00:00Samantala, walang pati din ang pag-atid ng tulong ng Department of Health sa mga lugar na apektado ng Bagyong Uwan.
00:07Ayon kay Health Secretary Chiodoro Herbosa, kabilang sa kanilang gagawin ay ang pagdideploy ng National Health Workforce Support System
00:15kasama na ang doctors to the barrios sa mga evacuation center.
00:19Ang ulat mula kay Reyan Arinto ng PIA Eastern Visayas.
00:23Tiniyak ni DOH Secretary Ted Herbosa ang 24-7 na operasyon ng ahensya matapos hagupitin ng Super Bagyong Uwan ang Eastern Visayas kahapon.
00:39Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tutukan ang agarang paghahatid ng emergency at medical response sa mga naapektuhan ng kalamidad.
00:50Personal na naranasan na Secretary Herbosa ang tindi ng bagyo matapos siyang maabutan ng sama ng panahon habang nagsasagawa ng inspeksyon sa mga lugar na tinamaan naman ni Bagyong Tino.
01:02Siniguro na Secretary Herbosa ang agarang pagtatayo ng water, sanitation and hygiene facilities sa mga apektadong komunidad.
01:10Inihayag ng kalihim na handa ang Philippine Emergency Medical Assistance Team ng Eastern Visayas Medical Center sa kaling kailanganin ng tulong ng mga rehyong tinamaan ni Super Bagyong Uwan.
01:22Kasama rito ang deployment ng National Health Workforce Support System kabilang ang mga doctors to the barrios at ang nurses sa mga evacuation centers.
01:31So yung regional office will help pa in the mga gamot at saka mga wash, mga aqua tabs. Pero ang kailangan nila housing talaga. Housing at saka siguro really goods yung DSWD.
01:45So ikokonek ko naman. Anyway, this is utos ng President. I was also looking at their other needs, not only health needs. Housing talaga, pagkain and water.
01:54Samantala, agad nagsagawa ng clearing operations ang DPWH, katuwang ang mga tauhan ng PNP, BFP, PCG at mga LGUs sa mga kalsada at tulay na nabara ng bumagsak ng mga puno at mga poste ng kuryente.
02:10Tiniyak naman ang NGCP na may babalik agad ang supply ng kuryente, lalo na sa malaking bahagi ng Northern at Eastern Samar.
02:18Bagaman may mga nakapreposisyon ng food at non-food items, siniguro naman ng DSWD na nakahanda itong tumugon sa anumang pangangailangan ng mga LGUs.
02:29Mula sa DSWD Field Office 8, patuloy po kaming nakikipagugnayan sa lahat ng lokal na pamahalaan dito sa Eastern Visayas sa posibleng naging epekto sa ating mga pamilya at individual dulot ng bagyong uwan.
02:47Samantala nakahanda naman ang DSWD na tumugon at rumisponde sa posibleng pangangailangan ng ating mga komunidad at lokal na pamahalaan.
02:57Mula sa Tacloban City para sa Integrated State Media, Rayan Arinto ng Philippine Information Agency.