00:00Hello!
00:30Simpleng laro pero kailangan mong aralin ang pagbalanse bago ito makabisado.
00:35Sa kabila ng modernong panahon, nilalaro pa rin daw ito ng kabataan ng tribong matigsalog.
00:41Nagpalakasan naman ang mga lumahok sa bubuntog o tug of war.
00:45Palakasan ng braso ang larong ito.
00:48Mag-uunahan ang magkabilang grupo sa paghilan ng lubid.
00:51Ang unang makalampas sa linya,
00:53ang siyang mananalo.
00:56Nagpabilisan din sila sa pagbayo ng palay o tinatawag na bibinayo.
01:00May paunahan din na makagawa ng apoy gamit ang tuyong kawayan o tutaringki kung tawagin.
01:06Ang mga grupong moro naman,
01:08nagpabilisan sa pagkudkod ng gata ng nyog na tinatawag na kakurkur.
01:14Silang lahat nagkakaisa sa pagpapanatiling buhay ng kanilang kultura at tradisyon
01:18sa kabila ng hamon ng modernisasyon.
01:25Outro