00:00Zero casualty, yan ang ibinahangin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Lalawigan ng Palawan.
00:07Umaasa naman silang mananatili ito hanggang matapos ang kanilang mga operasyon.
00:12Ang buong detalye ihahatid ni Jap Regala ng IBC30.
00:18Patuloy ang pagsasagawa ng operasyon ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office
00:24sa Lalawigan ng Palawan matapos ang paghagupit ng Bagyong Tino.
00:28Sa isang panayam kay Palawan PDRRMO Jerry Alili sa Special Coverage ng Integrated State Media o ISM,
00:35ibinahagi niya ang laki ng pinsalang iniwan ng nagdaang bagyo kung saan pumalo sa halos 30,000 pamilya ang apektado.
00:45Umabot po sa 29,601 families ang affected dito sa amin sa Lalawigan ng Palawan with 97,616 individuals.
00:55And as of now, ang pinaka-priority po namin ay nasa debris clearing dahil maraming po talaga natumbang puno at mga poste ng kuryente.
01:07Dagdag ni Alili, hindi rin bababa sa isang libo ang nasirang tahanan.
01:111,554 ang totally damaged houses pero ito po ay nanggaling pa lang sa dalawang munisipyo out of 13 municipalities na affected nitong typhoon at Tino.
01:29At 905 partially damaged houses.
01:34Wala rin silang naitalang nasawi at umaasa ang kanilang hanay na walang maitatalang casualty hanggang sa pagtatapos ng kanilang operasyon.
01:43Ayon pa kay Alili, bago pa man tumama ang bagyo ay naging maayos ang pagsasagawa ng preemptive evacuation
01:49at ipinatigil din ang lahat ng tourism activities para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
01:54Mabilis din na ihanda ang mga tulong nakakailanganin ng mga residenteng apektado ng bagyo.
01:59Nakapag preposition din po ang mga alkalde natin dito ng mga pagkain sa ating mga barangay
02:10anticipating itong sinasayong advisory na makakaroon ng storm surge
02:16kaya nilagyan na kagad ng mga pagkain na preposition, standby na food yung mga barangay natin
02:24para po hindi mahirapan yung mga barangay official natin sa pag-eevacuate na kanilang mga kababayan.
02:33Naideploy din sa panahon ng bagyo ang kanilang communications at response teams
02:38katuwang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang mga ahensya dahilan
02:43para maging ligtas ang mga pamilyang nailikas.
02:47Sa ngayon ay tuloy-tuloy din sa pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment
02:50ang mga hanay sa mga lugar na lubhang tinamaan ng bagyo.
02:54Para sa Integrated State Media, JAPR Regala, Congress TV.