Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, Nobyembre 9, 2025:


Bagyong Uwan, posibleng mag-landfall mamayang gabi o bukas sa gitnang bahagi ng Aurora


Malakas na ulan, hangin at alon, naranasan sa Daet, Camarines Norte


Bicol Region, unang nakaranas ng matinding hagupit ng Super Bagyong Uwan


Hagupit ng Super Bagyong Uwan, naramdaman din sa Eastern Visayas | Bangkay, natagpuan sa ilalim ng debris ng nawasak niyang bahay


Mahigit 180 pamilya, lumikas na mula sa 5 barangay sa Tanza, Cavite | Ilang residente, ayaw umalis


Forced evacuation sa mababang lugar, ipinatupad ng Cainta LGU


Mga residenteng nakatira malapit sa creek sa Quezon City, inilikas


Mga nakatira malapit sa Cagayan River, pinalikas na ng mga awtoridad | 3 gate sa Magat Dam, nagpapakawala na ng tubig


Naglalakihang alon, naranasan sa Aurora bago ang inaasahang landfall ng Super Bagyong Uwan


Ilang lugar sa Capiz at Iloilo, binaha | Mga residente, inilikas


BFP at mga rescuer sa Cabanatuan, nakahanda na para sa hagupit ng Bagyong Uwan


Mga residente ng Baguio, nangangamba sa banta ng landslide | Kennon Road, pansamantalang isinara dahil sa bagyo


Mga taga-Ilocos Sur, maagang lumikas habang hindi pa ramdam ang hagupit ng bagyo


Super Typhoon Uwan, inaasahang daraan sa Polillo Island bago mag-landfall sa Aurora, ayon sa PAGASA24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Super Typhoon 1
00:30Ang tulay ng PNR sa Ginubatan Albay, tumagilid.
00:39Naglalaki ang alon, pumampas sa dalampasigan.
00:45Storm surge o daluyong, naranasan sa iba pang lugar.
00:49Ang latest sa Super Bagyong 1 na maglalangol ngayong gabi, tutukan.
01:00Buhang pwesta pa rin nakatutok ang GMA Integrated News sa iba't ibang bahagi ng bansa
01:11para alamin ang sitwasyon sa mga lugar na hinagupit ng Super Bagyong 1.
01:16Pati ang paghahanda sa mga lugar na tutumbukin pa lang ng Super Bagyo,
01:21ang pinakabalakas na bagyo sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.
01:25Mga kapuso, ang inyo pong nakikita ay ang satellite image ng Super Typhoon 1
01:33na sakot na ang halos buong bansa.
01:35Patuloy na binabayo ng Super Typhoon 1 ang Bicol Region
01:38habang kumikilos palapit sa Aurora at Polilio Islands.
01:43Iba yung ingat po, mga kapuso.
01:46Magdamag hinagupit ng malakas na hangin at ulan ang Bicol Region
01:50dala ng Super Typhoon 1.
01:52Sa Kamarines Norte, nagtumbahan ang mga poste kaya walang supply ng kuryente sa probinsya.
01:57At mula sa diet, Kamarines Norte, nakatutok live si Darlene Kai.
02:02Darlene.
02:05Pia Ivan, grabe ang lakas ng hanging dala ng Super Typhoon 1 dito sa Kamarines Norte.
02:12Pabogso-bogso rin ang buhos ng malakas na ulan kaya wala ng kuryente sa buong probinsya
02:16at pahirapan na rin ang komunikasyon dito.
02:22Ganito kalakas ang hanging dala ng Super Typhoon 1 sa diet, Kamarines Norte.
02:29Buong araw, binayo ng malabuhawing hangin ang buong probinsya.
02:34May storm surge warning o bantanang daluyong dito.
02:37Sa sobrang lakas ng alon, humampas at umawas na yan sa isang bahagi ng sea wall.
02:42Sa gitna ng bagyo, may mga residente yung pumunta sa dalampasigan para tignan ang lagay ng dagat.
02:47May dagat, ma'am.
02:49Tingin namin kung baka kung maglakas pa, ang masyado ay likas na.
02:53May mga residente pa rin kasing hindi lumikas kahit nagpatupad na ng sapilitan o forced evacuation sa diet kahapon.
03:01Tulad dito sa barangay Magaspas kung saan umaga pa lang, lubog na sa hanggang binting baha ang mga bahay.
03:07Matsyagaring nag-ikot ang mga kauni ng barangay para kumustahin ang nanatili sa kanilang bahay.
03:11Rubbing-rubbing po, kalim po akong barangay hole.
03:14Pinapunta ko dito ni Kap at tingnan yung mga kasama namin dito.
03:16Bakit ayaw niyo pa pong lumikas?
03:19Yung iba naman na mga malit na bata, nakalikas na natsa kabilang bahay.
03:23Dito lang po kami nagbabantay at yung mga gamit.
03:26Sunod-sunod na pinatumba ng malakas na hangin ang mga poste ng kuryente.
03:31Umaga pa lang, wala ng kuryente sa Camarines Norte.
03:34Natumba rin itong poste ng ilaw.
03:36Sa lakas ng hangin, nagliparan ang mga kable at lumaylay din ang mga kawad.
03:42Pahirapan tuloy ang pagdaan sa Bagas Bus Road.
03:44Pero may mga sasakiyang nangahas at nakipagpatintero sa mga kable.
03:49Agad din nag-ikot ang mga kauni ng Canelco o Camarines Norte Electric Cooperative Incorporated
03:53para putulin ang mga lumaylay na kable.
03:56Ilang puno at halaman ang natumba.
03:59Nagliparan ang ilang yero.
04:01Pinulot ang isa ng nagmalasakit na residente.
04:03Papunta po kami doon sa bahay nila. Nagchecheck lang po kami doon sa bahay nila.
04:08Tapos nakita lang po namin ito dito sa daan.
04:10Eh baka po hanginin. May mga aksidente.
04:13Sa gitna ng pagbagyo ng Bagyong Uwan, lumikas ang lalaking ito kasamang isang bata papunta sa evacuation center ng Barangay Kalasgasan.
04:21May mga senior si Rezena mag-isang lumikas sa evacuation center.
04:25Nagpaiwan daw ang kanilang mga kaanak para magbantay ng kanilang bahay.
04:28Kakahalas at baka magbaha. Malakas balita naman po ay mag-tigil man ito.
04:36Takot po ako tayo. Siyempre yung anak ko yung nag-isa.
04:39Kaya lang sabi niya sa akin, kaya ko naman pa.
04:43Kahapon nag-force evacuation tayo at may ilang pa din pong pilit na hindi lumikas.
04:49So yung mga ngayon po, pinapasundo na po natin sa mga barangay.
04:53Pero starting po kanina, nag-advise din po kami na no movement na hanggat maaari po.
05:00Sapagkat hindi na po ito safe, maaaring may mga yero na po na parehas po nito na ano natin na maaaring lipa rin.
05:12Ivan, wala pang naitatalang casualty o nawawala rito.
05:15Pero ayon mismo sa PDRRMO ay posibleng maraming iba't ibang klase ng reports
05:19ang hindi pa nakakarating sa kanila dahil nga bagsak ang cell signal dito.
05:24Yan ang latest mula rito sa Daet Camarines Norte. Balik sa iyo, Ivan.
05:28Ingat at maraming salamat, Darlene Kai.
05:33Bineberipikano Office of Civil Defense ang isang naitalang nasawi sa probinsya ng Catanduanes
05:37na unang hinagupit ng Super Bagyong One.
05:41Nakatutok si Mav Gonzalez.
05:47Halos lumunin ng malaking alon ang mga bahay sa barangay Sikmil sa Gigmoto, Catanduanes.
05:52Dahil sa tindi ng hampas ng tubig, mabilis na binaha ang kalsada.
05:58Oh!
05:59Kumambalos naman ang napakalaking alon sa barangay J.M. Alberto sa Baras, Catanduanes.
06:04Iyan na yung tubig.
06:07Kita kung paano mabilis na pinasok ng tubig ang mga pahay sa naturang barangay.
06:13Halos mag-zero visibility habang binaba yun ng malakas na hangin at ulan ang barangay Ibong Sapa sa Bayan ng Virak.
06:20Sa tindi ng hangin, kita kung paano pumagaspas ang punong yan.
06:23Umaga pa lang, ramdam ang epekto ng bagyo sa lalawigan.
06:29Para dagat na dito.
06:31Dahil sa hagupit ng bagyo, umapaw na sa kalsada ang tubig mula dagat.
06:36Ayon sa PDRMO, kritikal ang sitwasyon sa ilang kustal barangay.
06:40Nasira na rin daw ang seawall sa lugar.
06:42Nagmistula na rin dagat ang mga kalsada.
06:51Tila sumasayaw rin ang mga ponos sa PNP Provincial Headquarters.
06:58Pinig din ang pagsipol ng hangin.
07:06Sa barangay San Vicente, umalingaw nga wang abisong paglikas ng mga residente.
07:12Dahil sa hagupit ng bagyo, nagpatupad ng force evacuation ang iba't ibang munisipyo sa Katanduanes,
07:17lalo na ang mga nasa high-risk area.
07:20Ligtas namang nailikas ng Philippine Coast Guard ang limang stranded na idibindwal sa barangay Gogon.
07:25Sa ngayon, nakaalerto ang mga deployable response groups ng Coast Guard District Bicol
07:29para sa mga mga ngailangan ng tulong.
07:32Dahil sa hagupit ng bagyong uwan,
07:34sinusipin din ang kaap ang operasyon sa ilang paliparan gaya sa Virak Airport at Bicol International Airport.
07:40Sa bayan ng Panda, naggalat ang mga kahoy at yero mula sa mga nasirang istruktura dahil sa lakas ng ulan.
07:48Naramdaman din ang hagupit ng bagyo sa ibang probinsya gaya sa Garcitorena Camarines Sur.
07:52Halos mag-zero visibility rito dahil sa lakas ng hangin at ulan.
07:57Naggangalit ng mga alon ang humampas sa dalampasigan.
08:01Sa bayan ng Karamoan, inabot ng tubig mula sa dagat ang mga kabahayan.
08:05Pinatumba na rin ang ilang puno sa lugar.
08:08Halos maubos naman ang mga sanga at dahon ng mga puno sa Daet Camarines Norte.
08:13Nagtumbahan ang mga poste sa paligid, kaya sa ngayon, walang supply ng kuryente sa buong probinsya.
08:19Naggalat naman sa kalsada ang mga nagbagsakang sanga ng mga puno sa bayan ng Labo.
08:27Binayo rin ang malakas na hangin at ulan ang probinsya ng Albay.
08:30Pinasayaw ng malakas na hangin ng mga puno.
08:33Ang mga puno ng saging, natumba na.
08:36Sa boundary ng barangay Maipon at barangay San Rafael sa bayan ng Ginobatan,
08:40tumagilid ang tulay ng PNR railways dahil sa lakas ng ragasanang baha.
08:45Nagmistulan namang ilog ang mga kalsada sa barangay Masarawag
08:48dahil sa baha na may halong debris at mga bato mula sa Bulkang Mayon.
08:53Binaharin ang mga bahay sa bayan ng Pulanggi.
08:56Kita ang pag-agos ng tubig sa labas ng munisipyo.
08:58Nasa apat na libong residente ang inilikas.
09:01Limang daan ang nag-evacuate sa isang simbahan tuon.
09:04Sa bayan ng Piyoduran, nabalot din ang baha ang mga kalsada.
09:08Malakas din ang alon sa mga dalang pasigan.
09:12Tanaw rin ang malakas at mataas na alon sa postal area sa Esperanza Masbate.
09:16Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, nakatutok 24 oras.
09:21Isa ang naiulat na nasawi sa Katbalogan City, Samar,
09:25sa gitna ng pananalasan ng Superbagyong Uwan.
09:27At nakatutok live si Niko Sereno ng GMA Regional TV.
09:32Niko.
09:34Ivan, matinding pagulan at malakas na hangin ang naramdaman ng mga taga-eastern Visayas,
09:40epekto ng Bagyong Uwan.
09:41Maagang nagpatupad ang Kalbayog City LGU ng preemptive evacuation sa mga nakatira sa danger zones.
09:52Ayon sa LGU, marami naman ang sumunod.
09:55Number one siguro, experience nila with the past typhoon.
10:00The upong kay makusugan ng hangin, then the ramil, the last flood, then the Tino,
10:07ang nakita natin sa social media.
10:09So nagiging awareness nila.
10:12And of course, and support lots sa different agencies, national and local agencies,
10:17for the preparation sa natin mga evacuation center.
10:23Mag-aalauna ng madaling araw nang naramdaman doon ang Bagyong Uwan.
10:28Sa lakas ng hangin at ulan, tila nagsayawan ang mga puno.
10:33Nawalan din ng supply ng kuryente sa lungsod.
10:36Sa Giwan Eastern Samar, biglang tumaas ang baha sa barangay Trinidad sa Tubabaw Island kagabing.
10:46Sa UEP Katarman Northern Samar na kinasasakupan ng tatlong barangay,
10:52agad nagpatupad ng forced evacuation sa mahigit dalawandaang individual.
10:59Sa lakas ng hangin, natuklap ang parte ng bubong ng barangay Kawayan Covered Court
11:04na malapit sa isang evacuation center.
11:10Sa Katbalogan City Samar, nawasak ang mga istruktura sa gilid ng dagat
11:15dahil sa pagtaas ng tubig.
11:19Sa Pier 2, barangay 3, natagpuan ang isang bangkay sa debris nang nawasak niyang bahay.
11:26Ivan, ngayong hapon ay gumanda na ang panahon dito sa Katbalogan City
11:35at sa malaking bahagi ng Eastern Visayas, tunila ng ulan.
11:39Pero paminsan-minsan ay higing mahangin pa rin dito sa ating kinalalagyan.
11:42Ivan?
11:42Maraming salamat, Nico Sereno, ng GMA Regional TV.
11:48Bagpaman marami ng lumikas, may mga taga-Kavite na ayaw iwan ang kanilang mga tahanan.
11:53Sa kabila po, ng banta ng Super Bagyong One.
11:56At mula sa tanza, nakatutok lahat si Nico Wat.
12:01Nico?
12:02Pia, lumikas na ang maraming residente rito sa Tanza, Kavite.
12:10Nakaramihan ay nakatira sa tabing ilog at syaka sa tabing dagat.
12:14Lalo at nakataas ang signal number 3 sa buong probinsya.
12:17Isa-isa nang lumikas sa mga residente sa Puroksyete, Barangay Santol, Tanza, Kavite.
12:32Ang pamilya Agurilya inuna ang paglikas sa kanilang lola.
12:36Dedikado na yung panahon.
12:40Ayoko naman rin rin yung buhay ng nanay ko.
12:43May ilang residente na naghahanda na rin ang gamit.
12:46Sir, di ba yung panahon?
12:47May ililigas.
12:48Pagka ano na lang, magmalakas na kasi yung ulan.
12:50Magmalakas na.
12:51Eh, di ba mas mahirap yun?
12:53Hindi naman hinakabot dito eh.
12:55Doon lang talaga sa pinakambaba doon.
12:58Isa lang ang maliit na ilog na ito dito sa Puroksyete sa Barangay Santol sa dinadaluyan ng tubig dito sa Tanza, Kavite.
13:04At kapag malakas at tuloy-tuloy ang pag-ulan, umaapaw ang ilog na ito.
13:09At mas lalo pang lumalaki ang tubig kapag umapaw na rin ang mas malaking ilog sa kalapit lang nito.
13:14At itong kinakatayuan ko, kasama ang mga saging, nawawala dahil sa laki ng tubig.
13:21Sa Santol Elementary School muna, pansamantalang tumutuloy ang nasa limampung individual.
13:25Marapit po kami sa ilog, napapalibutan po kami ng tubig, kaya po kami nandito.
13:30Kasi nung nakaraang bagyo po, binaha po kami, abot po sa taas namin, abot ng hagdan.
13:38Lapas na ako po.
13:40Bandang alauna ng hapon, ramdam na ang sama ng panahon sa Barangay Amaya Cinco.
13:45Isa rin ito sa mga coastal barangays ng Tanza.
13:47Marami sa mga bangka itinaas na.
13:50Ang ilang bahay sa Dalampasigan, itinali na rin.
13:52Kasi yung bahay ko, diyan nagmula yan. Laging sira ng bagyo.
13:57Siguro mga 6-7 buhat na ang bahay ko.
14:04Repair na lang na repair.
14:06Wala rin daw kasi siyang balak lumikas at tanging mga anak at ako lang ang dadalhin sa evacuation center.
14:12Talaga hindi ko iniwan na aking kabuhayan ko, diyan lang ang buhay ko.
14:15Sa buong Tanza, 182 families na ang lumikas mula sa limang barangay.
14:21Nagsagawa naman ang forced evacuation ng Paco or LGU, kasama ang isang bedriden na matandang babae.
14:28Sa Cavite City, bantay sarado na ang mga nakatira sa coastal barangay at handa na rin ilikas kapag kinakailangan.
14:33Pia, mas malakas na ang pastang alon at ang hangin dito sa bahagin ito ng Amaya Cinco sa Tanza, Cavite.
14:43At namayang bandang alas 6 ng gabi ay may nakatakdaring high tide, kaya inaasahan ang tubig dagat ay posibleng umabot sa mga kabahayan.
14:52Yan muna ang latest mula rito sa Tanza, Cavite. Balik sa iyo, Pia.
14:55Marami salamat, Nico Wahe.
14:59Sa gitna ng paghahanda para sa bagyong uwan, pinasok na magnanakaw ang pump station sa Cainta Rizal.
15:05Mula sa Cainta Rizal, nakatutok live si Ma Gonzales.
15:09Ma'am.
15:12Ivan, ayon kay Mayor Kit Nieto ay hindi na nga mapapakinabangan ngayong araw yung ninakawang pump nila dito sa Park Place Cainta Rizal.
15:20Dahil din nga tuloy-tuloy yung mga pagulan ngayong hapon ay saplitan ng inilikas.
15:24Yung mga nasa mababang lugar, gaya dito sa Barangay Santo Domingo.
15:31Bago pa dumilim at dumakas ang ulan dala ng bagyong uwan,
15:34nag-ikot ang track ng lokal na pamahalaan ng Cainta para hakutin ang mga bata, babae at nakatatanda.
15:41Nagpatupad na ng forced evacuation sa ilang mababang lugar gaya ng Barangay Santo Domingo.
15:46Pero may ibang hindi lumikas.
15:47Kaya dito ang gabaiwang, pero dito sa amin hanggang dito lang.
16:12Habang naghahanda ang mga tagakainta para sa bagyo, sumalisi at pinasok ng magnanakaw ang pump station ng bayang sa Park Place kagabi.
16:20Ginupit nila ang steel batting.
16:22Tinanggal lahat ng tanso, pinutol ang mga kawad at kinuha ang mga baterya ng generator.
16:27Ayon kay kainta Mayor Kit Nieto, pinapuntahan na ito sa installer para magawa ng paraat at umabot sa pagbayo ng bagyo.
16:35Aniya, nakakagalit at hindi niya ito mapapalampas.
16:38Mabibigay si Nieto ng 300,000 pesos na personal niyang pera bilang reward sa makapagtuturo ng gumawa nito.
16:45Pinalagyan na rin daw ng 24-hour security lahat ng iba pang pump stations ng kainta.
16:51Sa Marikina City, nakapwesto na ang mga bangka na gagamitin sa posibleng pagresponde sakaling bumaha sa Barangay Santo Nino.
16:59Nakahanda na rin ang mga nakatira malapit sa Marikina River sakaling magkaroon ng evacuation.
17:04Nakatayo na ang mga tents sa H. Bautista Elementary School na isa sa mga pangunahing evacuation centers sa Marikina.
17:11Kayang tumanggap ng mahigit 3,000 evacuees dito.
17:1424-7 naman nakamonitor ang Rescue 161 para magbigay ng real-time updates at agarang abiso sa mga taga Marikina.
17:25Ivan, balik dito sa kainta sa ROTC area para niyang naitala na baha na abot tuhod.
17:30At samantala, suspendido ang klase sa lahat ng antas, parehong pampubliko at pribadong paaralan bukas at sa Martes.
17:37Bukas naman ay suspendido ang trabaho sa lahat ng mga offices ng gobyerno.
17:41Ivan?
17:42Ingat, maraming salamat.
17:43Mav Gonzalez.
17:44Nagsimula na lumikas ang mga residentes sa Quezon City na nakatira malapit sa mga creek.
17:50At nakatutok live si Dano Tincunco.
17:54Dano?
17:54Pia, bilang paghahanda nga sa Super Baguio 1, ay kahapon pa lang meron na mga lumikas at nanunuluyan sa mga evacuation center tulad nitong sa barangay Old Capital Site sa Quezon City.
18:12Isa sa kanila ang pamilya ni Judy Virtuso na ang bahay malapit lang sa basketball court na itong ginawang evacuation center.
18:23Ang bahay nila katabing katabi lang ng creek sa gilid.
18:26Mababaw pa ang tubig sa maghapon pero kahapon pa lang daw kahit maaraw pa nasa evacuation center na sila matapos matroma nang biglang pumasok ang tubig sa bahay nila sa kasagsaga ng ulan noong Oktubre.
18:38May pubya na rin kami pagdating ng oras ng ulan-ulan lang, konting tubig. May pubya na lalo na yung asawa kong na stroke.
18:47Mahirapan po, pinasaan po nila yung asawa ko. Tapos yung mga gamit namin puro basa lahat kasi parang bigla yung tubig.
18:55Ang basketball court na ito, isa sa hindi bababa sa limang pasilidad ng barangay na kinonvert na evacuation center.
19:02Punoan na dito kahit sa ibang lugar. Pero ayon sa mga taga-barangay, marami man ang lumikas, may ibang tinatansya pa raw ang sitwasyon.
19:10Yung iba nagsisiguro, kumukuha ng tent pero hindi muna doon tumutuloy.
19:15Discarding nilinaw ng barangay, bawal at hindi patas sa mga talagang nangangailangan.
19:20Hindi dapat yun. Kasi sino yung dapat talaga nangailangan, yun ang bigyan. Kasi nga, nangyayari nga ganun, may tent pero wala naman tao. Kaya may ikutan namin mamaya na dapat nasa olob sila ng tent.
19:34Sa lahat ng mga barangay sa Quezon City na may evacuee, Old Capital Site ang may pinakamarami sa nasa 120 na pamilya o mahigit 500 na katao.
19:43Isa ng evacuation center na punuan kaagad ang barangay Bagong Silangan. Isa sa mga lugar na madalas bahain tuwing matagal ang pagulan.
19:51Sa pag-iikot namin sa ilang mga lugar sa Quezon City, mababaw pa at wala pang gaanong epekto ang maghapong ambon sa ilang mga estero at creek tulad sa E. Rodriguez at Rojas District.
20:01At Pia, yung maghapon na pag-ambon na minsan medyo lumalakas, humihina, e yan pa rin ang lagay ng panahon hanggang sa mga oras na ito.
20:14Bagamat kaninang mga dapat hapong bago lumubog ang araw, e nakaranas tayo ng konting lakas ng hangin dito sa ating pwesto sa Brangay Old Capital Site sa Quezon City.
20:24Pia?
20:26Maraming salamat, Danutin Kungco.
20:28Sa Isabela, mabilisan ang pagpapalikas dahil ngayong gabi, naasahan po ang pagdaan ng Super Bagyong Uwan.
20:36Mula sa Santiago, Isabela, nakatutok live si Jun Beneracion.
20:40Jun!
20:44Iban, pahirapan ang forced evacuation ng mga otoridad dito sa lalawigan ng Isabela dahil ang ilang residente ay hindi bakuha sa pakiusapan.
20:54Problema yan dahil sa mga gantong pagkakataon, oras ang kalaban.
20:58Matatanda at mga bata, sila ang mga nakatira malapit sa Cagayan River na inuna sa isinagawang forced evacuation sa Ilagan, Isabela.
21:11Bakit po ba nung una ayaw niyo pa?
21:14Kasi po yung mga gamit na namin po.
21:16Nasa kaso po?
21:17Doon po.
21:18Wala kasi mag-ganong akyat po.
21:21Kailangan mabilisan ang paglikas habang may panahon pa.
21:25Mamayang gabi kasi, inaasahan sa Isabela ang hagupit ng Super Typhoon Uwan.
21:29Pag nagdilim na, ang hihirap talagang mag-responde.
21:36Kaya, kawawa yung mga bata ama mo.
21:39Pero may mga residente na hindi makuha sa isang pakiusapan.
21:43Kapag napapayag naman, parang buong bahay ang gustong isama sa paglikas.
21:47May mga residenteng nagputol na ng mga puno at mga sanga na maaring matumba at bumara sa kalsada bago pa man tumama ang bagyo.
22:17Mahigit pitong libo na ang evacuees sa buong probinsya na nasa ilalim ngayon ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 4.
22:25Pero habang wala pang malakas na ulan at hangin, nagbukas ng isa pang gate ang Magat Dam.
22:30Tatlong gate na ngayon ang sabay-sabay na nagpapakawala ng tubig.
22:33Ang tubig na pinapakawala ng Magat Dam dito dumadaan.
22:37Ang tawag dito ay Maris Dam.
22:40November 6, nang unang magbukas ng isang gate ang Magat Dam.
22:44Sumunod, naging dalawa noong November 7.
22:47Kailangan dito gawin bilang paghahanda dito nga sa Bagyong Uwan.
22:52Ang dahilan kung bakit tayo nagpapakawala ng tubig,
22:54para mas maraming ma-store, ma-contain, ma-ipon yung ating dam.
23:01Pag dumating na yung malakas na pagulan, hindi makadagdag sa baha dito sa downstream ng ating dam.
23:08Nagpadala na ng karagdagang tropa at kagabitan ng armed forces dito sa Northern Luzon
23:20para palakasin ang kanilang disaster response capability.
23:25Ivan.
23:25Ingat, maraming salamat.
23:27June Benarasyon.
23:29Todo alerto na rin ang mga taga-Aurora dahil doon po inaasahang direct ang tatama ngayong gabi,
23:34ang Super Typhoon.
23:36At mula sa Baler Aurora, nakatutok live.
23:38Si Ian who?
23:41Ian?
23:44Pia, ngayon nga ay nagsisimula na ang napakalakas sa pagulan dito sa Aurora
23:48at ngayong gabi nga inaasahan ng landfall ng Super Bagyong Uwan dito.
23:52Malakas na storm surge na may kasamang high tide at malakas sa pagulan
23:56ang inaasahang magpapasidhiraw sa sitwasyon.
23:59Maaga pa lang, naglalaki ang alon ng naranasan sa Sitio Ampere sa Dipakulaw Aurora
24:10mula Pacific Ocean.
24:12Sumampana sa National Road ang tubig na may kasama pang bato.
24:16Sarado na po itong Sitio Ampere, itong National Road
24:19dahil nga po napakalalakas ng mga alon dito
24:22kahit po yung mga bato ay tinatangay dito sa kanilang National Highway
24:27kaya po isolated na ngayon yung papunta ng Bayan ng Kasigura
24:30dahil ito lamang po ang tanging daan papunta doon.
24:34Ang mga taga Philippine Coast Guard ang naglikas sa mga residente.
24:39Sa Sabang Beach sa Baler, malalaki din ang alon na humahampas sa seawall.
24:44Yan o, Jay, alaki o yung kasunod.
24:46Ako! Alaki!
24:49Dambuhala ang mga alon sa dagat sa Baler.
24:51Kuha ito pasado tang hali kanina.
24:54Sa Sitio Semento sa Barangay Zabali,
24:56isang lalaki ang nasaktan ng mahulog mula sa itinataling bubong.
25:01Natali ako ng bubong, nadulas, basa na yung bubong.
25:05Nagpatupad ng force evacuation sa kasagsagan ng paglaki ng alon sa coastal areas.
25:10Nagbahay-bahay na ang mga polis.
25:13Ay para po, safety daw po ang mga tao.
25:16Yung alon daw po ay malaki daw po ang storm surge.
25:19Ito pag naka-evacuate na yung mga tao dito, evacuated areas na ito,
25:22lalagyan namin ang tao ito para masecure din yung mga properties na mga kababayan natin na lumikas.
25:28May ginpilunda na pamilya na.
25:30Ang inisyal na naitalang lumikas mula sa mga critical area.
25:34Ayon sa PDRRMO, bukod sa lipakulaw,
25:37naglalakihan din ang alon sa bahagi ng Barangay Paltig.
25:40Nagpulong-tulong ang mga residente na hataki ng pangka.
25:44Ang pinangambahan ngayong gabi, magsabay ang storm surge, high tide at malakas na ulan.
25:50Maaring umabot ng 6 hanggang 8 metro ang taas ng alon katumpas ng tatlong palapag na gusali.
25:56Parang ang nakikita ko po ay yung nangyari nga po sa Cebu o yung sa Yulanda.
26:03Alos ganun po ang napi-picture ko po pero huwag naman po saan ang mangyari.
26:07Nasa bansa na rin ang tanyag na storm chaser na si Josh Morderman
26:13para sundan ang galaw ng superbagyong uwan.
26:29Nasa Aurora rin ang storm chasers ng pag-asa.
26:37Nasa PDR o ng Aurora ay inaasahang alas 8 ng gabi ngayon natatama ang sentro ng bagyong uwan dito sa Aurora.
26:47Kaya naman dahil may malakas pa nga ng mga pag-ulan na kaakibat,
26:50ay talaga magbabantay sila ng magdamag.
26:52Yan muna ang latest mula rito sa Valer Aurora.
26:56Balik sa'yo, Pia.
26:56Ingat kayo, Ian, at mukhang lumalakas ng ulan dyan. Maraming salamat sa'yo, Ian Cruz.
27:02Pinahapong ilang lugar sa Capiz at Iloilo, Bonson ng Superbagyong Uwan.
27:08At live mula sa Rojas City Capiz, nakatutok live.
27:11Si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
27:14Kim?
27:14Ivan, kahit signal number one lang sa probinsya ng Capiz at Iloilo,
27:19naramdaman pa rin ang epekto ng bagyong uwan simula kagabi hanggang kanilang madaling araw.
27:25Dito sa Rojas City, may mga residenteng inilikas sa lakas ng hangin at alon sa dagat na nagresulta ng pagbaha.
27:34Malakas ang ulan sa Rojas City Capiz kagabi.
27:36Kaya binaha ang ilang barangay, lalo na ang malapit sa dagat.
27:39Sa video na ito, nakuha ng residente ng barangay 7 hanggang tuhod ng baha.
27:44Hindi madaanan ng mga motorista ang kalsada dahil sa taas ng baha.
27:47Agad din nilikas ng CDRMO ang mga residente.
27:51Binaharin ang barangay Punta Barra.
27:53Kinabot din ang alon ang kanilang basketball court.
27:55May mga nasirang bahay sa baha sa bayan ng panayan.
27:58Sa barangay Gintikgan sa Carles, nawasak ang mga sasakyang pandagat dahil sa malakas na hampas ng alon.
28:04Malakas din ang hampas ng alon sa barangay Dayhagan at Lantangan
28:08na ayon sa MDRMO Carles ay dala ng pinaghalong storm surge at high tide.
28:14Sa Negros Oksadental, halos lipa rin ang malakas na hangin ang mga bahay sa Manabla na malapit sa dagat.
28:20Ivan, pansamantalang si Raspindi ang sea trips sa probinsya ng Iloilo,
28:24gayon din sa Aklan at Northern Negros Oksadental.
28:27Mahigit walong daang pasahero ang naiulat na stranded ayon sa PCG.
28:33Ivan, ingat, maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
28:40Hingin po tayo ng update sa paghanda sa Nueva Ecija live mula kay Marie Jumali.
28:45Marie, kamulitagan?
28:46Pia, narito ako ngayon sa malapit sa Baldefuente Bridge.
28:54Ayan, makikita ninyo sa aking likuran dito sa Kabanatuan Nueva Ecija
28:58kung saan matatanaw o di kaya maaaninag itong Pampanga River
29:02na isa sa apat na ilog dito sa Nueva Ecija
29:05na masusim binabantayan ng lokal na pamahalaan
29:08dahil sa posibleng pag-apaw ng tubig rito kasunod nga ng pananalasa ng Super Typhoon 1.
29:12Sa ngayon ay tumila yung malakas na ulan pero napakalakas ng hangin
29:17at isinailalim na nga sa signal number 4 ang buong lalawigan ng Nueva Ecija.
29:25Inabutan naming nagpupukpuk ng kahoy sa bintana si Tatay Arnel
29:29pagkatapos kumpunihin ang bubong para patibayan ang kanilang bahay
29:32bilang paghahanda raw sa Super Typhoon 1
29:35lalot isang barangay isla sa Kabanatuan City
29:37sa pinakamabalis na bahain pag may nananalasang bagyo.
29:41Noong nakaraang bagyong lando umabot daw ng hanggang 10 talampakan ang taas ng baha
29:46pero kung pinili ni Tatay Arnel na manatili sa bahay
29:49may iba na mas minabuting lumikas sa mas mataas na lugar.
29:53Nakastandby na ang mga taga Bureau of Fire Protection at mga rescuers
29:56sakaling kailanganin.
29:58Nakaposisyon na rin ang mga heavy equipment sa hazard prone areas.
30:02Nagsagawa na rin ang preemptive evacuation
30:04ang mga lokal na pamahalaan lalo na sa mga barangay malapit sa mga ilog at creek
30:09para maiwasan nga yung mga insidente ng pagkalunod.
30:13Samantala Pia, sinasabi ng PDRRMO na posibleng bandang alas 8 hanggang hating gabi mamaya
30:18mananalasa yung Super Typhoon 1 dito sa Nueva Ecea
30:23kung saan mararanasan yung intenso torrential rains.
30:25At nagpaalala ang PDRRMO sa lahat ng mga residente na nakatira
30:29lalo na malapit sa may ilog na sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan
30:35at gayon din ay agad na lumikas kung kinakailangan.
30:38At yun ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Nueva Ecea.
30:41Balik sa Iupia.
30:43Marami salamat, Marie Zumali.
30:47Landslide ang pinangangambahan ng mga taga Baguio City
30:50sa pananalasa sa bansa ng Super Typhoon 1.
30:53At mula sa Baguio City, nakatutok live si Jonathan Randall.
30:57Jonathan!
31:00Ivan, sabi ni Mayor Benjamin Magalong, mamayang alas 10 ng gabi
31:03pinakamararamdaman ang Bagyong Uwan dito sa Baguio City.
31:10Nasa likod lang ng tourist spot na Diplomat Hotel ang bahay ni Zenayta.
31:15Lumikas na siya kanina sa takot sa Super Bagyong Uwan,
31:18lalot nasa tabi lang ng bangin ang bahay nila na kapag inulan ng husto,
31:21posibleng gumuho.
31:22Ang lupa sa gilid ng bahay nila sa Barangay Dominican, Mirador sa Baguio City,
31:26tinapalan na lang ng trapal pang proteksyon.
31:28Sabi ng kapitan ng barangay, hindi na talaga ligtas tirahan ang bahaging ito
31:32na nasa likod ng Diplomat Hotel.
31:33Yung diretsyo na po yung ulan, siyempre po lalambot talaga yung lupa.
31:38Opo, tapos?
31:39Wala po, bibigay na, bibigay po ito.
31:41O, kasi ito, tinan nyo.
31:43Hindi na po pwede.
31:44Nasa gilid na po kasi talaga sila ng bangin eh.
31:47Sana po huwag nang pumunta dito, malusaw sana naman po.
31:50Actually, hindi safe ito sir, kasi ito yung landslide noon.
31:54So, nilagyan lang ng konting pang mitigation para hindi ba tuluyan.
32:00Pero sabi nila, saan po kayo, kami yung namin ililipat.
32:04Actually, may pinabis naman ng city government na parang bahay na lilipatan nila.
32:11Pero until now, wala pa nga naman.
32:13Oongoing pa yung pagtatayo ng mga bahay.
32:17Kaya hindi readily available yung paglilipatan nila.
32:20Kaya doon pa rin sila.
32:22Take us about two years pa para matapos talaga yung socialized housing namin.
32:27Hinaing din nila ang tatlong pine trees na ito na gusto na raw nila ipaputol
32:30dahil may guho na ng lupa sa ibaba at posible raw mabagsakan ang mga bahay.
32:34Sabi ni Mayor Magalong, puputulin nila yan.
32:36Sa ngayon, labing apat na pamilya na ang lumika sa Baguio City.
32:39Karamihan dahil sa takot sa landslide.
32:41Dahil team sa banta ng landslide, sinara na ang Kennon Road.
32:44Habang na po napila ng mga sakyan dito.
32:46Ang sinasabi po ng mga polis sa mga motorista,
32:48kung hindi kayo residente sa Camp 7 pababado sa Lion's Head,
32:51ikot kayo tulad nito, iikot pa punta doon sa may Marcos Highway doon ng daan.
32:56Kasi doon po sa may Kennon Road, may banta ng gumuguhong lupa,
33:01pagbagsak ng mga bato, tsaka debris, lalo pat may paparating na Super Typhoon 1.
33:07Sa Lion's Head, wala ng mga turista. Sarado na rin ang mga tindahan.
33:10Ang mga taho vendor, nagkusang alisin ang mga konkretong barrier dito
33:14para hindi makadiskrasya pag bumagyo.
33:20Yan muna ang latest mula rito sa Baguio City. Balik sa iyo, Ivan.
33:24Maraming salamat, Jonathan Andal.
33:26Maagang lumikas at naghanda ang mga taga-Ilocosur bago pa man ang pagtama ng Bagyong Uwan.
33:33Alamin po ang sitwasyon doon sa live na pagtutok ni Rafi Pima.
33:38Rafi?
33:41Buong maghapon na PIA ay naging makulimlim dito sa Ilocosur
33:44at habang hindi pangaramdam itong si Bagyong Uwan,
33:46ay sinamantala na ito ng ili-residente para sa pre-emptive evacuation.
33:50Nagmamadalin sumkay ang pamilya ni Dexter sa Police Mobile ng Tagudin Police.
33:58Nagdesisyon na silang paunahing lumikas sa mga babae at mga bata
34:01dahil sa baba lang magiging malakas ang paparating ng Super Typhoon Uwan.
34:05Malakas na ito nga na eh. Super Typhoon daw po eh.
34:08Pero nagpaiwan si Dexter para tapusin ang pagtatali ng kanyang bahay.
34:13Doon nakaraang malakas na bagyo,
34:15tinangay daw ang bubong ng kanilang bahay kaya ayon na niyang magpakakampante.
34:20Malapit lang sa dalampasigan ng Barangilibtong ang bahay ni na Dexter.
34:24Bagaman malayo pa ang bagyo, malalakas na ang along humahampas sa dalampasigan.
34:28Ang PDRRMO ng Ilocosur,
34:30nagpapasalamat na tila lumihis pa baba ang Super Typhoon Uwan
34:33at hindi na direktang tatama sa kanilang probinsya.
34:36Sumilip pa nga bahagyang araw kanilang umaga.
34:39Pero sa buong maghapon, naging makulimlimang panahon.
34:42Paalala ng PDRRMO,
34:44asahan pa rin mararamdaman ang bagsik ng Super Bagyo sa buong lalawigan.
34:48Huwag tayong pakampante, malakas pa rin, malawak ang radios ng bagyo
34:54kaya sakop pa rin tayo dito sa Ilocosur.
34:56Bilang bahagi ng paghahanda, Pia, ay pinatutupad ngayon sa buong probinsya ang liquor ban.
35:07Bawal muna ang pagtitinda ng mga nakalalasing na inumin.
35:10Yan ang latest mula dito sa Ilocosur.
35:12Pia.
35:12Maraming salamat, Rafi Tima.
35:21Narito ang iba pang balitang tinutukan ng Bayte 4 Horas Weekend
35:24sa gitna ng pananlasa ng Super Bagyong Uwan.
35:27Alamin po natin mula kay Amor La Rosa
35:29ng GMA Integrated News Weather Center
35:31kung saan makakaapekto ang Super Bagyong Uwan.
35:35Amor?
35:35Salamat, Pia, mga kapuso.
35:40Ngayong magdamag hanggang bukas ng umaga,
35:42mabababad sa malakas na hangin
35:44at matitinding ulan ng malaking bahagi ng ating bansa
35:47dahil po yan sa Super Typhoon Uwan.
35:50Huling namataan ng pag-asa,
35:52itong bagyo, dyan po yan sa layong 110 kilometers
35:54sa Hilaga ng Ada et Camarines, Norte.
35:57Taglay po ang lakas ng hangin naabot sa 185 kilometers per hour
36:01at yung bugsu po niya naabot sa 230 kilometers per hour.
36:05Kumikilos po yan pa west-northwest
36:07sa bilis na 30 kilometers per hour.
36:10Ayon po sa pag-asa,
36:11matapos dumaan malapit po dyan sa Catanduanes,
36:14ay dadaan naman yung sentro nito malapit sa Pulilyo Islands
36:18bago mag-landfall dito sa Aurora
36:20ngayong gabi o kaya naman ay bukas ng madaling araw.
36:24Ayon po sa pag-asa,
36:25may chance na rin na dumikit o dumaplis yan
36:27sa Calaguas Island
36:29o kaya naman po dito sa may bahagi ng Pulilyo Island.
36:32At pagkatapos po ng landfall dyan sa Aurora,
36:34ay tatawi rin ito ang kabundukan ng Northern Luzon
36:38bago tuluyang po makalabas dito sa landmass
36:40bukas ng umaga.
36:42Pusibleng paglabas po nito
36:43sa Philippine Area of Responsibility
36:45ay liliko at babalik ulit yan sa loob ng PAR
36:49pero sunod naman tutumbukin itong bahagi ng Taiwan.
36:53At yan po ang patuloy po natin
36:54yung imomonitor sa mga susunod na araw.
36:56Sa ngayon, nakataas ang wind signal number 5
36:59dyan po sa southern portion ng Quirino,
37:01southeastern portion ng Nueva Vizcaya,
37:04northeastern portion ng Nueva Ecija,
37:06central portion ng Aurora,
37:07Pulilyo Islands,
37:08ganun din sa northern portion ng Camarines Norte,
37:11kasama po ang Calaguas Islands.
37:13Ang signal number 4,
37:14nakataas naman po yan
37:15sa southern portion ng Isabela,
37:17natitirang bahagi ng Quirino,
37:19natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya,
37:21southern portion ng Mountain Province,
37:23southern portion ng Ifugao, Benguet,
37:24southern portion ng Ilocosura,
37:26La Union,
37:27Pangasinana,
37:28at pati na rin sa natitirang bahagi ng Aurora.
37:31At mga kapuso,
37:32inaasahan pa rin po natin yung panganib
37:34ng malakas na hangin at mga pagulan
37:36at kasama rin po sa signal number 4,
37:38ang natitirang bahagi ng Nueva Ecija,
37:41northernmost portion ng Zambales,
37:43northeastern portion ng Tarlac,
37:45easternmost portion ng Pampanga,
37:47eastern portion ng Bulacan,
37:48northern portion ng Rizal,
37:50ganun din dito sa northern
37:51at eastern portions ng Quezon,
37:53natitirang bahagi ng Camarines Norte,
37:55pati na rin sa northern portion ng Camarines Sur
37:58at northern portion ng Catanduanes.
38:01Dahil po sa napakalakas na hangin
38:03na mararanasan sa mga lugar na nasa ilalim
38:05ng wind signals,
38:07nananatili po yung banta ng malalaking alon
38:09at storm surge o daluyong
38:11na aabot ng lagpas siyam o sampung talampakan.
38:15Nakataas naman po ang signal number 3
38:17sa southern portion ng Ilocos Sur.
38:20At inaasahan po natin,
38:21ito po natitirang bahagi ng Ilocos Sur,
38:23natitirang bahagi ng Zambales,
38:25Bataan,
38:25natitirang bahagi ng Tarlac,
38:27Pampanga at ng Bulacan,
38:29kasama rin po ang Metro Manila,
38:31Cavite, Batangas at ganun din
38:32ang natitirang bahagi ng Rizal.
38:36Kasama rin po dito ang Laguna,
38:38natitirang bahagi ng Quezon,
38:39Marinduque,
38:40natitirang bahagi ng Camarines Sur
38:42at ng Catanduanes,
38:43Albay, Sorsogona,
38:44Tikau at ganun din ang Burias Islands.
38:47Nakataas naman po itong signal number 3
38:49dyan po sa ilang bahagi ng Visayas
38:51sa northwestern portion ng Northern Samar.
38:56Para naman sa mga lugar na nasa ilalim
38:58ng signal number 2,
38:59kasama po ang Babuyan Island,
39:01natitirang bahagi ng Mayland, Cagayan,
39:03natitirang bahagi ng Apayaw,
39:04Occidental Mindoro,
39:06Oriental Mindoro,
39:07Romblon,
39:07at pati na rin ang natitirang bahagi ng Masbate.
39:12Itong signal number 2,
39:13nakataas din po yan sa natitirang bahagi ng Northern Samar,
39:16Northern portion ng Samar,
39:18pati na rin sa Northern portion ng Eastern Samar.
39:22At mga kapuso,
39:23yung signal number 1,
39:24nakataas naman sa Batanes,
39:25sa Northern portion ng Palawan,
39:27kasama po ang Kalamihan at Puyo Islands,
39:29ganun din ang Cagayan,
39:31Cilio Islands.
39:32Kasama rin po dito ang natitirang bahagi ng Samar
39:35at ng Eastern Samar,
39:36Biliran, Lete,
39:37Southern Lete,
39:38Cebu,
39:39Bohol,
39:39at pati na rin ang Siquijor.
39:41Nakataas din po ang signal number 1
39:43sa Negros Oriental,
39:44Negros Occidental,
39:46Gimaras,
39:46Iloilo,
39:47Capiz,
39:48Aklan,
39:48at pati na rin po sa Antique.
39:51Base naman sa datos ng Metro Weather,
39:53so yun po yung wind signals,
39:54kasama rin po dito,
39:55yung Dinagat Islands at Surigao del Norte.
39:57Ngayon tingnan naman natin
39:58yung mga pag-ulan na mararanasan.
40:01Dito po sa Metro Weather,
40:02mararanasan yung malawakan
40:04at malalakas na mga pag-ulan
40:06sa halos buong Luzon po yan
40:07mula dito sa Bicol Region,
40:10ganun din sa Calabar Zone,
40:11Metro Manila,
40:12halos buong Mimaropa,
40:14at ganun din ang Northern and Central Luzon.
40:17Kasama rin po dito yung Batanes
40:18at Babuyan Islands.
40:20Meron po tayo nakikita na heavy
40:22to intense or intense to torrential
40:24o halos walang tigil na mga pag-ulan.
40:27Magtutuloy-tuloy po yan sa madaling araw
40:29hanggang bukas araw po ng lunes.
40:31At eto naman,
40:32posible pa rin po hanggang hapon
40:34yung mga pag-ulan
40:35pero unti-unti naman po
40:36yung mababawasan sa ilang lugar
40:38pagsapit po yan ng gabi.
40:41At halos buong araw rin po
40:42ang mga pag-ulan bukas
40:43dito sa Metro Manila
40:45kaya posible pa rin po
40:46ang mga pagbaha sa low-lying areas.
40:49Para naman sa mga kapuso natin
40:50sa Visayas at Mindanao,
40:52may chance rin po ng ulan ngayong gabi
40:54dito yan sa Western Visayas,
40:56Negros Island Region
40:57at ilang bahagi ng Eastern and Central Visayas.
41:00Ganun din sa May Zamboanga Peninsula,
41:03Northern Mindanao
41:04at pati na rin sa Barm.
41:05Halos ganito rin po
41:06ang magiging panahon bukas
41:08kaya doble ingat pa rin.
41:10Yan ang latest sa ating panahon.
41:12Ako po si Amor La Rosa
41:13para sa GMA Integrated News Weather Center
41:15maasahan anuman ang panahon.
41:18At yan po ang mga balita
41:21ngayong linggo
41:21para po sa mas malakmisyon
41:23at mas malawak
41:24na paglilingkot sa bayan.
41:25Ako po si P.R. Canghel.
41:26Ako po si Ivan Mayrina
41:28mula sa GMA Integrated News,
41:29ang News Authority ng Pilipino.
41:31Nakatuto kami 24 oras.
41:34Nao na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na na
Be the first to comment
Add your comment

Recommended