Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi lang pala may kaugnayan, kundi tumatay yung opisyal pa ng mga kumpanyang may mga kontrata sa gobyerno ang ilang mambabatas.
00:09Ay po yan sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism na sinilip din ng GMA Integrated News Research.
00:16Ang iba namang mambabatas may kaanak, kaibigan o kaya campaign donor na kontratista ng gobyerno.
00:24Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:26Sa gitna na investigasyon ng Senado at Kamara kaugnay sa flood control projects, may kumukwestyon kung tama bang mismo mga mambabatas
00:35ang nag-iimbestiga kung ilan sa kanila ay naiuugnay sa mga kontratista ng gobyerno.
00:41Sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism na sinilip din ng GMA Integrated News Research,
00:48ilang mambabatas ang lumabas na may kamag-anak, kaibigan o campaign contributors na kontratista ng gobyerno.
00:56Sa Senado, nariyan si na Senate President Francis Escudero, Senador Joel Villanueva at Senador Bongo.
01:03Dati nang sinabi ni Escudero na nag-donate ng 30 million pesos sa kanyang kampanya noong 2022,
01:09si Center Waste Construction and Development Inc. President Lawrence Lubiano.
01:14I-dineklara rin ito ni Escudero sa kanyang sose o Statement of Contributions and Expenditures.
01:20Ang Center Waste ay kasama sa 15 contractors na pinangalanan ni Pangulong Marcos na nakakuha sa 20% na mga kontrata ng flood control.
01:30For the record, wala akong kinalaman sa pag-identify, paggawa ng program of work, pagbid, pag-award, pagbahay, pagbayad, pag-inspeksyon ng anumang proyekto sa pamahalan.
01:41Personally, ito po, donation or nag-donate po ako kay San Turchis yung 30 million.
01:48Hindi po galing sa kampanya yun, galing po yun sa akin as a personal.
01:53Si Villanueva ay dineklara rin sa kanyang sose ang donasyo ng New San Jose Builders noong 2022 na nagkakahalaga ng 20 million pesos.
02:02Si Villanueva, dati nang itinanggi na may kaugnayan siya sa flood control projects.
02:08Isa pangaraw siya sa nag-expose nito, tatlong taon na ang nakararaan.
02:12Sinabi rin daw sa kanya ng New San Jose Builders na wala silang government contract noon.
02:17Pagamat sa ulat ng PCIJ, sinabing nakakuha ng kontrata sa gobyerno ang naturang kumpanya.
02:24Si Go naman, kinokonekta sa CLTG Builders na pag-aari ng kanyang ama at Alfrego Builders and Supply na pag-aari ng kanyang half-brother.
02:33Pero sabi ni Go, wala siyang kinalaman sa operasyon ng mga kumpanyang ito.
02:37Ang CLTG Builders ay wala sa isumbong mo sa Pangulo website ng flood control projects.
02:43Ang Alfrego naman, merong limang proyekto sa gobyerno na nagkakahalaga ng mahigit 327 milyon pesos.
02:51If meron pong deficiencies at meron silang pagkukulang, ako mismo po ang magre-rekomenda.
02:57Sa committee ito, nakasuhan sila. Kahit kamag-anak ko.
03:01Lumabas din sa ulat ng PCIJ at pagsilip ng GMA Integrated News Research na sa House of Representatives,
03:11labing limang mambabatas ang nauugnay sa mga government contractors.
03:15Si dating House Appropriations Committee Chairman, Representative Elizalde Coe, co-founder ng SunWest,
03:21pero sinabi din niyang nag-divest na siya rito.
03:24Dalawang kapatid ni Coe ang lumalabas na opisyal ng dalawa pang kumpanya,
03:29ang Hightone Construction and Development Corp at FS Coe Builders and Supply.
03:34Ang SunWest at Hightone ay kasama sa top 15 contractors na tinukoy ni Marcos.
