00:00Kinumpirma ng Malacanang na na-relieve na sa pwesto bilang hepe ng Philippine National Police si Police General Nicholas Torre III.
00:07Batay sa liham na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin,
00:11efektibo kaagad ang kanyang pagkakare-relieve sa posisyon bilang Chief PNP.
00:16Kaugnay nito, inatasan ni General Torre na tiyakin ang maayos na turnover ng lahat ng dokumento
00:22at impormasyong may kinalaman sa kanyang opisina
00:25upang matiyak ang tuloy at episyenteng paghatid ng servisyong publiko ng pambansang pulisya.
00:33Wala pa namang ibinigay na dahilan ang Malacanang sa naturang hakbang.
00:36Samantala, kinumpirma naman ni DILG Secretary John Vic Rebulia
00:40na si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr. ang papalit bilang bagong hepe ng PNP.