00:00Pinaigting pa ng Pilipinas at South Korea ang pagtutulungan para mapaigting ang proteksyon at upskilling ng mga Pilipinong magsasaka na nagtatrabaho abroad.
00:09Ito ay sa pinagtipay na joint memorandum para sa pagpapatupad ng Seasonal Workers Program ng South Korea.
00:16Ang paglagda dito ay pinangunahan ng Department of Agriculture, kasama ang lima pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs.
00:27Ayon sa DA, maituturing na milestone ang naturang kasunduhan dahil matitiyak nito ang kapakanan at kaligtasan ng mga magsasakang seasonal workers sa South Korea at dalawang bansa din ang makikinabang.
00:41Giip pa ng ahensya, pagpapakita din ito ng malinaw na posisyon ng Pilipinas sa pagbuo ng global partnerships upang maparabuti pa ang pamumuhay ng mga kababayan nating magsasaka sa pamamagitan ng pagbubukas ng panibagong oportunidad sa kanila.