03:40Sinubukan naming hinga ng bagong pahayag ang opisina ni Coe pero wala pa silang tugon.
03:44Ilan sa mga mambabatas na yan ang tumatayong opisyal ng kumpanya hanggang ngayon.
03:49Gaya ni na magbubukid partylist Representative Ferdinand Beltran na manager ng Third Star Builders and Contractors.
03:57At Journey Jet Nisay, general manager ng JVN Construction and Trading base sa DPWH contracts.
04:05At si Representative Carlos Loria, tumatayong president ng Macapa Corporation.
04:10Pag-aari naman ng pamilya ni Representative Agustina Pancho ang CM Pancho Construction Inc.
04:16At ang pamilya ni Representative Micaela Gonzalez, ang A.D. Gonzalez Jr. Construction and Trading.
04:22Ang ibang mambabatas naman, may kamag-anak na opisyal ng mga construction firms na may kontrata sa gobyerno.
04:29Gaya ni na CWS partylist Representative Edwin Guardiola, Representative Munir Arbison at Munir Arbison Jr.
04:37Si Representative Lani Mercado Revilla, hipag ang shareholder ng Graia Construction Corporation na tiyahin naman ni na Congressman Brian at Jolo Revilla.
04:48Bayaw naman ni Representative Caroline Aguiao ng Kalinga, ang manager ng BHM Construction.
04:54Ang ama ni One Rider Partylist Representative Ramon Gutierrez, general manager ng Alro Construction and Development Corporation.
05:02Habang si Representative Cristina Angeles, asawa ng general manager ng Northern Builders and Construction Corp.
05:09Ayon sa opisina ng Representative Angeles, inutusan na raw niya ang kanilang accountant para makapag-divest na siya sa Northern Builders Construction Corporation o NBCC.
05:20Nasa pre-operational stage pa lamang daw ang NBCC at hindi pa nakibahagi sa anumang bidding sa pribadong sektor man o sa gobyerno.
05:29Paliwanag nila, nagsimula ang NBCC sa kumpanyang itinatag ng kanyang asawa halos 40 taon na ang nakararaan.
05:36Naging korporasyon lamang daw ito noong 2023.
05:40Si Rusubukan pa ng GBA Integrated News na makuha ang panig ng mga nabanggit na mambabatas.
05:45Para sa isang profesor ng UP National College of Public Administration and Governance,
05:50magandang hakbang ang pag-iimbestiga sa mga flood control projects na sinasabing ginamit ng ilang politiko para makapagbulsa ng pera sa taong bayan.
05:5920% ng ating budget ay napupunta sa bribery, napupunta sa mga politikong gumagamit ng pera ng bayan para sa kanilang sariling interes.
06:11So ang ano doon, ang daming nawawalang pera no?
06:16At yun nga, hindi talaga napupunta sa public services.
06:20Talagang titipirin mo, ang gagawin mo, pukuha ka ng mga pinakamura, pinakasubstandard para ma-deliver mo yung project.
06:30So nakakalungkot yun kasi walang quality.
06:33Sabi nga ni Dr. Mendoza, ang pondong na ibulsa ng ilan dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan.
06:39Kaya mas mabuti raw kung maipapakita ng administrasyon na mapaparusahan talaga ang mga sangkot sa maanumalyang flood control projects.
06:50Kailangan meron talagang tiwala ang lahat ng tao sa gobyerno at sa mga institusyon nito.
06:57Madali siyang masustain o magmaram, magsusumbong, kung ganyan, ganyan.
07:00Pero kung pagsusumbong lang, dapat yan, meron siyang proseso para sa karangpat na parusa o sangsyon o anong dapat na mangyari doon sa sumbong.
07:13Dapat may example.
07:14Patuloy na tinitingnan ng GMA News Research ang mga listahan ng flood control projects na matatagpuan sa isumbong mo sa Pangulong website.
07:23Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
07:28Mga kapuso, maging una sa saksi.
07:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended