00:00Minamadali na ng Justice Department ang proseso para maipasok sa Witness Protection Program
00:06ang Missing Sabongero Whistleblower na si Dondon Patidongan.
00:10Ang DOJ umaasang may lulutang pang mga testigo kapag nasa korte na ang mga kaso.
00:17Nakatutok si Ian Cruz.
00:22Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Rimulia
00:25ang siguridad ni Missing Sabongero Whistleblower Dondon Patidongan.
00:29Kasunod ng mga sumbong nitong may kahinahinalang umaaligin sa kanyang tinutuluyan.
00:34Pero ibang usapanan niya kung nasa ilalim na si Patidongan sa Witness Protection Program.
00:40Inaayos pa yan sa ngayon.
00:41We want to hurry up the process para may special funding na pwedeng pumasok.
00:46Para siya naman ay mabantayang panahusto na dedicated talaga sa kanya.
00:51Ang trabaho ay siya ang bantayan.
00:54O siya at ang kanyang pamilya.
00:55Pero para maging state witness, kailangan munang maisampas sa korte ang patong-patong na kasong inihain sa 61 respondents kasama si Patidongan.
01:06Pag nakasuan siya, ay sakalang anya pwedeng magmosyon sa korte ang prosekusyon na gawing state witness si Patidongan.
01:13Sabi kahapon ang abogado ni Patidongan, dapat matapos ang evaluation sa loob ng sampung araw.
01:30Tinitingnan ding maging saksi ang dalawang kapatid ni Patidongan.
01:34Pero si Jose Patidongan, na isa sa mga nagposa sa isang Michael Bautista bago nawala sa Laguna noong April 2021,
01:41may pending sentence pa sa isang napabayaang kaso na kailangan pang asikasuhin ng abogado niya.
01:48Tila sapat naman ayon sa DOJ ang pahayag ng kapatid nilang si Ella Kim Patidongan na inutusan umanong mag-withdraw gamit ang ATM card ng isa sa mga nawawala.
01:58May statement si Ella Kim, may statement na rin si Don Don. Kaya based on the two, matibay-tibay na yung kaso. Pero malaki na matutulong pa rin ni Jose.
02:09Umaasa ang kalihim na maiba pang lulutang na testigo kapag nasa korte na ang kaso.
02:15Sa ngayon ay nasa evaluation stage pa rin daw ang iniharap na patong-patong na reklamo laban sa mga respondents ng missing sa Bungero.
02:23Makapagpapadala lamang daw ng subpinang DOJ kapag naiyakyat na ang proseso sa preliminary investigation.
02:31Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz Nakatutok, 24 Horas.
Comments