Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsisimula na ang paghahanda para sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Julio.
00:05May ulat on the spot si Tina Panganiban Perez.
00:08Tina?
00:10Grafi nagsagawa ngayong umaga ang Presidential Security Command ng Inspeksyon at Walkthrough sa Kamara
00:16bilang paghahanda sa ika-apat ng State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:21Kasama nilang nag-ikot ang ilang tauhan ng Legislative Security Bureau ng Kamara,
00:26Philippine National Police at MNDA.
00:28Sinuyod nila ang mga daraanan ng Pangulo kabilang ang rear exit na karaniwang entrance ng Pangulo,
00:34North Entrance, Main Lobby, Session Hall, pati ang Eugenio Perez Lounge kung saan nananatili ang mga bisita ng mga kongresista
00:42at iba pang opisyal ng Kamara.
00:44Nauna rito nitong Martes ay nagpulong ang ilang opisyal mula sa Kamara, Senado at Office of the President.
00:50Kasama sa mga napag-usapan ang panawagan ni House Secretary General Reginald Velasco
00:55sa Presidential Communications Office na maghanda sa pagkalat ng maling impormasyon online.
01:01Siniyak naman ni PCO Secretary J. Rubies na pinaghahandaan na nila ito.
01:07Mamiang hapon naman, inaasahan magsasagawa ng sariling inspeksyon at walkthrough ang mga tauhan ng Kamara.
01:13Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco,
01:17nakapagpalabas na sila ng mga imbitasyon sa mga dadalo o inaasahan pupunta sa zona ng Pangulo.
01:24Kasama rito sa mga inimbitahan ay si Vice President Sara Duterte.
01:28Pero ayon kay SecGen, nagpadala na rao ng sulat ang Office of the Vice President na hindi dadalo ang Vice President.
01:37Pero ayon kay Dutalasco, patuloy pa rin ang paghahanda ng Kamara para sa posibleng pagdating ng Vice President
01:43kabilang ang paglalaan ng upuan para sa kanya sa VIP area sa session hall
01:50at pagkakaroon ng holding room para sa Vice President at mga magiging kasama niya.
01:56Raffi?
01:56Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.
Comments

Recommended