Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kabi-kabilang baha at pagguho ang naitala sa ilang bahagi ng Cebu dahil sa matinding ulan.
00:06At sa Mandawi, isa ang natangay ng baha habang tinatangkang masagip sa ragasa ang isang taxi.
00:14Nakatutok si Femery Dumabok ng Jemmy Regional TV.
00:22Tulong-tulong na ang mag-anak na ito sa Mandawi City, Cebu para ilipat sa mataas na bahagi ng bahay
00:28ang nakaburol na kabaong.
00:31Naabutan kasi sila ng matinding baha sa gitna ng lamay.
00:36Ang lola naman nilang natutulog, pinagtutulungan din nilang buhatin ng abutan ng baha ang kanyang hinihigaan.
00:43Ayon sa Mandawi City, RRMO, na sa mahigit 600 pamilya ang apektado sa baha dahil sa pag-apaw ng butwa nun river.
00:52Sa barangay Paknaan, isa ang nasawi matapos matangay ng baha.
00:56Sinubukan naman nung habulin ng biktima noon ng isang taxi.
01:00Inakala raw nito na may sakay ang taxi kaya sinubukan niya itong iligtas.
01:05Pero kasama siyang natangay ng baha.
01:10Matinding ulan din ang naranasan sa Cebu City dahil sa localized thunderstorms.
01:15Umapaw ang sapa sa isang barangay roon.
01:19Rumaragasa rin ang tubig sa Guadalupe River na nagdulot ng pagkasira ng footbridge.
01:23Sa barangay Pulang Bato, isang parte ng reprap sa gilid ng sapa ang nasira dahil sa baha.
01:30Sa inisyal na bilang ng Cebu City Social Welfare Office,
01:34nasa mahigit 130 pamilya ang apektado ng baha sa Cebu City kagabi.
01:39Bukod sa baha, may naitala rin landslides.
01:43Ang bahay na ito, pinasok na ng gumuhong lupa.
01:46Ligtas naman ang limang residente sa bahay.
01:50May lupa rin na humambalang sa kalsada.
01:53Kaya halos apat na oras stranded ang ilang motorista.
01:57Nakapagsagawa na ng clearing operations.
02:00Para sa JME Regional TV at JME Integrated News,
02:04Femery Dumabok.
02:06Nakatutok 24 oras.
02:08Kaya pilota cabora.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended