Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa tuloy-tuloy na masamang panahon, bantay sarado ng ilang taga Marikina, sa antas ng tubig ng Marikina River.
00:08Nagbukas na rin doon ang mga evacuation center bilang paghahanda.
00:11At mula sa Marikina nakatutok live, si Darlene Kai.
00:15Darlene.
00:18Ivan, nasa 14.1 meters yung level ng Marikina River as of 5pm.
00:24Considered na normal level pa yan.
00:26Pero naghahanda na rin daw yung lokal na pamahalaan, pati na yung mga residente, sa posibilidad ng paglikas.
00:36Dahil magdamag na maulan sa Marikina, maraming residente ang napasugod sa tabing ilog para magmasid sa level ng Marikina River.
00:44Tinitingnan ko yung ano, kung ano yung taas.
00:47Para kita ko rin kung ano, magbabasta rin kami in case na ano.
00:53Nagahanda.
00:53Oo, nagahanda.
00:54Nakabahan po, siyempre. Mahirap kasi pag binabaha tayo, di ba?
00:59Pero mayroong nagpunta para mga isda. Mas madali raw kasing mahuli ang mga isda kapag ganito ang panahon.
01:04Yan ang tilapya ngayon.
01:06Ayan, may hito. Ayan o, tilapya.
01:08Galaki.
01:10Mula 12 meters kaninang madaling araw, mabilis na umakyat sa 14 meters ang taas ng Marikina River bandang alas 8 ng umaga.
01:19Bahagya pa itong umakyat bandang tanghali.
01:21Nasa normal level pa ito.
01:2315 meters pa ang first alarm sa Marikina River.
01:26Hudyat na kailangan ang maghanda ng mga residente para sa posibleng paglikas.
01:31Kapag umakyat na sa 16 meters o second alarm ang ilog, kailangan nang mag-evacuate.
01:37Forced evacuation na kung third alarm o 18 meters ang taas ng ilog.
01:40Kahit hindi pa bumabaha, may ilang naghahanda na.
01:45Siyempre natakot na rin kayo ng undoy. Naranasan na namin talagang na walaan talaga kami lahat ng gamit.
01:50Ayan, nakabahan na ko eh. Malakas ang turbig.
01:54Bakit po?
01:57Kasi iabot, hindi po tubig o.
02:00Anda nang magamit kung saan na ano, maguligas.
02:07Pinaka binabantayan ng Marikina LG yung limang barangay na unang binabaha ang Malanday, Nangka, Tumana, Santo Niño at Jesus de la Peña.
02:16Hindi pa nagpapatupad ng preemptive evacuation ng lokal na pamahalaan.
02:20Pero binuksan na nila ang 36th evacuation center sa lungsod.
02:23Kapag nararamdaman nila na any hour ay tataas at aapaw ito, pwede na silang pumunta sa mga evacuation sites natin.
02:33Bawal na ang anumang aktividad sa ilog, kaya sinaway na motoridad ang inabutang nangingisda.
02:38Pinaalis na rin ang mga sasakyang nakaparada sa tabing ilog.
02:47Ibanagang sa mga oras na ito, eh tuloy-tuloy pa rin yung pagulan dito sa Marikina.
02:51Ayon sa boritoring ng LG, base na rin sa forecast ng pag-asa,
02:55mula kaninang 5pm hanggang mamayang 8pm ay mararanasan yung tuloy-tuloy at malakas na buhos ng ulan dito sa lungsod.
03:03Kaya nananatiling naka-alerto yung lokal na pamahalaan at ganoon din dapat yung mga residente.
03:08Yan yung latest mula rito sa Marikina. Ako po si Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
03:13Iban?
03:14Ingat at maraming salamat, Darlene Cai.
03:21TV Gelderland 2021

Recommended