Tahasang isinangkot ni dating Congressman Zaldy Co si Pangulong Bongbong Marcos sa mga budget insertion nang magsalita si Co sa unang pagkakataon mula nang pumutok ang flood control scandal. Sa pamamagitan ng isang video, itinuro ni Co ang pangulo na siyang nag-utos umano sa kanila na magsingit ng P100B sa budget.
Ipinarating umano 'yan sa pamamagitan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman, at batid din aniya ni dating house speaker Martin Romualdez. Sabi pa ni Co, si Romualdez aniya ang pumigil sa kanya na magbalik-bansa. Itinanggi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman ang salaysay ni Co. Ang Malacañang, hinamon si Co na umuwi ng bansa at panumpaan ang mga alegasyon.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Be the first to comment