Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Apektado po ngayon ang masamang panahon, ang presyo at kalidad ng gulay sa mga bagsakan at pamilihan.
00:08Nakatutok si Nico Wahe.
00:13Ngayong tag-ulan, may mga magsasaka sa Benguet ang napilitang anihin na ang kanilang mga pananim.
00:19Sabi ng nakausap naming nasa La Trinidad Vegetable Trading Post, halos paluginang ibinenta kahapon ang mga panindang repolyo.
00:26Kahapon talaga yung medyo may kalakihan doon siyang bigyan namin.
00:30Pagtagulan kasi medyo mabilis na ma-harvest kasi masisira ngayon.
00:36Wala raw oversupply ng repolyo. Binili naman daw ng mga nakaangkat.
00:40Pero tinatawaran pa lalo kumbasa ang mga gulay.
00:43Ang pechay umbok mula 20 pesos, bagsak na sa 13 pesos ang kilo.
00:48Matumal daw kasi ang bentahan sa Metro Manila dahil sa pag-uulan.
00:51Yan ang inaano ng mga buyers ngayon. Sabi niya, hindi masyadong mabinta na nalulusaw lang yung iba.
00:59Kaya kaysa walang kitain, ibababa na lang nila ang presyo.
01:03Sa Balintawak Market, ang dating 70 pesos kada kilong repolyo, 50 pesos na lang.
01:08Siguro mababa yung kuha nila, kaya mababa din yung bigay nila sa amin.
01:12Ang mami-miling si Marivic nagulat din sa baba ng presyo ng gulay.
01:16Alin ba yung mura, ma'am?
01:18Mga bagyo, tulad ng repolyo, patatas.
01:22Pero yung mga Tagalog, yung sitaw, mahal.
01:27200 pesos lang ang kuha niya ngayon sa isang bundle ng repolyo,
01:31na noong nakaraan linggo ay 380 pesos hanggang 400 pesos.
01:35Ititinda rin ito ni Marivic.
01:37Sa kamuni market, nasa 80 pesos ang presyo ng repolyo sa tindahan ni Josefina.
01:41Humahango lang siya.
01:42Sa ibang tindahan, 70 pesos per kilo ang benta.
01:53Ang broccoli na dating nasa 130 pesos kada kilo, tumaas ngayon sa 190 pesos.
01:59Habang cauliflower, mabibili rin sa 190 pesos ang kilo.
02:05Ayon sa mga nagtitinda, nakadepende pa rin talaga ang presyo sa bigay ng kanilang supplier.
02:10Sinusubukan pa namin makuha ang reaksyon ng Department of Agriculture.
02:14Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended