00:00Abiso mula sa MMDA, ilang bahagi ng EDSA ang sarado simula ngayong Pebrero para sa konstruksyon ng MRT-7.
00:08Mula kahapon, February 1 hanggang May 8, dalawang lane ng EDSA North Avenue Northbound ang isasara buong araw.
00:17Mula February 22 naman hanggang May 18 isasara ang dalawang southbound lanes nito.
00:22Full road closure naman ang northbound lanes mula February 11 hanggang March 10 tuwing alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.
00:34March 11 hanggang March 23 naman may full road closure sa southbound lanes doon.
00:40Sa parehong oras mula March 24 hanggang April 29 naman may full road closure sa bahagi ng EDSA sa West Avenue.
00:49Para po yan sa pagkakabit ng turnback girder o bakal na magdurugtong sa dulong segment ng MRT-7 North Avenue Station at sariles na nakatayo na sa West Avenue.
Comments