00:00Public viewing auction or luxury cars ng mga diskaya at ng pagpapatuloy na investigasyon sa mga tauhan ng Bureau of Customs hinggil sa deumanay syndicate style operations sa loob ng hensya at ipag-uusapan kasama si Atty. Chris Bindejo, Deputy Chief of Staff mula sa Office of the Commissioner of the Bureau of Customs.
00:19Atty. Chris, magandang tanghali po.
00:22Asik po yung asik, Joey. Magandang tanghali po.
00:24Sir, bago po natin talakayin yung auksyon, ano po yung findings ng BOC sa investigasyon kung bakit walang import entry records at certificates of payment yung pitong luxury vehicles na mag-asawang diskaya na inilabas for auksyon noong nakaraang linggo?
00:40Alam niyo po, asik, gaya ng binunyag ng ating Commissioner Arela Pumuseno, tatagang ginawa po ng mga taong responsable sa unlawful importation na ito na masalimuot yung proseso.
00:51So, ginawa po nilang komplikado, no? Natuklasan natin na yung ibang dokumento ay mula pa po sa Port of Davao, no?
00:58Pero yung entry ay nangyari sa Port of Batangas.
01:01Natuklasan din po natin na meron pong mga x-ray images na iba po, no?
01:06Yung sinusumite doon sa aktwal na dumating na motor vehicle, no?
01:12Pero ganun pa man, asik, mabanggit na po natin, marami na po tayong in-implement na measures, no?
01:19Upang matiyak natin hindi po ito maulit.
01:21Una po, halimbawa, tiniyak na po natin wala na pong release ng sasakyan, nang wala pong at-rig, no?
01:27Ito po yung authority to release imported goods mula naman po sa Bureau of Internal Revenue.
01:32Ikalawa, tiniyak rin po natin na yung mga dokumento po ng bawat Port, eh, doon lang po maaaring gamitin, no?
01:39Hindi na po maaaring tumawid ng ibang Port, ang mga kagaya po ng Certificate of Payment, no?
01:45Tiniyak na rin po natin yan.
01:46At pangatlo, nakipag-ugnayan na po tayo sa LTO, inaayos po natin yung proseso, no?
01:52Magmula po sa importation hanggang sa pagre-rehistro.
01:55At nang sa ganun, matiyak po natin, wala na po yung tinatawag nilang papel lang po yung dumadating sa LTO, no?
02:00So, tinitiyak na po natin ngayon na makikita po ng LTO yung aktual na sasakyan na dumating upang makaiwas po sa misclassification at misdeclaration.
02:09Attorney Chris, dito po sa pitong sasakyan po na i-auction,
02:15nag-high-in po ng voluntary for feature yung mag-asawang diskaya.
02:19Pero doon po sa anim, meron silang position paper.
02:24Pero sa initial findings po ba ng BOC, questionable din yung payment records.
02:29Although meron yata pong entry records ito.
02:32So, ano po ang estado po o status po nung anim na sasakyan?
02:37Tama po yan, no?
02:38Yung pong pito, nagsumite po sila ng affidavit of voluntary for feature, no?
02:43Hindi po sabihin, hindi na po nila kine-question yung pagsusurrender at pagre-reliquish ng mga sasakyan patungo sa Bureau of Customs, no?
02:51Doon naman po sa anim, tama din po yung inyong nabanggit.
02:54May nagsumite po sila ng position paper, no?
02:57At kasama po dito yung kanilang pag-o-offer ng compromise penalty upang bayaran yung deprensya doon sa customs duties na nabayaran
03:05at doon sa dapat bayaran tungkol sa anim na sasakyang ito.
03:09So, ito po ay kasalukuyang under consideration ng ating legal division, no?
03:14Although, palaisipan din po sa amin kung paano po sila mag-aalok ng compromise payment
03:20yung meron pong freeze order, no?
03:24Yung AMLC patungkol sa kanilang assets.
03:26But, ayaw po natin i-preempt yung magiging desisyon ng ating legal division.
03:31Siguro po, in the next week or two, lalabas na po yung resolusyon patungkol po sa anim na sasakyan
03:37na saklaw po nung kanilang position paper.
03:39Attorney, doon naman po sa public viewing noong November 12 to 14,
03:43ano po yung guidelines o security measures na ipinatupad
03:46para masiguro yung transparency at integridad ng proseso?
03:50Paano po matitiyak na yung mga bibili nung sasakyan ay magbabaya din ng tamang fees?
03:58Tama yan, asik po yan, no?
03:59Doon sa ating public viewing, ang ginawa po natin dyan,
04:02magre-rehistro po sila sa ating command center.
04:05At ikalawa po, nakarasyon po yan, no?
04:0710 individuals per batch.
04:10At ikatlo po, nakabantay naman po yung ating mga kaibigan sa media, no?
04:14Meron pong area na restricted for media na pwede po nalang i-cover yung buong public viewing.
04:19Gaya po niyan, yung ating pong magiging auction proper, no?
04:23Ito po ay mala-livestream, fully livestream po ito, fully recorded.
04:27At ganun din po, no?
04:28Meron din po tayong access, free access to our media friends.
04:32At nagsaganoon, matiyak po natin yung transparency naman ng ating magiging proseso.
04:36Patungkol naman sa inyong tanong, patungkol sa bidders,
04:39meron po tayong registration process, no?
04:41Magbabayad po sila ng registration fee na 5,050 pesos.
04:45At bukod rito, kailangan po nila magsumite ng kanilang mga income tax returns or business tax returns
04:51at proof of payment and receipt by the Bureau of Internal Revenue.
04:55At nagsaganoon, matiyak naman natin na may kapasidad na magbayad itong mga taong ito
04:59at hindi yung basta-bastang ginagamit na dami, no?
05:02ng mga personalities na involved dito sa scam na ito.
05:06Siguro po, ito po yung mga preliminary measures natin
05:08upang matiyak na magiging transparent at talaga pong may integrity ang ating auction process.
05:14Attorney Chris, paano naman po nabuo yung floor price from 5 million hanggang 45 million?
05:22Paano po yung naging criteria ng customs para po mapresyohan yung bawat sasakyan?
05:29Meron po tayong hinusunod na Customs Administrative Order 3-2020, no?
05:34At nakapaloog po rito, may binabanggit dito na landed cost.
05:38Ang landed cost po, ito po yung halaga ng sasakyan
05:40kasama po yung lahat ng duties and taxes na due po dito, no?
05:44Ang ibabawas po natin dito, yung depreciation cost naman po, no?
05:48Kung kaya't mapapansin po natin,
05:51ang bawat sasakyan na dito po, sa pitong sasakyan ng mga diskaya, no?
05:55Naka-factor in na po dito yung depreciated cost
05:58kung kaya't mas mababa po ito sa kanyang selling price, no?
06:02At comparable din ito sa mga makikita nating available na similar items
06:06sa iba't-ibang mga portals na nagbibenta po ng mga sasakyan.
06:10Yan po yung naging dahilan,
06:12bakit naging ganyan po yung naging floor price ng bawat sasakyan.
06:14Sir, ilan na po yung nagparehistro o nagpakita ng interest na lumawak sa bidding?
06:20May mga nakakuha na buba o nakabili na?
06:23Tsaka paano kung wala pong mag-bid doon?
06:26Halimbawa, namamahalan sila o kasama po ba yung payong siyempre
06:29doon sa gustong bumili nung sasakyan na yun?
06:33Maraming pong talagang interesado sa...
06:36In terms of yung nagparehistro o nagpakita ng interest na lumawak sa bidding,
06:47may mga nakakuha na po ba o nakabili na?
06:49At paano kung walang may interesado doon sa mga sasakyan na yun?
06:54In terms of yung nag-register na po, asek-kueng, no?
06:58Nasa mahigit lima na po yung nagpahayag ng kanilang interest
07:02at nagbayad po ng registration fee, no?
07:04In terms naman kung halimbawa wala pong mag-bid rito,
07:08meron naman tayong mga measures in place, no?
07:10Halimbawa, magpaparebid po tayo,
07:13ia-adjust po natin yung floor price,
07:15at kung sakasakali pong sa ikalawang pagkakataon
07:18ay mag-fail bidding pa din po,
07:20meron pa rin po mga parameters, no?
07:22Pwede na po tayo mag-direct negotiation,
07:25tatanggap po tayo ng mga proposals
07:26mula po sa mga interested bidders.
07:28Yun po yung mga pamamaraan
07:29upang matiyak natin na talagang mau-auction ito, no?
07:32At mabanggit ko na rin po,
07:34na-urong po yung ating auction ng November 20, no?
07:37Dahil po sa masamang panahon,
07:39kung kaya't na-urong din po yung ating public viewing,
07:43kaya't minabuti na po natin na i-urong na rin po
07:45yung auction proper, no?
07:46Upang mabigay ng sapat na panahon
07:48yung ating mga interested bidders.
07:50Ito po ay isang curious question lang.
07:53Paano?
07:53Pwede po ba kung ang mga diskaya
07:55ay gusto nilang i-buy out yung kanilang sasakyan?
07:57Pwede po ba yun?
07:58Doon po sa ating customs administrative order,
08:01ma'am asekweng, no?
08:02Hindi po pinahihintulutan ang mga sumusunod, no?
08:05Una, yung kawaninang Bureau of Customs.
08:07Ikalawa, yung pong importer,
08:09yung pong nagpadala at consignees
08:13itong mga smuggled items sa subject for auction
08:15ay hindi rin po maaaring makilahok.
08:17So, hindi po talaga pahihintulutan
08:20ang pamilya diskaya na mag-participate po dito sa auction na ito.
08:24Attorney Chris, syempre,
08:25ang ultimate goal po ng pag-auction
08:27ay ma-recover po yung duties
08:30o yung levies po o yung tariffs po
08:33na hindi natin nakuha
08:35sa pagpasok ng mga sasakyang ito.
08:37So, ang gusto pong malaman siguro ng publiko
08:40paano po matitiyak ng customs
08:41na doon nga maibabalik sa kaban ng bayan
08:45yung pinag-aabentahan po
08:47nito mga sasakyang ito?
08:50Yung pong ating magiging pondo,
08:52yung proceeds po ng auction, no?
08:54Ito po ay mapapasok sa isang forfeiture fund
08:57ng Bureau of Customs, no?
08:58Hindi po ito maaaring gamitin ng Bureau of Customs
09:01at kalaunan,
09:02ito naman po ay re-remit sa National Treasury, no?
09:04So, at matitiyak po talaga natin
09:07na yung proceeds ng ating auksyon
09:09ay talagang pagbabalik ito
09:11sa mga nanakaw sa kaban ng bayan.
09:14Atty. Chris, ibang usapin naman po,
09:16gaano nakalayo yung internal investigation
09:19ng BOC sa umanoys syndicate-style operation
09:22sa loob ng ahensya,
09:23lalo na sa pagpapalit ng vehicle inspection results
09:27para maipuslit itong mga imported luxury cars?
09:30Iniintay na lang po natin,
09:33asekweng, yung resulta ng ating investigation division, no?
09:36Nakapagsumitin na po ng mga paliwanag,
09:38yung mga kawaninang BOC
09:40na lumalabas doon sa mga dokumento, no?
09:43Nakapag-issue na po tayo
09:44ng mahigit labing limang show cost orders
09:46patungkol po dito.
09:48Bukod po dyan,
09:49meron din po tayong iniintay pang
09:51kumbaga po operational aspect, no?
09:54Dahil nakitaan po natin ito ng sistema,
09:56ng isang modus na kung saan
09:59meron po tayong tinitiyak na
10:01parang country of origin, no?
10:03Kung saan po ito nagbumula,
10:04itong mga unlawful importations sa ito.
10:07So meron na lang po tayong iniintay na information
10:09mula po sa ating embahada
10:11upang magkaroon din po tayo
10:13ng additional measures, no?
10:15Upang maiwasan na po yung ganitong
10:16mga unlawful importations.
10:18Nabanggit nyo,
10:19Attorney Chris,
10:20yung mga empleyadong
10:21nabigyan na po ng show cost order.
10:23I believe,
10:24sampu po yata yan.
10:26So, kung in broad terms na lang siguro,
10:30ano po yung mga violation
10:32kung saan sila iniimbestigahan
10:35at saka habang iniimbestigahan po sila,
10:38sila po ba ay nasuspinde
10:39o na-relieve
10:40o ano po ba ang estado nila ngayon?
10:43Tama yan,
10:44Asik, Joey, no?
10:45Pag-issue po natin
10:46ng ating mga show cost orders,
10:48meron din pong relief order, no?
10:50Yung iba po sa mga naisuhan po natin.
10:52Ang kanila pong liability dito, no?
10:54At tandaan po natin,
10:55ang facilitation po sa smuggling, no?
10:57Kasama po siya sa pinaparusahan
11:00ng ating CMTA
11:01for unlawful importation.
11:02So, meron po silang exposure for that.
11:05At depende po sa kanilang degree
11:06ng participation,
11:08maaari pong from suspension
11:10hanggang removal from public office
11:12ang magiging penalties po nito.
11:13So, iniintay po natin
11:15ang magiging resulta
11:16ng investigasyon
11:17ng ating investigation division
11:19at tinitiyak naman po natin
11:21sa ating publiko, no?
11:23Hindi po ito iwa-whitewas, no?
11:26Wala po tayong tinatago dito.
11:28Kung kilala nyo po si Commissioner
11:29Ariel Agbomuseno,
11:31talaga pong very transparent
11:32at kung sino ba po talaga
11:33ang liable dito
11:34ay talagang we will hold them
11:36accountable po.
11:37Sir, kasama po ba sa
11:39investigasyon sa kaso
11:41yung may mga kinalaman
11:42sa Niskaya luxury car shipments
11:44at iba pang kahalin tulad na insidente?
11:46Ano po yung latest findings nyo po rito?
11:50Tama po.
11:50Kasama po yung mga naisua natin
11:52sa show cost orders
11:53itong mga nagpasok
11:55ng mga sasakyan ng mga Niskaya, no?
11:57Kapag lumalabas ang kanilang papel
11:59magmula po sa certificate of payment
12:02dun po sa import entry
12:03dun po sa aking database, no?
12:06Ano, inisuhan po kaagad natin
12:08sila ng show cost order
12:09at atin po silang pinagpapaliwanag
12:11kung bakit lumalabas
12:12ang kanilang mga pangalan
12:13sa buong proseso
12:14ng unlawful importation, no?
12:16Siguro, in general terms,
12:19yung iba po doon
12:20ay nagbigay ng paliwanag
12:21na forged yung kanilang signature, no?
12:24Yung iba po nagpaliwanag doon
12:26na wala po yung kanilang firma,
12:29electronically generated
12:30yung kanilang pangalan.
12:32So, hinihimay po natin
12:33ang kanilang mga paliwanag
12:34but again po,
12:36like what I said earlier,
12:37talaga pong ginawa nilang complicated
12:39ang kanilang unlawful importation
12:42at ang sa ganun mahirapan po
12:44ang administrasyon, no?
12:45Upang matiyak
12:46kung ano ang naging
12:47partisipasyon ng bawat isa.
12:48Attorney Chris, may commitment na po
12:51ang Senate Committee on Finance
12:54at supportado na rin
12:55ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
12:57yung modernization at digitalization po
13:00ng BOC.
13:01So, paano po titiyakin
13:02ng Bureau of Customs
13:04na magiging transparent,
13:06mabilis,
13:06at hindi po maaabuso
13:08yung bagong sistema?
13:10Tama yan,
13:12ASEC Joey, no?
13:13Kami din
13:13at sa pangungunan
13:15ni Commissioner Ariel,
13:16yung po talagang
13:17full automation
13:18at digitalization
13:19ang nakikita nating
13:20pag-asa
13:22sa Bureau of Customs
13:23na kung saan talagang
13:25tatanggalin
13:25o babawasan po natin
13:27yung human intervention
13:28dahil sa aming pagtala,
13:30kapag po merong ganitong
13:31oportunidad, no?
13:32Kapag may exercise po
13:33ng human discretion,
13:35dito po nagkakaroon
13:36ng mga opportunities
13:37for corruption, no?
13:38So, talagang
13:39nagpapasalamat po tayo
13:40sa ating Pangulo
13:41na talagang full support
13:42sa ating digitalization efforts.
13:44Ngayon,
13:45patungkol naman po
13:46sa prosesong yan, no?
13:47Meron tayong pending po, no?
13:49Na isang PPP proposal,
13:51unsolicited proposal
13:52na kung saan
13:54yung ating CPS
13:55ay maaari na pong
13:56i-update, no?
13:56Ito pong ating CPS
13:58kasi ay talaga pong
13:59matagal na nabenga
14:00dahil po ito ay
14:01nasaklaw ng isang
14:02temporary restraining order.
14:04Pero sa palagay po namin,
14:05sa patuloy na negosasyon
14:07para dito sa
14:07unsolicited proposal,
14:09siguro po ito na
14:10yung unang hakbang, no?
14:11Upang magpunta tayo
14:13sa full digitalization
14:14ng Bureau of Customs
14:16dahil gaya po
14:16nang sabi ng ating Pangulo,
14:18talagang kailangan po
14:19natin gamitin
14:20ng teknolohiya,
14:20particularly ang AI,
14:22upang ma-increase
14:23ang ating revenue
14:24at pangalawa po,
14:25mabawasan naman po
14:26yung mga gantong
14:26unlawful importations.
14:28Okay,
14:29Atty. Chris,
14:30mensahin nyo na lang po
14:31sa ating mga kababayan
14:32na nakatutok
14:33sa isyong ito.
14:35Para po sa ating mga kababayan,
14:37mula po sa ating
14:38Commissioner Ariel
14:38na Pumoseno,
14:39makakaasa po kayo
14:41na katuwang nyo po
14:41ang bagong administrasyon
14:43ng Bureau of Customs
14:44upang papanaguting po natin
14:46yung mga responsable
14:47sa unlawful importations
14:48na ito
14:48at yung mga nanakaw
14:50na sa kaban ng bayan
14:51ay maipalik naman po natin.
14:53Makikita nyo po
14:54sa ating mga
14:55bagong proseso
14:56sa Bureau of Customs,
14:57papunta po tayo
14:58sa transparency.
14:59Nandyan na po yung
15:00full recording
15:01at live streaming
15:02ng ating mga proseso,
15:03magmula po sa condemnation,
15:05hanggang dito po
15:06sa ating magiging auction.
15:07Lahat po yan
15:07ay ititelevise po natin,
15:09may access po ang media,
15:11at nang sa ganun
15:11maging bantay po
15:12ang publiko.
15:13Kami naman po
15:14ay patuloy na umaasa
15:15sa ating publiko
15:16na maging katuwang din po
15:18namin sa pagbabantay
15:19sa mga ganitong proseso.
15:20Kung meron po silang
15:21nakikitang dapat ireklamo,
15:23huwag po silang mahiyang
15:24mag-atubili
15:24at iparating po sa amin
15:26ang mga reklamong yan,
15:27makakaasa po kayo
15:28sa pamamuno po
15:29ni Commissioner Anil Pumoceno
15:30e talaga pong dadali natin
15:32ang Bureau of Customs
15:33sa transparency
15:34upang maibalik po
15:35ang tiwala ng publiko
15:36sa ating ahensya.
15:38Alright,
15:38maraming salamat po
15:39sa inyong oras.
15:40Attorney Chris Bendijo,
15:41Deputy Chief of Staff
15:42mula sa Office of the
15:43Commissioner
15:44ng Bureau of Customs.