00:00Alright, unahin natin Connie, ang Katanduanes, isa yan sa mga probinsyang may casualty at makakausap natin doon si GMA News Stringer Jinky Tabor.
00:09Jinky, magandang hapon.
00:12Magandang hapon, Connie.
00:14Ata, nandito nga tayo ngayon sa lalawag ng Katanduanes kung saan makulimlim pa rin ang panahon dito at may mga pagambun pa rin kaming nararanasan.
00:24Connie?
00:25Connie, go ahead.
00:26Yes, Connie.
00:30Dito sa lalawigan ng Katanduanes, wala pa rin kuryente ang buong probinsya matapos matumbang ilang poste at masira ang kawad ng mga kuryente.
00:39Kasabay nito, patuloy pa rin ang problema sa supply ng tubig at nananatiling putol ang komunikasyon sa maraming lugar.
00:46Tanging sa ilang bahagi lamang ng sentro ng Virak, mayroong mahihilang signal na mga telecommunication at hirap na hirap ang mga residente na makibalita at makontaktan sa kanilang mga kaanak.
00:58Ang mga kalsada naman, papunta sa mga bayan sa northern towns na lupang na apekto nga ng bagyo ay hindi pa rin madaanan.
01:06Naging unpassable po ito dahil sa dami ng natumbang puno, pakakapal na putik at mga incidente ng paguhu ng lupa at pato.
01:16Sa kulangan sa released goods at sheltering materials tulad ng hiero, pako, plywood at kahoy, ang problema dito dahil may mga bahay ang partially at totally damaged.
01:28At sa ngayon nga ay marami pa rin evakuist ang nananatili sa mga evacuation centers.
01:34Hindi pa sila makauwi dahil sa tubig baha sa kanilang mga lugar at ang iba naman ay nasiraan ng bahay.
01:41Marami pa rin o malaking bahagi pa rin ang bayan ng San Andres.
01:45Virak at panganiban, pati na rin sa San Miguel, ang ngayon ay baha pa rin.
01:50At patuloy naman ang sinasagawa ng lokal na pamalaan, ang mga ahensya ng gobyerno at volunteers para sa clearing operations sa buong lalawigan.
01:59Wala pa rin biyahe ang mga barko at aeroplano, papasok at palabas dito.
02:03At kasabay po nito ay ang paghahatid ng tulong ay tuloy-tuloy pa rin na kasabay ng itinasagawang assessment ng sinsala dahil hindi pa rin makuha o matukoy ang kapuang halaga ng kailangan para sa rehabilitasyon sa infrastruktura at agrikultura.
02:20Kasi nabanggit mo nga na hanggang sa ngayon, syempre hirap pa rin ang maabutan ng tulong yung ating mga kababayan.
02:28Lahat ba ng mga lugar naabutan na o may mga hindi pa rin napupuntahan magpahanggang sa ngayon?
02:37Tungkol sa relief distribution, merong na-preposition ang pamahalaan ng Katanduanes sa labing isang bayan ng Katanduanes.
02:48At kaya lang po, ang problema ay kulang ito.
02:52At lalong-lalo na doon sa mga bayan na talagang nasa lanta, katulad ng Pandan, Bagamunok, Biga, Taramuran,
03:00na hindi pa ito naaabot dahil na hindi pa makadaan ang mga sasakyan dahil sa landslides at mudslides.
03:08Jinky, kasi dito sa video na pinapakita natin, ito yung talagang kasagsagan kahapon, yung matinding hangin, ulan.
03:17Pero sa oras na ito, Jinky, kamusta ba ang lagay ng panahon diyan?
03:23Makulimlim pa rin ang panahon dito at meron pa rin kaming nararanasan na pagambon ngayong araw.
03:30Hindi pa namin nararanasan yung talagang tirik na tirik ang araw.
03:33At ngayon ay gloomy pa rin kami dito.
03:37At ang balita natin, Jinky, ang pinakakakailangan nila dyan sa Katanduanes,
03:43hindi muna mga pagkain o iba pang nakukuha nila, katulad ng tubig,
03:48kundi yung mga panggawa daw ng bahay, meron na ba tayong information kung ano na ang ginagawa so far
03:57paano nila matutugunan itong pangangailangan ng pagkakumpuni ng kanila mga tahanan dyan sa Katanduanes?
04:04Ang mga residente dito, Connie, kanya-kanya nang diskarte kung paano nila maiaayos muli ang kanilang mga bahay.
04:10Pero sa parte naman ng pamahalaan, ay patuloy ang ginagawang assessment para na matukoy kung ano ang kailangan,
04:18ilan ang kailangan at kung saan saan ang mga lugarang talaga nangangailangan ng mga panggawa ulit ng mga bahay na nasira.
04:25Alright. Marami pong salamat kay Jinky Tabo na naguulat mula dyan sa Katanduanes.
Be the first to comment