00:00Mahigit 200 food packs na ipamahagi ng DSWD sa Palanas Masbate.
00:05Mahigit 200 food packs na ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Palanas Masbate,
00:13kasunod pa rin ang pananalasa ng Bagyong Opong.
00:16Ayon sa datos ng DSWD, nasa 223 ang naipamahagi ng ayuda sa mga lugar ng Barangay Salbasyon, Antipolo, Mabini, Maanahaw, Parina at iba pa.
00:29Dagdag pa ng kagawran, patuloy pa nilang ipapamahagi ang nasa 1,000 food packs sa probinsya.
00:34Bahagi ng operasyon na ito ng Social Protection Services ng DSWD,
00:39alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matiyak ang agarang tulong at malasakit sa bawat pamilyang Pilipinong apektado ng kalamidad.