Skip to playerSkip to main content
Lumobo ang bilang ng walang trabaho sa bansa na pinakamataas sa loob ng tatlong taon.


Pinakaapektado ang construction sector na tila niragasa dahil sa flood control scandal.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lumobo ang bilang ng walang trabaho sa bansa na pinakamataas sa loob ng tatlong taon.
00:05Pinaka-afectado ang construction sector na tila niragasa dahil sa flood control scandal.
00:11Nakatutok si Maki Pulido.
00:15Mula 1.63 milyong Pilipinong walang trabaho noong 2024,
00:21umakyat ang bilang na ito sa 2.26 milyon noong 2025.
00:25Ito na ang pinakamataas na unemployment rate sa loob ng tatlong taon.
00:31Mula mahigit 1 milyong Pilipinong nagkatrabaho noong 2023,
00:35bumaba ito sa 664,000 noong 2024,
00:39at lalo pang bumagsak pagpasok ng 2025 dahil 172,000 na lang ang nagkatrabaho.
00:47Sa sektor ng construction nakita ang pinakamababang pagbaba ng bilang ng trabaho.
00:51Ayon sa PSA, efekto ito ng paghigpit ng gobyerno sa pagpondo ng mga infrastructure projects
00:58kasunod ng mga maanumalyang flood control project.
01:01Negative yung growth rate doon sa construction, particularly public construction.
01:05So dito, nakita talaga natin na ito yung major contributor sa year on year.
01:11Pero kahit sa labas ng construction, mahirap maghanap ng trabaho.
01:14Kasi kapag po walang trabaho, walang pera, walang panggastos po, wala po talaga, zero.
01:22Sabi sa isang pag-aaral ng Congressional Policy and Budget Research Department ng Kamara,
01:28kahit lumago ang ating ekonomiya noong 2025, mabagal ito kaya hindi makalikha ng trabaho.
01:33Sabi pa ng pag-aaral, baka nga mas marami pa ang walang trabaho
01:37dahil binibilang agad na employed ng Philippine Statistics Authority
01:40kahit yung mga nasa gig economy at mga nagpa-part-time,
01:44kahit kapos o wala talagang kita, halimbawa yung tumutulong sa family business.
01:49Overall, naging 4.4% lang ang growth rate.
01:53Sabi nila, well, it is still a positive growth rate, which is true.
01:58Kaya lang, merong mga nangyayari sa loob ng ekonomiya natin
02:01na hindi nakaka-capture ng GDP growth rate.
02:05Unang-una na dyan, pagdami ng mga unemployed individuals.
02:11Ipinapanukala sa research paper ng Kamara ang suporta sa mga negosyo at sektor
02:16na nagbibigay ng maraming trabaho, tulad ng bawas sa buwis na kanilang binabayaran.
02:21Kung marami ang walang trabaho, maraming walang pambili.
02:24Mababawasan ang kita ng mga negosyo na magpapabagal lalo sa ekonomiya
02:28at may epekto lalo sa trabaho.
02:30Ano ba ang programa ng pamahalaan ang magdudulot ng mas maraming trabaho?
02:38Huwag na yung mga ayuda.
02:41Kasi yung ayuda, temporary, at saka ito, parang nangyayari niyan,
02:46ginagamit na instrumento para makabili ng boto.
02:50Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended