Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:30Pia, nandito tayo ngayon sa may Edsa Shrine, dito sa may kanto ng Ortigas at ng Edsa.
00:35At nagsimula na nga magmarcha yung mga kababayan natin mula rito, papunta naman dun sa Edsa People Power Monument, doon panorte.
00:43Kaninang umaga pa nagsimula yung mga ibat-ibang pocket programs dito at meron din tayong mga nakita na ilang politiko na umatend dito,
00:51hindi lang dun sa mga programa, kundi pati na rin dun sa Misa kanina sa Edsa Shrine.
00:54Kabilang dito sa mga dumalo si na Sen. Rizonte Veros, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, Rep. Laila de Lima,
01:02pati na rin si Baguio City Mayor at ICI Special Advisor, Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
01:08Kanina na nakausap natin si Mayor Magalong at ang sabi nga niya ay wala naman daw deadline na ibinigay sa kanila si Pangulong Bongbong Marcos
01:16kung kailan dapat magbigay ng resulta yung Independent Commission for Infrastructure o ICI.
01:21Pero ito raw kanilang self-imposed deadline ay dapat within the next two weeks magkaroon ng resulta.
01:26At ang ibig sabihin daw ng resulta ay magkaroon ng mga tao na talagang lalabas at makakasuhan.
01:32Pero alam naman daw nila na medyo matagal pa ang proseso ng pagkakaso.
01:35Samantala, sabi ni Mayor Magalong, ay meron din silang maayos na pakikipag-ugnayan sa Sen. Blue Ribbon Committee
01:41na nag-i-investiga rin ngayon doon sa mga anomalya sa flood control projects.
01:45Ang sabi ni Mayor Magalong, kahapon nung pinayagan lumabas si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Bryce Hernandez
01:52na umuwi doon sa kanyang bahay para kumalap daw ng mga ebidensya ay kasama rin yung mga taoan ng ICI.
01:58At talagang mag-share daw sila ng kung anumang impormasyon ang makuha nila, anumang ebidensya.
02:04At itong si Hernandez din daw ay nag-commit na sa ICI na isusoli niya lahat ng mga nakuhan niya
02:09mula dito sa mga kinita niyang kickbacks dito sa flood control projects,
02:13pati daw yung mga sasakyan at kung ano pang pera ang kayang habulin ng gobyerno.
02:17Ang ipinakusap lang daw ni Hernandez ay huwag nang kunin ng gobyerno yung mga pamanan naman sa kanya ng kanyang pamilya.
02:24Samantala naman si Sen. Kiko Pangilinan, kanina nakapanayam din natin.
02:28Ang sabi naman niya, Pia, ay hindi daw siya naniniwala na parang hindi lumalabas sa qualified
02:33yung mga asawang diskaya, yung mga kontratis ng diskaya for witness protection program.
02:38Dahil sabi niya, sa pagdinig pa lang ng Senado, ay nakikita na nila na parang nagsisinungaling.
02:43Kaya daw paano pa mapagkakatiwalaan doon sa mga isisiwalat nila doon sa investigasyon ng gobyerno.
02:49Sa ngayon, Pia, ay maganda yung panahon dito sa Elsa Shrine.
02:56Kanina, mataas yung araw, ngayon medyo makulimlim na.
02:58Pero sana manatili yung ganitong panahon dito habang nagpapatuloy yung pagmarsya ng mga kababayan natin.
03:04Nakita natin, ibang-ibang sektor ito, merong mga from the religious sector, maraming estudyante,
03:09marami tayong nakita na mga Gen Z at millennial na nakina-hook dito sa rally na ito.
03:15Mula dito sa Elsa Shrine, Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:20Maraming salamat, Mav Gonzalez.
03:23At para po sa mas malaki misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan,
03:26ako po si Pia Arcangel ng GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
03:31Magpapatuloy po itong special live stream coverage ng GMA Integrated News sa aming YouTube at Facebook pages.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended