Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00OPLAN CONTRABAHA
00:30Sa loob ng siyam na buwan ay aaraw-arawin ang dredging at cleanup operations sa ibat-ibang waterways sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
00:38OPLAN CONTRABAHA ay araw-araw at sabay-sabay nga yung dredging at cleanup operations.
00:44Maliban dito sa Metro Manila ay gagawin din ito sa iba pang probinsya tulad ng Cebu, Davao, Pampanga at Bulacan.
00:51Isa itong San Junisio Creek kung nasan tayo ngayon sa Paranaque City na ininspeksyon ng Pangulo.
00:58Ang San Junisio Creek iniuugnay ang mga ilog ng Paranaque at Las Piñas.
01:03Kaya naman kung barado na ay tataas talaga yung baha dahil hindi makadaloy ang tubig diretso sa Manila Bay.
01:10Sisimulan ito sa nasa 120 waterways o daluyan ng tubig na identified na critical area.
01:17At sa kabuan, nasa 500 na equipment ang gagamitin.
01:21Mahalaga raw ito dahil kung hindi nakakadaloy ng maayos ang tubig, of course, nagiging sanhi ito ng pagbaha.
01:27Sa Metro Manila pa lang may 220 waterways na at ang bilang ng mga waterway maaari pang madagdagan dahil pinag-aaralan pa ng Project NOAA ang ibang mga daluyan ng tubig na natakpan na dahil halimbawa ginawang kalsada o tinayuan ng mga subdivision.
01:44Maliban sa dredging at paglilinis, balak ng DPWH na gibain ang ilan sa mga flood control project na sa halip na makatulong ay nakakadagdag pa sa problema.
01:54Ilan dito yung pumping station na itinayo sa ibabaw mismo ng creek sa may Quezon City.
02:01At sa Quezon City rin, may creek din na sinimento naman yung ilalim kaya't bumabaw yung creek.
02:07Titiyakin din daw na gumagana ang lahat ng mga itinayong pumping station.
02:11Sabi ng Pangulo, inaasahang mababawasan ng 60% ang pagbaha sa mga flood prone area kung gagawin ito.
02:18Para sa off-line kontrabaha, nilabas na ng equipment na ay yung mga equipment ng DPWH na sabi ng Pangulo ay nasa bodega lang.
02:27Hindi ginagamit para sa the big one o yung pagyanig ng West Valley Fault.
02:32Tutulong sa off-line kontrabaha ang mga business tycoon na si Ramon Ang at Mani Pangilinan.
02:38Kaya parehong nasa launching ng programa ngayong umaga.
02:41Ayon kay DPWH Secretary Vince Diso, nasa 2.5 billion pesos ang ilalaang budget dito ng DPWH pa lamang.
02:51Connie?
02:51Maraming salamat, Maki Pulido.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended