Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy po ang paglapit sa Philippine Area of Responsibility ng bagyong may international name na FUWO.
00:06Ayon sa pag-asa, huli itong namataan sa layong 1,570 km silangan ng northeastern Mindanao.
00:12Habang papalapit sa Pilipinas, ay posibong lumakas ito at maging super typhoon.
00:17Basa pa rin, sa huling forecast ng pag-asa, posibong pumasok sa PAR ang bagyo bukas ng gabi o Sabado ng umaga.
00:24At pagpasok sa bansa, tatawag na itong bagyong uwan.
00:28Posibong maramdaman ang bagsik nito sa Sabado ng gabi o sa linggo.
00:32Posibong kumilos ito, pahilagang kaluran, at babaybayin ang lalawin na Isabela o Aurora.
00:38Maripong maapektuhan ang Corduliera Administrative Region, Cagayan Region, Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila at Southern Luzon.
00:46May panganib din ang malalaking alon at storm surge na pwedeng umabot ng lagpas tatlong metro o lagpas siyam na talampakan.
00:53Sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Cebu bukas, planong idulog ni Cebu Governor Pam Baricuatro ang issue ng mga proyekto kontrabaha sa lalawigan.
01:06Saksi si Ian Cruz.
01:07Nilunod ng baha ang maraming lugar sa Cebu at maraming sa binagyo ang kinailangang i-rescue sa mga bubungang.
01:18Meron pa namang mahigit apat na raang flood control project noon na ginastusan ng halos 27 billion pesos.
01:28Panawagan ni Cebu Governor Pamela Baricuatro, imbestigahan kung saan napunta ang pondo para sa flood control project.
01:36Discussed with President Marcos regarding sa katong 26 billion funds din.
01:42Para naku, it's not enough na resilient ang mga Cebuanos.
01:48Justice has to be also looked into.
01:51Nga nung nahitabu ni Karun.
01:53Tagaan tagjustis siya ang mga Cebuanos.
01:57Nga nung nahitabu ni Nato Karun, kanyang flash flood rin sa toang province.
02:01Ginisita ni Public Works Secretary Vince Dizon ang mga lunsod ng Talisay at Mandawi sa Cebu kahapon.
02:08Hindi raw kinahaya ng mga dike at revetment ang malaking tubig na bumuhos.
02:14Sabi ni Dizon, di sapat ang mga flood control projects lalo sa may Mananga at Mutuanon River.
02:21Dalawang rivers ang may, ang ano, ang talagang umapaw ng todo-todo, yung Mananga River,
02:28na nag-originate sa mga bundok sa Cebu City, pababa ng Talisay,
02:34at yung Butuanon River, nanggagaling din sa mga bundok sa Cebu City, pababa naman, papuntang Mandawi.
02:42So yung mga nakita nating mga grabing pinsalang dinulot, dun sa dalawang ilog na marilaki.
02:49Kung titignan sa isumbong mo sa Pangulo website, may labing siyam na flood control projects sa Mananga River
02:55na nagkakahalaga ng 2 billion pesos.
02:59Lahat dapat tapos na base sa date of completion.
03:03Ang Butuanon River naman, may labing pitong flood control projects na may halagang 1.4 billion pesos.
03:10Ang dike can only take you so much. Ibig sabihin, pag normal na baha o normal na ulan, okay, kaya ng dike yan.
03:19Pero yung mga ganitong klaseng mga once in 20 year na bagyo, eh hindi kaya yan.
03:25Puro dike, puro revetment.
03:27Ang problema, hindi lang yun ang flood control.
03:31Ang isa sa mga pinaka-importanting flood control,
03:33eh yung pagkukontrol nung daloy ng tubig na nanggagaling sa upstream ng isang ilog, pababa.
03:41Yun ang wala.
03:42Sabi rin ni Dr. Maharlagmay, Executive Director ng UP Resilience Institute and NOAA Center,
03:48hindi dike ang solusyon sa baha.
03:51May mas efektibo at murang solusyon kontra baha,
03:55lalo na ang nararanasan lamang minsan sa isang buhay.
04:00Panghuling konsiderasyon nga raw ito.
04:02Una, dapat daw maibalik ang forest cover na nawalan itong nagdaang dalawang dekada.
04:08Dapat magkaroon ng retention basin na pwedeng imbaka ng tubig.
04:12Dapat may flow-through o maraming mini dams.
04:15Dapat may mga rainwater harvesting.
04:18At mga pumping station para mailabas kaagad sa ilog, papunta sa dagat ang tubig.
04:23Yung dike na yun magiging mas efektibo pa kasi nabawasan na yung baha.
04:28So yung ngayon na palaging dike, mas malaki na yung baha,
04:31eh aapaw.
04:32Pero kapag in-exhaust mo muna, ginamita mo muna ng paraan,
04:37naglagay ka ng mga iba-ibang mga solusyon, patong-patong na solusyon,
04:41tsaka ka mag-iisip ng dike.
04:43Para maging efektibo siya, mas mura at mas sustainable.
04:47Sabi ni Dizon, sa inisyal na nakita nila, papalo sa 50 billion pesos ang flood control project sa Cebu mula taong 2016 hanggang 2025.
04:58Ang Cebu Province ay kalawang probinsyang may pinakamaraming flood control project sa bansa base sa isumbong mo sa Pangulo website.
05:06Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
05:13May bagong asunto ang kakaharapin ng mga dating DPWH engineer na si Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
05:20May kaugnayan pa rin ito sa mga anomalya sa proyekto kontrabaha.
05:24Saksi si Joseph Moro.
05:25Panibagong reklamo ang kinakaharap ng mga dating DPWH engineer si Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza sa Department of Justice kanina.
05:38Naghahain ang Bureau of Internal Revenue ng reklamon tax evasion at iba pang paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997
05:46na may parusang kulong na pwedeng umabot sa sampung taon.
05:49Ayon sa BIR, nagsagawa sila ng lifestyle checks sa tatlong dating opisyal at siniyasat ang kanilang financial transactions,
05:56mga ari-arian, business interests at tax returns.
05:59Natuklasan ang BIR na kumikita umunong mga ito sa kickback sa mga ghost flood control project
06:04at pinapapalitan umunong pera para sa casino chips.
06:08Matatanda ang kasama si Alcantara, Hernandez at Mendoza sa binansagang BGC Boys sa Bulacan Group of Contractors
06:15na big time umunong magpatalo sa sugal at gumagamit pa ng mga aliyas sa mga kasino.
06:20Sir, itong pera po na pinatalo na sila sa kasino is intentional po to launder the money,
06:26the money that they receive from the kickbacks, para hindi siya ma-ma-design.
06:30Ganun po yung ginawa niya.
06:32Mukhang yan ang parang opinion nung nagkaroon ng pagdinig dyan sa Senado.
06:37So, hindi natin masabi kung ano talagang ito itong intention,
06:40but as far as we're concerned, kahit ano pa ang intention niyan ay may liable na sila for tax evasion
06:48dahil whether yan ang purpose niyan o kung ano man, hindi na importante yun
06:53dahil ang importante meron silang perang ganyan.
06:56Bukod pa yan sa mga mamahaling sasakyan at iba pang ari-aria na hindi raw tugma
07:00sa deklaradong pinagkukunan nila ng income.
07:03Ang titingnan lang talaga natin kung tugma ba ang mga revenues sa mga ginagasos at mga ari-arian nila
07:10at kung hindi nagbayad ng tamang buwis ay yan ang ahabulin natin.
07:14Nagdag ng BIR aabos sa 1.6 billion pesos ang kabuang buwis na kanilang sinisingil,
07:20903 million pesos kay Alcantara, 593 million pesos kay Hernandez at 180 million pesos kay Mendoza.
07:27Para yan sa mga taong 2020 hanggang 2024.
07:30Ang tax evasion kasi is kriminal pero iba yung tax liability nun.
07:35So kunyari sabihin na natin na ma-acquit sila, it doesn't mean na hindi yan kailangan bayaran.
07:41As far as the tax liability is concerned, ngayon pa lang sisingilin na namin yan.
07:48Ayon sa abugado ni Hernandez at Mendoza, wala pa silang kopya ng reklamo.
07:52Handa raw silang saguti nito sa tamang forum.
07:55Hinihinga namin ang pahayag si Alcantara.
07:57Hiwalay pa yan sa rekamendasyon ng Independent Commission for Infrastructure sa Ombudsman,
08:03nakasuhan ng graph, malversation of public funds at iba pa,
08:06ang mga opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office
08:10sa pangungunan ni dating District Engineer Alcantara.
08:13Gayun din ang kinatawa ng kontraktor na Top-Notch Catalyst Builders Incorporated
08:18at Beam Team Developer Specialist Incorporated na si Alan Payawal na nameki-umano
08:23ng mga dokumento ng proyekto.
08:25Kaugna yan sa flood control project sa barangay Bangbang, Bambu, Kawi, Bulacan
08:29na nagkakahalaga ng 95 million pesos at idineklaran tapos itong Enero.
08:34Ayon sa commission ng audit, wala namang naitayong struktura sa sinabing lokasyon.
08:39Hinihinga namin ang pahayag ang mga inerekamendang kasuhan ng ICI.
08:43Ayon kay ICI Chairman, Vital Justice Andres Reyes Jr.,
08:47wala pa silang nakitang koneksyon ng mga mamabatas sa proyektong ito,
08:51kaya puro kontraktor at engineer ang inerekamendang kasuhan.
08:54There is definitely a connection, but we still have to establish the connection.
09:01Hindi naman pwede may magawin yung DPWs na walang nagbigay ng kontrata or project referral.
09:09People nila sinabi sa ICI kung sino yung nagputus sa kanila?
09:14Hindi, nagbigay sila mga pangalan.
09:17But hindi lahat siluto.
09:20O baka yun lang alam nila.
09:21I don't know if there will be the holding or what.
09:24Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
09:29Mga kapuso, maging una sa saksi.
09:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended