00:00Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong nasa WISO Cordillera Region dahil sa mga pagbuho ng lupa dulot ng Bagyong Uwan.
00:08Sa ngayon ay patuloy pa rin ang clearing operations sa mga otoridad sa gitna ng masungit pa rin na panahon.
00:15Si Jezrel Kate Labizar ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:19Umakyat na sa lima ang kumpirmadong nasa WISO Cordillera Region sa pananalasan ng Bagyong Uwan base sa tala ng Department of Social Welfare and Development Cordillera.
00:32Pangunahing dahilan nito ay pagbuho ng lupa na tumama sa bahay ng mga biktima.
00:36Sa Balay Kabayan Benguet, isang 65-year-old na babae ang patay nang matabunan ng lupa ang unang palapag ng kanilang bahay kung saan siya natutulog.
00:46Sa Western Uma Lubwagan, Kalinga naman, dalawa ang nasawi. Dalawa ang nawawala habang isa naman ang nasugatan sa landslide.
00:54Isang individual din ang binawian ng buhay sa Tinok, Ifugao matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanyang bahay.
01:01Samantala, isang senior citizen din ang patay habang dalawa naman ang sugatan sa Latang Bar League dahil sa mudslide na tumama sa kanilang tahanan.
01:10Kinokumpirma pa ng ahensya ang naiulat na limang individual na nasawi sa Banawi, Ifugao.
01:15Dalawa sa Bugyas Benguet, isa sa Asipulo, Ifugao, habang may naidagdag na naiulat na namatay sa Lubwagan, Kalinga na pare-parehong dahil sa landslide.
01:25Umabot naman sa 582 ang apektadong mga barangay sa region.
01:30Nasa mahigit 12,000 pamilya na binubuo ng mahigit 38,000 individual ang apektado ng bagyong uwan.
01:38Kung saan nasa mahigit 3,000 pamilya o mahigit 11,000 individual ang nananatili sa evacuation centers.
01:46Nasa 18 bahay naman na ang totally damaged, habang 365 naman ang partially damaged.
01:53Nakahanda naman ang tulong na ibabahagi ng DSWD sa mga apektadong pamilya.
01:58Yung mga pamilya, yung mga communities na mga nasalanta, ini-evaluate ulit natin yan kung nasira ang kanila mga pangkabuhayan,
02:07anong klaseng pangkabuhayan ang pwede natin itulong sa kanila through yung sustainable livelihood program natin.
02:14Patuloy namang nakaantabay ang Police Regional Office Cordillera upang maghatid ng karagdagang tulong sa pagresponde
02:20habang nararamdaman pa ang epekto ng bagyo sa pamamagitan ng binuong Disaster Incident Management Task Group.
02:28Sa kasalukuyan, nakadeploy pa rin ang 382 na personnel sa buong regyon na tumutulong sa road clearing operations,
02:35pagbabantay sa evacuation centers, pag-iikot at monitor sa mga barangay at iba pa.
02:41Prepare po natin yung ating mga equipment na pang search and rescue at ganoon din po yung pang clearing operations para lubos po natin mapaghanda ng bagyong ito.
02:50Patuloy po yung ating deployment ng mga personnel natin, nandang din po yung RSSF natin o yung mga standby force natin para tumulong po kung may mga pangangailangan pa.
03:01Samantala, kabikabilaan din ang mga naitalang landslide at pagwuhon ng lupa na ikinasira ng iba't-ibang istruktura.
03:07Patuloy ang isinasagawang assessment at validation ng mga ahensya sa mga naiuulat na danyos dahil sa bagyo.
03:15Sa ngayon ay patuloy pa rin na nararanasan ang pagulan sa Cordillera.
03:20Jezriel Kate Lapizar para sa Pambansang TV ng Bagong Pilipinas.