00:00Patuloy po ang pagtulong ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng na apektohan ng Bagyong Tino.
00:06Kabilang sa nabigyan ng Family Food Pact sa mga binahas sa Bicol, Western Visayas at Caraga.
00:11Si Rod Lagusan sa report.
00:14Sa gitna pa rin ang pananalasan ng Bagyong Tino sa Visayas at kalapit na mga lugar,
00:20daandang libong mga individual ang apektado.
00:23Base sa tala ng Department of Social Welfare and Development,
00:25at as of 6am, aabot na sa higit 330,000 katao o higit 102,000 na mga pamilya ang apektado ng Bagyo.
00:34Mula sa bilang na ito, pinakamataas ang ngayatala sa Caraga na halos 160,000 katao.
00:39Sinundan ito ng Region 6 o Western Visayas na higit 133,000 na mga individual.
00:45Apektado din ang mga riyo ng Region 8 o Eastern Visayas, Region 7 o Central Visayas,
00:50Mimaropa, Bicol Region at Negros Island Region.
00:54Ayon sa DSWD, higit 53,000 na mga pamilya o higit 175,000 na mga individual ang pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.
01:04Pinakamarami sa bilang na mga nasa evacuation center ay sa Region 6 na sinundan ng Caraga, Region 8 at Region 7.
01:12Ayon sa DSWD, halos 3,000 kahuna ng mga family food packs as of 6am ang naipamahagi sa mga lugar na naapektoan ng Bagyo.
01:20Kabilang dito ang Bicol Region, Western Visayas at Caraga.
01:23Ito ibahagi ng Augmentation Requests ng mga lokal na pamahalaan.
01:27Ang mga ito ay nakalaan para sa mga pamilyang naapektoan ng Bagyo.
01:31Samantala na mahagi naman ang DSWD Field Office 5 Bicol Region sa mga nastranded sa Matnog Port sa Sorsogon.
01:38Katulong ang Matnog LGU, nakapamahagi ang mobile kitchen ng DSWD ng hot meals para sa mga stranded na pasahero.
01:45Rod Lagusad, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.