Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Galing umuno sa Calabarzon at Mimaropa ang mga baboy na nagpositibo sa African Swine Fever sa mga litsunan sa La Loma, Quezon City.
00:08Ayun po yan sa Agriculture Department.
00:10Sa kabila nito, tiniyak ng kagawaraan na sapat ang supply ng mga baboy ngayong holiday season.
00:16Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:18Apat na araw nang sarado ang mga litsunan sa La Loma, Quezon City matapos magpositibo sa African Swine Fever ang mga baboy sa apat na litsunan.
00:31Tuloy-tuloy ang pag-disinfect sa lugar sa pag-asang makakapagbukas na muli sa lalong madaling panahon.
00:37Nagkokomplay po kami dun sa hinihingi ng City Hall for Slaughterhouse.
00:40Siyempre sa amin as owner po, tapos dun po sa mga tauhan namin, mas lalo.
00:46Kasi po, siyempre araw-araw po sila. Kailangan namin food.
00:51Sa kabila ng pansamantalang pagsasara ng mga litsunan sa La Loma dahil sa manta ng ASF,
00:57siniguro ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na walang kaso ng ASF sa mga pamilihan tulad na lamang sa mga palengke dito sa Quezon City.
01:05Ito po ay isolated nga po sa La Loma at yung ibang pong mga itinitin ng karne at mga restaurants na nagsuserve ng karne sa Quezon City ay hindi naman po apektado.
01:15Safe pa rin po. Kung bibili po tayo ng karne sa ating mga palengke, hindi po sila apektado.
01:20Siniguro rin ang mga retailer na may tatak ng National Meat Inspection Service ang mga baboy bilang tanda na walang sakit ang mga ito.
01:27Malinis naman ang baboy namin, kompleto ng pabilyan. Bago ilabas ng slaughterhouse yan, may mga permit po yan.
01:35Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, mahalaga ang pagsisiguro na walang sakit ang mga baboy bago ibiyahe.
01:42Dapat alamin po natin kung saan ang galing yung baboy at bakit nakalusot. Sa shipping permit, dapat may ASF testing yan eh.
01:52Ayon sa Department of Agriculture, mula sa Region 4A and 4B ang mga may sakit na baboy.
01:58Sa kabila nito, wala naman daw magiging problema sa supply ng baboy.
02:02Pusigling nalusotan yung mga checkpoints leading to Quezon City, itong mga baboy na may ASF.
02:11Yung concern mismo ng LALOMA for Daletso, baka magkaipitan.
02:16Siguro naman ano sila, magkocomply immediately sa mga recommendations.
02:21Kasi alam din naman nila na importante yung kanilang negosyo for the upcoming holidays.
02:25Tumaas naman ang presyo ng sibuyas.
02:28Sa mga aldan public markets sa Pangasinan, mula 140 hanggang 160 pesos pumalo na sa 240 pesos kada kilo ang pulang sibuyas.
02:37Paliwanag ng samahang industriya na agrikultura o sinag, magiging stable ang presyo ng sibuyas sa oras na dumating na sa bansa ang mga imported na sibuyas.
02:46Sa latex market sa Kasan City, umabot ng 280 pesos ang kada kilo ng sibuyas ilang araw matapos manalasa ang bagyong uwan.
03:04Sa latex, parang 160 to 180 lang, tapos naging 200, naging 210, 220 hanggang naging 240 to 60 na po.
03:12May nakukunan naman po, kaso mataas po sa may pinagkukuha.
03:18Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended