00:00Handang-handa na ang Department of Social Welfare and Development, Eastern Visayas,
00:04para maghatid ng tulong sa mga kababayan nating maaring maapektuhan ng Bagyong Tino.
00:08As of November 2, naka-pre-position na ang 121,231 family food packs,
00:1420,664 na non-food items, 18,473 na ready-to-eat food boxes at 4,950 na bote ng inumin ng tubig
00:24sa mga regional warehouse sa Region 8.
00:26Ang mga naturang relief supplies ay nakahandang ipamahagi bilang agarang augmentation sa mga local government units
00:34na posibleng maapektuhan ng masamang panahon.
00:37Matuloy ding minomonitor ng DSWD ang galaw na bagyo at nakahandang i-activate ang quick response team
00:43para sa mas mabilis na pagtugon sa oras ng pangangailangan.