00:00Formal nang isasagawa ang groundbreaking ng bagong kamuning footbridge sa Quezon City.
00:05Si Bernard Ferrer sa detalye live. Bernard?
00:11Rod, good news!
00:13Mapapalitan na ng bagong footbridge ang tinaguriang Mount Kamuning na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA Kamuning.
00:22Nasang mas maginhawa at ligtas na tulay ang madaraanan ng publiko kapag natapos ang proyekto.
00:30Ngayong umaga, formal na isasagawa ang groundbreaking ng bagong kamuning footbridge.
00:39Pangunahan ito ni Department of Transportation ng DOTR Secretary Vince Deason kasamang iba pang opisyal ng pamahalaan.
00:46Aabot sa maigit 89 million pesos ang halaga ng nasabing proyekto.
00:51Ang bagong footbridge ay gagawing split footbridge.
00:54Ang northbound side ay malapit sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways
00:58habang ang southbound steps ay nasa harapan ng isang residential building.
01:04Konektado rin dito ang EDSA busway para mas mapadali ang pagdaan ng mga pasahero.
01:11Batay sa bidding call, kailangan makompleto ng contractor ang proyekto sa loob ng 180 days.
01:17Itong Junyo ay pinaguntos si Pangulong 49 R. Marquez Jr. kay Secretary Deason na palitan ang kasalukuyang footbridge na kasing taas ng limang palapag na gusali.
01:27Hindi ito madaling madaanan ng publiko lalo na ng mga senior citizen at persons with disabilities.
01:33Kilala rin ito sa tawag ng Mount Kamuning da sa kasalukuyang istruktura ng footbridge.
01:40Rod, maliban sa groundbreaking ng Kamuning footbridge, isasagawa din yung groundbreaking naman
01:50ng gagawing EDSA busway rehabilitation dito lamang yan sa bahagi ng Kamuning.
01:57Sa lagay naman ng traffic ko, yung magkabilang lane ng EDSA Kamuning ay magaan.
02:01Kaya yung mga nagmamadali nating mga kababayan, eh, huwag lang, huwag lang magkakaskas o masyadong matulin yung pagpapatakbo ng kanilang mga sasakyan.
02:14Paalala po sa ating mga motorista ngayong Webes, bawal po ang mga plaka nagtatapos sa numerong 7 at 8 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 10 umaga
02:23at alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi. Balik sa'yo ron.
02:28Maraming salamat, Bernard Ferrell.