Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Wala mang wind signal, nakaranas po na naman ng malakas na pagulan
00:14ang ilang bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa trough o yung buntot ng Bagyong Tino.
00:20Kasama natin si Chris Uniga para sa detalye. Chris?
00:23Salamat Connie! Binaha ang ilang bahagi ng Baler Aurora kasunod ng malakas na ulan.
00:32Sa barangay Suklayin, kitang mabagal ang takbo ng ilang sasakyan dahil sa tubig sa kalsada.
00:37Halos tatlong oras daw na umulan doon, kaya bumaha.
00:40Nagdulot yan ang perwisyo sa mga residente, lalo't dyan daw ang pangunahing ruta,
00:45papasok at palabas ng mga terminal at palengke sa bayan.
00:49Nagkaroon naman ang rock slide sa Tinglayan, Kalinga.
00:52Humambalang sa kalsada ang malalaking tipak ng bato at lupa dal sa paglambot ng lupa kasunod ng pagulan sa lugar.
00:59Nagsagawa na ng clearing operations doon.
01:03Arestado naman ang isang babae matapos umanong magtangkang magpuslit ng iligal na droga sa city jail dito sa Dagupan City.
01:11Ayon sa mga otoridad, dadalaw sana ang sospek sa kanyang kinakasama na nakakulong doon.
01:17Nahulian siya ng isang pakete ng hinihinalang shabu na nakabalod sa bond paper.
01:22May bigat itong tatlong gramo na nagkakahalaga ng mahigit sa 20,000 piso.
01:27Naharap sa reklamo paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang sospek at wala pa siyang pahayag.
01:34Ito ang GMA Regional TV News.
01:42Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
01:47Patay ang isang babae matapos tumaob ang sinasakyang bangka ng kanyang pamilya sa Buluan, Maguindanao del Sur.
01:54Cecil, paano yan ang nangyari?
01:59Raffi overloading ang dahilan ng pagtaob ng bangka ayon sa lokal na pamalaan.
02:05Batay sa investigasyon, papunta sa kanilang fish cage sa Lake Buluan ang mga biktiman nang mangyari ang insidente.
02:12Sinubukan daw ng nanay na iligtas ang kanyang bungsong anak kaya siya nalunod.
02:17Ligtas naman ang bata pati ang anim pa nilang kaanak.
02:20Ayon sa LGU, pang limang tao lang ang kapasidad ng bangka.
02:24Nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamalaan sa pamilya ng biktima.
02:28Sinusubukan pang punan ng pahayag ang mga nakaligtas.
02:33Sa balingasag ni Samis Oriental naman, patay ang isang binatilyong 12 anos na nalunod matapos siyang tangayin ng rumaragas ang tubig sa isang malaking kanal sa barangay sang Isidro.
02:45Ayon sa investigasyon, naglalaro ang bata nang mahulog ang kanyang bola sa kanal.
02:50Sinubukan niyang punin yun pero tinangay siya ng malakas na agos.
02:54Sinusubukan pang punan ng pahayag ang pamilya ng bata.
02:58Update tayo sa sitwasyon sa Leyte na kabilang sa mga napuruhan ng bagyong tino.
03:06May ulat on the spot si Nico Sereno ng GMA Regional City.
03:13Cecil, inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad ang kabuang danyos na iniwan ng pananalasan ng bagyong tino dito sa Region 8.
03:22Umaga kahapon, matapos dumaan ang bagyo, unti-unting nagsiuwian ang mga nagsipaglikas.
03:28Sa bayan ng Abuyog, nang magliwanag na ang kalangitan, dalidaling nagligpit ng gamit ang mga tao at isinakay sa tricycle para makauwi.
03:35Sa Abuyog noong lunes ng gabi, nang tumama ang bagyo, 827 families ang inilikas o mahigit sa 3,200 individuals.
03:46Maraming mga poste ng kuryente ang natumba at nakahambalang sa kalsada.
03:50Tigisang lane pa rin ang magagamit sa bahagi ng National Highway dahil sa mga posteng nakaharang.
03:56Sa bayan naman ng Mahaplag Leite, problema ang grabing putik sa mga kabahayan sa San Vicente, Barangay Poblasyon.
04:04Umapaw kasi ang ilog sa lugar kaya binaha ang kabahayan.
04:08Sa ilang mababang lugar hanggang bewang ang putik.
04:12Sa bayan ng Marabut Samar, ang ibang pamilya sa Queba lumikas noong paparating ang bagyo.
04:18Kwento ng SK chairperson na si Nico Baldo.
04:21Nakagawian na ng ilang mga residente na dun sa Queba papasok at makikisilong.
04:26May ibang nagpunta rin sa evacuation centers naman sa bayan pero nakagawian na raw ng iba na doon.
04:33Dalawang gabi na malagi doon ang ilang mga residente, linggo at lunes ng gabi.
04:39Sa bayan naman ng Giwan sa Eastern Samar, nag-iwan ng pinsala sa mga bahay at infrastruktura ang Bagyong Tino.
04:45Karamihan sa mga nasirang ari-arian ay nasa islang nasasakupa nila ang Humonhon at Suluan Island.
04:52Kahapon, nagdeklara ang bayan ng State of Calamity para magamit ang nakalaan nilang pondo.
05:00Cecil, ayon sa Office of Civil Defense, ang bayan ng Silago sa Southern Leyte ay nagdeklara na rin ng State of Calamity.
05:07Magsasagawa ngayong araw ng aerial inspection ang maopisyal ng OCD-8
05:12at ilang mga government agencies para makita at ma-assess ang kabuang lawak ng pinsala dala ng bagyo.
05:20Cecil?
05:20Maraming salamat, Nico Sereno.
Comments

Recommended