Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06May init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Naperwisyo ang ilang estudyante sa masaya-sanang week-long event sa Bicol University sa Legazpi, Albay.
00:18Chris, anong nangyari?
00:22Connie, nahimatay kasi ang ilang estudyante dahil umano sa colored smoke bombs.
00:28Ginamit ang Mayan bilang props sa opening production ng School Olympics sa kanilang universidad.
00:33Sa una, makikita na masigla pang sumasayaw ang mga estudyante.
00:38Ilang sandali lang, may mga nasofocate na dahil daw sa makapal na usok mula sa smoke bombs.
00:44Nanigip daw ang dibdib at nahirapan sila sa paghinga.
00:47Binigyan ng first aid ang ilang estudyante habang may ilan na dinala sa iba't ibang ospital sa probinsya.
00:53Pasunod ng insidente, inanunsyo ng pamunuan ng Bicol University na postponed ang School Olympics.
01:00Suspendido rin muna ang klase sa buong campus ngayong araw para makapagpahinga raw ang mga naapektuhan.
01:06Handa raw ang Bicol University na magbigay ng suporta at tulong sa bawat estudyante na perwisyo ng insidente.
01:13Sa Atimonan, kesa naman, patay ang isang dalaki.
01:18Matapos maaksidente at sumabog ang minamanehong oil tanker.
01:22Base sa Eves Gazon, galing sa palusong at palikong bahagi ng Maharlika Highway ang tanker,
01:28ng magka-mechanical problem ito.
01:30Nawalan daw ng kontrol ang driver, kaya sumadsad ang oil tanker sa putik hanggang bumangga sa isang trailer truck.
01:37Tumagilid at dumaus-dus din ito at nahagip ang dalawang tricycle.
01:41Ayon sa polisya, nagliyab at sumabog ang tanker dahil sa pagkaskas nito sa simento.
01:48Damay rin sa sunog ang ilang pangsasakyan, tindahan at mga kawad ng kuryente.
01:53Lima ang nagtamo ng matinding lapnos sa katawan, kabilang na ang tatlong minordedad na estudyante.
02:00Ito ang GMA Regional TV News!
02:06Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
02:10Sampung sasakyan na nagkarambola sa Nabas Aklan.
02:14Sara, paano nagsimula itong karambola?
02:18Rafi, isang 10-wheeler na nawalan umano ng preno ang dahilan ng karambola.
02:25Sa nahulikam na insidente sa kalsada ng Barangay Libertad,
02:28kita ang pagbangga ng truck sana sa unahang van.
02:32Sa lakas ng impact, tumagilid ang van, gayon din ang truck.
02:35Tumama ang mga ito sa ilan pang sasakyan.
02:38Batay sa imbisigasyon, nadamay sa insidente ang isang motorsiklo at dalawang sasakyan na nahulog sa bangin.
02:45Patuloy pa ang imbisigasyon ukol sa kabom bilang na mga sugatan at halaga ng pinsala.
02:53Sumiklab ang sunog sa isang paaralan sa Daanbantayan, Cebu.
02:57Tatlong siling aralan sa Daanbantayan Central School ang tinupok ng nagngangalit na apoy madaling araw nitong linggo.
03:03Gate ng isang school official, naka-unplug ang lahat ng appliances sa nasabing paaralan.
03:09Kabilang ang gusali sa mga nakitaan ng bitak kasunod ng magnitude 6.9 na lindol doon noong September 30.
03:17Inaalam pa ang sadhi ng apoy.
03:22Ito ang GMA Regional TV News.
03:27Sugatan na isang radio broadcaster matapos na pagbabarilin sa barangay Morera sa Ginobatan, Albay.
03:33Ayon sa pulisa isinugod sa ospital ang 54 anyos na biktima na nagtamon ng apat na tama na bala sa katawan.
03:41Hindi pa malinaw ang motibo ng sospek sa pamamaril.
03:44Kinundinan ang Bicol Police ang marahas sa pag-atake sa mga miyembro ng media.
03:49Naglagay na rin ang checkpoint sa lugar at inalerto na rin ang iba pang himpila ng pulisya.
03:54Patuloy ang imbisigasyon.
03:55Hinahanap pa rin ang mag-asawang nahulog sa isang bangin at natabunan umano ng lupa sa Quezon, Bukinon.
04:04Ayon sa MDRRMO, sakay ng tricab ang mga biktima ng gumuho ang bahagi ng kalsada sa Bargay Palakapao noong linggo.
04:13Pansamantalang isinara ang nasabing kalsada sa lahat ng sasakyan na nagresulta sa pagkaantala ng mga biyaherong patungong Davao at Cagayan de Oro City.
04:22Ang highway rin ang nagsisilbing daan papasok at palabas ng Bukinon.
04:26Ayon sa mga otoridad, pahirapan ang search operation dahil hindi pa stable ang lupa.
04:32Aabot din sa sandaan at 50 metro ang lalim ng bangin.
04:35Sa ngayon, nagtalaganan ng magkahiwalay na alternatibong ruta para sa light vehicles at mga truck doon.
04:42Patuloy ang damage assessment ng Department of Public Works and Highways Region 10.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended