Skip to playerSkip to main content
Personal umanong nakausap ni dating Congressman Zaldy Co si Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa pagsisingit daw ng pondo sa 2025 budget. Sa kaniyang panibagong video, sinabi ni Co na maski sa 2026 budget na tinatalakay pa lang ngayon ay may pasingit din ang pangulo. Idinawit na rin ni Co ang anak ng pangulo na si House Majority Leader Sandro Marcos na may mahigit P50 bilyon budget insertion umano mula 2023 hanggang 2025.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00Personal, umanong nakausap ni dating Congressman Zaldico,
00:10si Pangulong Bongbong Marcos,
00:12kaungnay sa pagsisingit daw ng pondo sa 2025 budget.
00:17Sa kanyang panibagong video, sinabi ni Ko,
00:20na maski sa 2026 budget na tinatalakay pala ngayon,
00:24eh may pasinit din ang Pangulo.
00:27I-dinawit na rin ni Ko ang anak ng Pangulo na si House Majority Leader Sandro Marcos,
00:33na may mahigit 50 milyong piso budget insertions umano mula 2023 hanggang 2025.
00:41Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:46Sa panibagong video na inilabas ni dating House Appropriations Committee Chair Zaldico ngayong araw,
00:53sinasabi na niyang direkta niyang nakausap si Pangulong Bongbong Marcos
00:57tungkol sa umunay budget insertion sa 2025 budget.
01:02Nangyayari raw yan itong Marso.
01:04Si Yusek Jojo Cadiz ang nag-ayos ng aming meeting noong March 2025
01:09sa 1201 Aguado Street, tapat ng Malacanang Gate 4.
01:15Pero sa halip na kumalma ang Pangulo,
01:18lalos lang siyang nagalit.
01:21Sa halip na itanggi o linawin niya
01:24ang tungkol sa 100 billion insertion,
01:27pinagsabihan niya kami ni dating Speaker Romualdez,
01:31at sa akin mismo,
01:32diretsahan niyang sinabi,
01:34Huwag mo akong pigilan sa mga insertions ko.
01:39Huwag ka nang makialam sa budget.
01:43Dahil sa mga binitawang salita sa akin ni BBM,
01:47naging malinaw sa akin na siya mismo ang nag-utos
01:50kila Secretary Mina Pangandaman at Yusek Adrian Bersamin
01:55na ipasok ang 100 billion pesos worth of projects.
01:59Bago raw ang pulong na ito,
02:01sumulat na rin daw siya kay Pangulong Marcos
02:04noong February 2025.
02:06Doon ko ay pinaliwanag na ginagawa ko lang
02:09ang mga utos niya tungkol sa mga insertions
02:12na sinasabi niyang hindi na raw niya makilala.
02:17Ilalabas ko po ang sulat ko sa Pangulo
02:20kasama ng video nito.
02:22Maliban paan niya sa 100 billion pesos
02:25na mga proyektong pinasingit sa budget,
02:27may dagdag na hirit pa raw itong 50 billion pesos
02:31na halaga ng mga proyekto.
02:33Kinausap ako ni Yusek Jojo Cadiz
02:35at nagsabi na ipinapa-insert ng mga projects
02:39ang Pangulo na worth 50 billion pesos.
02:42And sinabi ko kay Yusek Jojo
02:44na meron ng instruction kay Secretary Mina Pangandaman
02:48at Yusek Adrian Bersamin
02:49about the 100 billion pesos insertion.
02:53And sabi niya,
02:54kakausapin niya ang Pangulo
02:56na kung pwede,
02:58doon na lang i-charge
02:59ang gusto niya ng 50 billion pesos na insertion.
03:04Ngunit ang sagot ng Pangulo,
03:06humingi ka ng bago o dagdag na insertions.
03:10Doon po nakita
03:11at naramdaman
03:13na hindi pwedeng sabihin ng Pangulo
03:16na wala siyang alam
03:17sa mga nangyayari.
03:20Kasi mismong siya ang nagbibigay ng utos.
03:22Sabi ni Ko,
03:24kahit sa panukalang 2026 budget
03:27na tinatalakay pa ngayon ang Kongreso,
03:29may mga pinasingit daw na mga proyekto
03:32ang Pangulo.
03:32Kung titignan ninyo
03:34ang 2026 budget,
03:36may panibago siyang 97 billion insertions.
03:39Pero ngayon,
03:40ipinasok na mismo
03:41sa President's Budget or NEP 2026.
03:44Yan po ang kinumpirma
03:46ni Secretary Manny Bunuan
03:48na may instructions ang Pangulo
03:50na magpasok ng 100 billion ulit
03:53sa President's Budget
03:54kaya wala na siyang pwedeng ipamigay.
03:59Ito ay nalaman ko noong May 2025
04:01sa meeting namin kasama si dati Speaker Romualdes.
04:05Sinusubukan pa ng GMA Integrated News
04:08na makuha ang panig ng palasyo
04:10sa mga sinabi ni Ko.
04:11Pero bukod sa Pangulo,
04:13idinawit na rin ni Ko
04:14si Presidential Sun
04:16at House Majority Leader
04:18Sandro Marcos
04:19sa budget insertions
04:20mula 2023 hanggang 2025.
04:24Hindi lang po ang Pangulo
04:25ang may insertions sa budget.
04:28Pati po si Congressman Sandro Marcos
04:30meron din pong pinapasok taon-taon.
04:34Noong 2023,
04:36may 9.636 billion pesos.
04:39Noong 2024,
04:4120.174 billion pesos.
04:46At nitong 2025,
04:4821.127 billion pesos.
04:52Lahat-lahat,
04:53ang kabuhan
04:54ay 50.938 billion pesos.
04:58Naglabas pa siya ng umurilistahan
05:00ng mga insertion
05:02ng nakababatang Marcos.
05:04Nalaman ko na lang sa mga kontraktor
05:06na galit na galit siya sa akin
05:08noong pinag-uusapan na ang 2025 GAA budget.
05:13Ang sabi daw niya,
05:15ipatatagal ako at magpa-file
05:17ng maraming kaso laban sa akin
05:19kasi kulang ng 8 billion pesos
05:22yung insertion na gusto niyang ipasok.
05:24Ang dahilan daw,
05:27may mga kontraktor na nakapag-advance na sa kanya
05:30at dahil hindi na ipasok ang buong halaga,
05:34kailangan daw niyang magsauli sa mga yon.
05:36Sa isang statement,
05:38inakusahan ni Rep. Marcos Sico
05:41na bahagi ng destabilisasyon.
05:44Base raw sa intel,
05:45nakipagkasundo na Sico
05:47sa mga gustong magpabagsak sa gobyerno
05:49para ayan niya matakasan
05:51ang kanyang mga krimen.
05:53Kahit sino naman daw
05:54ay pwedeng umupo sa harap ng kamera
05:56at magpakalat ng mga kasinungalingan.
05:59Tinawag pa niyang bagong kampiyon
06:01ng mga DDS Sico
06:02na ang mga pahayagan niya
06:04ay katang-isip at mali.
06:06Inalis din Anya Sico
06:07bilang chairperson
06:09ng House Committee on Appropriations
06:10hindi dahil sa kapritsyo lang
06:13ng isang individual,
06:14kundi dahil sa kasakiman daw nito
06:16at katiwalian.
06:18Panawagan pa ni Marcos sa publiko,
06:21huwag magpabudol kay Zaldico.
06:23Ang Makabayan Block
06:24naghahain ang resolusyon
06:26para pa-iimbestigahan sa Kamara
06:28ang mga pahayag ni Nako
06:30at dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
06:34Para sa GMA Integrated News,
06:37Tina Panganiban Perez
06:38Nakatutok, 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended