Skip to playerSkip to main content
Humingi si Sen. Bato Dela Rosa ng temporary restraining order mula sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant ng International Criminal Court o ICC laban sa kanya. Hiniling din niyang utusan ang Ombudsman na isumite ang ibinunyag nitong arrest warrant.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Humingi si Sen. Bato de la Rosa ng temporary restraining order mula sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant ng International Criminal Court o ICC laban sa kanya.
00:11Hiniling din niyang utusan ng ombudsman na isumite ang ibinunyad nitong arrest warrant.
00:17Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:18Hindi man nagpakita sa Senado ngayong araw, nagpost naman ng mga larawan sa kanyang social media account si Sen. Bato de la Rosa.
00:30Kuha ang mga larawan sa Cebu, kung saan makikitang may hawak siyang imahen ng Santo Niño.
00:36At may larawan din kasama si Father Cresesiano Ubud ng Compostela Parish Church sa Compostela, Cebu.
00:43Hindi malinaw kung kailan kuha ang mga larawan, pero sabi niya sa caption, sa panahong ito raw, kailangan humingi ng gabay sa kanyang spiritual advisor.
00:53Sa gitna ito ng sinasabing warrant of arrest laban sa kanya ng International Criminal Court o ICC.
01:00Kaugnay niyan, humingi ng temporary restraining order ang kanyang mga abogado sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng sinasabing warrant of arrest
01:09at maging ng umunay red notice at surrender request laban dito.
01:15Sa isang very urgent manifestation na isinampakahapon, hiniling din ang mga abogado sa Supreme Court na pagsumitihin sa loob ng 72 hours
01:24ang Department of Justice at Department of Foreign Affairs ng sinumpang written certification
01:30na magkoconfirm or deny sa nasabing warrant o kaya'y not verbal o anumang komunikasyon kaugnay nito.
01:37Nais din nilang pigilan ng kataas-taasang hukuman ang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa ICC
01:43sa pamamagitan ng diplomatic o law enforcement channels.
01:48Binanggit nila ang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Rimullia sa radio program nito
01:52na meron ng warrant of arrest laban kay De La Rosa.
01:56Anila, naging imminent and real daw ang arrest ni De La Rosa.
02:01May kaugnayan ito sa naonang petisyon ni De La Rosa at dating Pangulong Duterte sa Supreme Court
02:07na kumukwestyon sa constitutionality at legality ng pag-aresto kay Duterte
02:12gayong hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas.
02:15Kaya pangalan din nila ang nakasulat na petitioner sa manifestation.
02:19Pusibli o manong gawing muli na executive agencies ng gobyerno
02:23ang hakbang nito noong Marso ng arrestuin si dating Pangulong Duterte.
02:27Ngayong araw naman, isa pang very urgent motion ang ifinail ng kampo
02:32na humihiling na utusa ng Korte Suprema si Rimullia
02:36na isumite ang ICC arrest warrant at pagpaliwanagin ito kung paano niya nakuha ito.
02:43May affidavit din daw ang asawa ni De La Rosa na nagdulot umano
02:46ang pahayag ni Rimullia ng takot, monitoring at pagkaalinlangan.
02:50Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Rimullia
02:55pati ng DOJ at DFA ukol sa mga mosyon ni De La Rosa.
03:00Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended