang mananatili sa Barangay Hall.
02:30Para sa GME Integrated News, Mark Salazar. Nakatutok 24 oras.
02:40Sampai jumpa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended