00:00May bagong asunto ang kakaharapin ng mga dating DPWH engineer na si Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
00:07May kaugnayan pa rin ito sa mga anomalya sa proyekto kontrabaha.
00:11Saksi si Joseph Moro.
00:16Panibagong reklamo ang kinakaharap ng mga dating DPWH engineer si Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza sa Department of Justice kanina.
00:25Nag-high ng Bureau of Internal Revenue ng reklamon tax evasion at iba pang paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 na may parusang kulong na pwedeng umabot sa sampung taon.
00:36Ayon sa BIR, nagsagawa sila ng lifestyle checks sa tatlong dating opisyal at siniyasat ang kanilang financial transactions, mga ari-arian, business interest at tax returns.
00:46Natuklasan ang BIR na kumikita umunong mga ito sa kickback sa mga ghost flood control project at pinapapalitan umunong pera para sa casino chips.
00:55Matatanda ang kasama si Alcantara, Hernandez at Mendoza sa binansagang BGC Boys sa Bulacan Group of Contractors na big time umunong magpatalo sa sugal at gumagamit pa ng mga alias sa mga kasino.
01:07Sir, itong pera po na tinatalo na sila sa kasino is intentional po to launder the money, the money that they received from the kickbacks. Parang hindi siya mamatidot. Ganun po yung ginawa nila.
01:18Mukhang yan ang parang opinion nung nagkaroon ng pagdinig dyan sa Senado. So hindi natin masabi kung ano talaga ang totoong intention but as far as we're concerned, kahit ano pa ang intention yan ay may liable na sila for tax evasion.
01:35Dahil whether yan ang purpose niyan o kung ano man, hindi na importante yun. Dahil ang importante meron silang perang ganyan.
01:43Bukod pa yan sa mga mamahaling sasakyan at iba pang ari-arian na hindi raw tugma sa deklaradong pinagkukuna nila ng income.
01:50Ang titignan lang talaga natin kung tugma ba ang mga revenues sa mga ginagasos at mga ari-arian nila at kung hindi nagbayad ng tamang buwis ay yan ang nangahabulin natin.
02:01Nagdag ng BIR aapos sa 1.6 billion pesos ang kabuang buwis na kanilang sinisingil, 903 million pesos kay Alcantara, 593 million pesos kay Hernandez at 180 million pesos kay Mendoza.
02:15Para yan sa mga taong 2020 hanggang 2024.
02:17Ang tax evasion kasi is kriminal pero iba yung tax liability nun.
02:22So kunyari sabihin na natin na ma-acquit sila, it doesn't mean na hindi na hindi yan kailangan bayaran.
02:28As far as the tax liability is concerned, ngayon pa lang sisingilin na namin yan.
02:35Ayon sa abugado ni Hernandez at Mendoza, wala pa silang kopya ng reklamo.
02:40Handa raw silang saguti nito sa tamang forum.
02:43Hinihinga namin ang pahayag si Alcantara.
02:45Hiwalay pa yan sa rekamendasyon ng Independent Commission for Infrastructure sa Ombudsman,
02:50nakasuhan ng graft, malversation of public funds at iba pa,
02:53ang mga opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office sa pangungunan ni dating District Engineer Alcantara.
03:00Ngayon din ang kinatawa ng kontraktor na Top-Notch Catalyst Builders Incorporated
03:05at Beam Team Developer Specialist Incorporated na si Alan Payawal na nameki umano ng mga dokumento ng proyekto.
03:12Kaug na yan sa flood control project sa barangay Bangbam, Bukawi, Bulacan,
03:16na nagkakahalaga ng 95 million pesos at edineklaran tapos itong Enero.
03:21Ayon sa Commission on Audit, wala namang naitayong struktura sa sinabing lokasyon.
03:26Hinihinga namin ang pahayag ang mga inerekomendang kasuhan ng ICI.
03:30Ayon kay ICI Chairman Retired Justice Andres Reyes Jr.,
03:33wala pa silang nakitang koneksyon ng mga mamabatas sa proyektong ito,
03:38kaya puro kontraktor at engineer ang inerekomendang kasuhan.
03:42There is definitely a connection, but we still have to establish the connection.
03:48Hindi naman pwede may gawin yung DPWs na walang nagbigay ng kontrata or project referral.
03:57Hindi po nila sinabi sa ICI kung sino yung nagbubas sa kanila.
04:00Hindi, tagbigay sila mga pangalan, but hindi lahat.
04:06Siguro, o baka yun lang alam nila.
04:09I don't know if there will be the holding or what.
04:11Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
Comments